Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Catrina Angela Y.

Hidalgo
G11 – EL EINSTEIN

BUOD
Si Lolo Pedro ay isang pagong na nakatira sa isang sulok ng bukid. Siya ay kilalang kilala ng
lahat ng hayop sa bukid dahil siya ang pinakamatanda. Mayroon siyang inaanak na si Kuting na ang
unang kaarawan ay paparating na. Pinangakuan ni Lolo Pedro na dadalo siya sa kaarawan ni Kuting.
Si Kuting ay malapit sa puso ni Lolo Pedro dahil madalas na binibisita ng pusa si Lolo Pedro sa sulok
ng bukid. Sila ay nagkukwentuhan ng matagal tungkol sa mga nararanasan nila sa bukid. Si Kuting ay
mahilig maghanap ng kung ano-ano. Marami na siyang natuklasang mga bagay-bagay tulad ng tansan,
butones, imperdible, holen, sipit,lastiko, at iba pa. Itinatago lahat ni Kuting ang lahat ng kaniyang
nakokolekta o nakukuha sa isang koleksiyon. T itinuturing niya ito bilang mga munting kayamanan,
na sa kaniya ay nagpapasaya. At sa kaniyang bawat pangongolekta ay lagi niya itong ikikukwento kay
Lolo Pedro. Habang naglalakad si Lolo Pedro papuntang ilog, siya ay nakakita ng ireregalo kay Kuting
na paniguradong kaniyang magugustuhan at ilalagay sa mga koleksiyon. Ito ay isang berdeng piraso
ng bote na walang matutulis na bahagi. Ang boteng ito ay matagal ng napakinis ng daloy ng tubig sa
ilog, kumikinang kapag tinatamaan ng araw. Nang dumating ang kaarawan ni Kuting, nagsimulang
maglakad si Lolo Pedro bago mag umaga. Siya ay papunta sa ilalim ng bahay kubo kung saan ang
pamilya ni Kuting ay nakatira. Nang si Lolo Pedro ay naglalakbay patungo sa tirahan ni Kuting, siya
ay Nakita ng ibat-ibang uri ng hayop sa ibat ibang panahon. Natagpuan niya si Tandang Tonio habang
hindi pa sumisikat ang araw. Masyadong maaga pa, nang Nakita naman niya si Atoy Aso. Bago
magdapit hapon ay Nakita niya si Kardo Kalabaw. Ang tatlong hayop na si Tandang Tonio, Atoy Aso,
at si Kardo Kalabaw ay may pare parehong tanong na itinanong kay Lolo Pedro na nagpakita ng
pagmamalasakit na hindi naman tinanggap ni Lolo Pedro dahil sa kaniyang paniniwala na “ayos lang
kung mabagal, basta’t gumagalaw”. Dumating ang oras na si Lolo Pedro ay nakarating sa pagtitipon.
Sobrang natuwa si Kuting ng makita niya si Lolo Pedro at ang regalo niyang piraso ng bote. Suminag
ang araw at nakitang kuminang ito, at siya’y namangha. Sabay-sabay ang tatlong hayop na sabay-
sabay ring binati si Kuting. Hinangaan ni Tandang Tonio, Atoy aso, at Karda Kalabaw si Lolo Pedro
dahil naunahan pa sila ng matanda. At sabay sinabing ihahatid nilang tatlo pauwi si Lolo Pedro at siya
ay napangiti.

You might also like