Professional Documents
Culture Documents
Modyul 8 Fil 101
Modyul 8 Fil 101
Modyul 8 Fil 101
: 00
VISION MISSION
A center of human development committed to the pursuit of wisdom, truth, Establish and maintain an academic environment promoting the pursuit of
justice, pride, dignity, and local/global competitiveness via a quality but excellence and the total development of its students as human beings,
affordable education for all qualified clients. with fear of God and love of country and fellowmen.
GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims to:
1. foster the spiritual, intellectual, social, moral, and creative life of its client via affordable but quality tertiary education;
2. provide the clients with rich and substantial, relevant, wide range of academic disciplines, expose them to varied curricular and co-curricular
experiences which nurture and enhance their personal dedications and commitments to social, moral, cultural, and economic transformations.
3. work with the government and the community and the pursuit of achieving national developmental goals; and
4. develop deserving and qualified clients with different skills of life existence and prepare them for local and global competi tiveness
Kalakip na Aralin H
KAHULUGAN NG PAGBASA
Ayon kay Goodman (sa Pagkalinawan 2004), ang pagbasa ay isang psycolinguistic
guessing game na kung saan ang mambabasa ay bumubuo ng bagong kaisipan mula sa
tekstong binabasa.
Ito ay ang pagkilala at pag-unawa sa mga simbolo at sagisag ng nakalimbag. Ang
mga simbolo o sagisag ay tumutukoy sa mga letra, salita, mga parirala o pangungusap.
PROSESO NG PAGBASA
1. PERSEPSYON – Kinikilala ang simbolong nakalimbag.
2. KUMPREHENSYON – Pag-unawa sa mga mensaheng inihahatid ng mga simbolo.
3. REAKSYON – Paglalapat at pagpapahalaga sa mga kaisipang inilahad ng awtor.
4. INTEGRASYON – Pag-uugnay ng mga bago at dati nang karanasan at kaalaman ng
bumabasa.
PARAAN NG PAGBASA
Badayos, et.al, 2007
1. Tahimik na Pagbasa o Subvocalization – Ito ang pagbabasa nang malakas sa
tahimik na paraan. Hindi naman kasi nangangahulugang walang tunog o ingay na
nalilikha ang isang mambabasa, bagkus, maaari rin naman na ito ay may kaakibat na
mahinang boses.
2. Malakas na Pagbasa o Vocalization – Sa pangalan pa lamang, ito ang pagbabasa
nang malakas.
TEORYA SA PAGBASA
TEORYANG BOTTOM-UP
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang
pagkilala ng serye ng mga nakasulat na simbolo
(stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong
tugon (response). Nananalig ang teoryang ito na
ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa
yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita,
parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man
ang pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos,
2000).
TEORYANG INTERAKTIB
Ayon sa tekstong ito, ito ay kumakatawan sa
wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang
isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang
kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o
kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-
mambabasa at mambabasa-awtor. Ito’y may
dalawang direksyon o bi-directional.
TEORYANG ISKEMA
Bago pa man basahin ng isang mambabasa
ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa
nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskema sa
paksa. Maaaring binabasa niya lamang ang teksto
upang patunayan kung ang hinuha o hula niya sa
teksto ay tama , kulang o dapat baguhin. Dahil dito
masasabing ang teksto ay input lamang sa proseso
ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng
proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo
sa isipan ng mambabasa.