Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Reference No: KLL-FO-ACAD-000 | Effectivity Date: August 3, 2020 | Revisions No.

: 00

VISION MISSION
A center of human development committed to the pursuit of wisdom, truth, Establish and maintain an academic environment promoting the pursuit of
justice, pride, dignity, and local/global competitiveness via a quality but excellence and the total development of its students as human beings,
affordable education for all qualified clients. with fear of God and love of country and fellowmen.

GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims to:
1. foster the spiritual, intellectual, social, moral, and creative life of its client via affordable but quality tertiary education;
2. provide the clients with reach and substantial, relevant, wide range of academic disciplines, expose them to varied curricular and co -curricular
experiences which nurture and enhance their personal dedications and commitments to social, moral, cultural, and economic transformations.
3. work with the government and the community and the pursuit of achieving national developmental goals; and
4. develop deserving and qualified clients with different skills of life existence and prepare them for local and global competi tiveness

Kalakip na Aralin F

KAHULUGAN NG PAKIKINIG

 Ito ay ang kakayahang umunawa at matukoy ang mensahe o sinasabi ng nagsasalita. – Yagang
 Komplikadong kasanayan na nangangailangan ng hirap at atensyon. Saklaw nito ang pagkilala,
pagpipili, pagsasaulo at paghinuha. Kinikilala ng tagapakinig ang tunog at ang mga salita. –
Alcantara
 Isang makapangyarihang instrument na nagsisilbing impluwensya upang makipag-usap ng
Mabuti. – John Marshall

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


1. Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng mga mensahe, lantad man o hindi ang
mensahe.
2. Ito rin ang isa sa mga pinakamagiting kakayahan ng tao sa pag-unawa ng mga impormasyong
hatid ng mundo.
3. Mahalaga ang pakikinig tungo sa mga pampersonal na kasiyahan o pansariling kasiyahan.
4. Dulot ng pakikinig ang pagkakaroon ng isang maayos na pakikipagkapwa tao.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


MGA TIPO O URI NG PAKIKINIG
Eager Beaver
- ngiti nang ngiti habang may nagsasalita
- tango nang tango habang may nagsasalita
- walang pokus
- nagpapanggap na masugid na nakikinig
- hindi nakasisigurong naintindihan ang pinakikinggan

Sleeper
- umuupo lamang sa isang sulok
- walang intension making
- naiinis sa ingay
- dahan-dahan ipinipikit ang mata
-naglalakbay sa daigdig ng pangarap

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Tiger
- handang mag-reak sa anumang sasabihin ng nagsasalita
- nagbabantay ng pagkakamali

Bewildered
- walang naiintindihan kahit anong pilit
- madalas napapakunot na lamang ang noo
- sumisimangot
- anyong nagtataka o nagtatanong
- walang malay tungkol sa paksang pinag- uusapan

Relaxed
- walang interes na making
- umuupo na para bang nasa sala ng sariling bahay
- nakatuon ang atensyon sa ibang tao o bagay
- walang reaksyon

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Frowner
- wari laging may tanong at pagdududa
- nagtatanong para magpasikat

Busy Bee
- hindi lamang nakikinig kundi abala rin sa ibang bagay

Two-eared listener
- gumagamit ng tainga at utak
- obhetibo ang mga reaksyon
- may kawilihan

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA
PAKIKINIG
1. Oras / Panahon – Ang oras na alas-12 ng tanghali ay oras kung kalian kumakalam na ang
sikmura. Sa ganitong panahon, epektibo ka pa bang nakikinig sa iyong propesor?
2. Edad – Higit na matiyaga ang mga matatandang tagapakinig kaysa mga batang tagapakinig.
3. Kasarian – Mas mahaba ang pasensya ng babaeng tagapakinig samantalang madaling
mabagot ang sa mga lalake. Mas mapanuri ng mga detalye ang mga babae kung ihahambing
sa mga lalake.
4. Tsanel – Ang telepeno, video chat, Skype at iba pang katulad na plataporma ang maaaring
gamiting tsanel. Ang hangin ay tsanel din ng isang usapan.
5. Lugar / Kapaligiran – Mahirap making kung ang lugar ay maingay, mainit, maalinsangan at
magulo.
6. Kultura – Ang kulturang kinagisnan mo ay maaaring taliwas sa kultura ng kapwa mo. Kaya
maaaring magdulot ito ng epekto sa pakikinig.
7. Konsepto sa Sarili – Ano ang mga dapat tandan upang maging epektibo ang iyong
pakikinig? Ayon kina Leticia Pagkalinawan at kanyang mga kasama (2004), ang mga taong
may mataas na pagtingin sa sarili ay maaaring kritikal sa sinasabi ng ibang nagsasalita.

MGA TIP SA EPEKTIBONG PAKIKINIG

1. Maging handa sa pakikinig.


2. Magkaroon ng layunin sa pakikinig.
3. Kilalanin ang mahahalagang kaalaman.
4. Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita.
5. Hintaying matapos ang sinasabi ng nagsasalita bago magbigay ng puna.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


KATANGIAN NG KRITIKAL NA PAKIKINIG
1. Diskriminatibo – Layunin nito na mataya ang kahulugan ng mensahe, magbigay-puna sa mga
pagkakatulad at pagkakaiba, makakuha ng mga pagpapahalagang-moral at iba pang layuning
nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-unawa.
2. Pahusga – Layunin nito na magbigay ng hatol o sariling reaksyon tungkol sa napakinggan na
mga pangyayari
3. Mapagpahalaga – Layunin nito na pahalagahan ang pagiging masining ng napakinggang
talumpati, tula, dulang dramatiko o kaya’y mga musical na pagtatanghal.

MGA KASANAYAN SA PAKIKINIG

1. Pagbubuod – Ito ay muling pagsasalaysay, paglalahad o pagsulat ng anumang


napakinggan. Ang pinakamahalagang impormasyon lamang ang sinasabi o isinusulat. Mas
simple ang pananalita kaysa orihinal.
2. Pagtatala – Kahawig din ng pagbubuod. Ito ay mas gamitin sa mga panayam o lektyur.
3. Pagbabalangkas – Ito ay ang paghahanay ng mga paksa ayon sa kahalagahan nito.
Maaaring papaksa, papangungusap, o patalata.
4. Pagsunod sa Napakinggang Direksyon – Pagkilos ayon sa ibinigay na direksyon.
5. Pagsunud-sunod ng mga pangyayari – Pagsasalaysay ng isang kuwento, dula, o
talambuhay.

SANGGUNIAN:
Benjie M. Manila. Istruktura ng Wikang Filipino.kupdf.net/download/istruktura-ng-wikang-
filipino_597fdc02dc0d605a7c2bb180_pdf

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Inihanda ni:

GERALDINE S. TOBIAS
Instructor 1

DR. FORTUNATA ANGELINA M. ENDAYA, Ph. D.


Associate Professor 1

Checked by:

RUEL D. MASANGCAY, MA.E.D


CCA Coordinator - Department Module Editing Committee

MA. THERESA S. RAÑA, LPT


CCA Dean - Department Module Editing Committee

Approved by:

DR. BIBIANA JOCELYN D. CUASAY


Module Editing Chair

DR. AQUILINO D. ARELLANO


VPAA

Noted by:

MARIO CARMELO A. PESA, CPA


College President

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/

You might also like