VL 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

PA’NO MO NGA BA

IPINAKIKILALA ANG IYONG


SARILI?
BIONOTE
• Maikling paglalarawan ng manunuat
gamit ng ikatlong panauhan (siya,
kanya at kanila) na madalas ay
inilalakip sa kaniyang mga naisulat.

• Sulating nagbibigay imprmasyon ukol


sa isang indibidwal upang maipakilala
siya sa mga tagapakinig o mambabasa.
Napakahalagang maisulat ito nang
mabuti.
MAHALAGANG IDEYA
• Ang Bionote ay
maituturing na isang
“marketing tool”.
Ginagamit ito upang
itanghal ang mga
pagkilala at mga natamo
ng indibidwal.
MGA DAPAT LAMANIN NG
BIONOTE
• Personal na impormasyon (Buong
pangalan at edad)

• Kaligiran pang-edukasyon (paaralan,


digri, at karangalan)

• Ambag sa larangan kinabibilangan


(kontribusyon at adbokasiya)
HALIMBAWA NG BIONOTE

Siya si Chris Homer Maduro, 16 na taong


gulang. Nagtapos ng Batsilyer sa Pang-Sekundaryang
Edukasyon na Nagpapakadalubhasa sa Asignaturang
Filipino sa Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of
Science and Technology (EARIST). Siya ay miyembro
ng Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN). Pinalad
na makapasa sa Licensure Examination for Teachers
(LET) noong March 2017. Siya ay kasapi ng "EARIST
Disaster Risk Readiness Management Office
(EDRRMO) at nagwagi ng iba pang mga karangalan.
MGA DAPAT TADAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE
1. MAIKLI ANG NILALAMAN - Karaniwang hindi binabasa ang
mahabang Bionote. Lalo na kung hindi naman talaga
kahanga-hanga ang nilalaman nito. Mas maikli, mas
babasahin ito. Sikaping maging maikli at iwasan ang
pagyayabang.

2. GUMAGAMIT NG IKATLONG PANAUHANG PANANAW –


Tandaan! Laging gumamit ng Ikatlong Panauhang Pananaw
kahit na ang sarili ang ipinakikilala rito.
Hal.
Si Cardo Dalisay ay nagtapos n BA at MA Economics sa
University of the Philippines Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa Arellano University.
MGA DAPAT TADAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE
3. PAGSASALANG-ALANG SA MGA TAGABASA – Marapat na
isaalang-alang ang mga mambabasa. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang
hulmahin maigi ang Bionote sa kung ano ang hinahanap
nila.
Hal.
Ay kung ano ang mga klasipikasyon at kredebilidad mo sa
pagsulat ng Libro.

3. GUMAGAMIT NG BALIKTAD NA TATSULOK


BALIKTAD NA TATSULOK

PINAKAMAHAHALAGANG IMPORMASYON

MAHAHALAGANG IMPORMASYON

‘DI-GA’NONG
MAHAHALAGANG
IMPORMASYON
MGA DAPAT TADAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE
5. NAKATUON SA IISANG KASANAYAN – Mamili lamang ng
isang kasanayang angkop sa layunin ng Bionote.
Hal.
“Si Cardo ay isang Manunulat, Chef, Pulis, Guro etc…”
Iwasan ito!

6. BINABANGGIT ANG DIGRI – Kung ikaw ay “Chef” na


gumagawa ng Libro tungkol sa pagluluto, mahalagang
maisulat mo ang mga Kredensyal na may kaugnayan sa
iyong paksa.

7. MAGING MATAPAT – Iwasan ang pag-iimbento ng mga


kredensyal upang bumango lamang ang pangalan.
TAKDANG ARALIN

Magsaliksik patungkol
MAGANDANG
sa Kahulugan at
ARAW
Kalikasan AT
ng
MARAMING
Panukalang Proyekto
SALAMAT!!

You might also like