Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JAVIER E. GARDE ESSENTIAL COLLEGES INC.

(Formerly Bongabon Essential school)


Values, Arts and Language School
Palomaria, Bongabon Nueva Ecija

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 10

NAME: SCORE:
GRADE AND SECTION: DATE:

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong o pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa ano mang kaganapan, ideya, opinion, o paksang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
A. Suliraning Pangkapaligiran C. Isyu
B. Kontemporaryong Isyu D. Isyung Pangekonomiya
2. Ang mga sumususunod ay mga isyung pang-ekonomiya maliban sa:
A. Unemployment C. Sustainable development
B. Globalisasyon D. Corruption
3. Ito ay pangkaraniwang inilalarawan bilang pag-unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan at aspirasyon ng kasalukuyan
na hindi ikinokompromiso ang kakayahan ng mga hinaharap na henerasyon.
A. Sustainable Development C. Unemployment
B. Globalization D. Corruption
4. Ang _________ ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho, na sinasabing umiiral sa isang ekonomiya kapang ang mga tao na
walang trabaho ay aktibong naghahanap ng trabaho subalit wala pa ring makitang hanapbuhay.
A. Unemployment C. Sustainability
B. Unemployment rate D. Sustainable Development
5. Ito ay tumutukoy sa mga paksang may kinalaman sa mga teorya o mismong pamamalakad sa gobyerno, mga aktibidad na
may kaugnayan sa pamamahala.
A. Isyung Pangekonomiya C. Isyung Politikal
B. Isyung Karapatang Pantao D. Isyung Pangedukasyon
6. Ang ______ ay pagkilos o paglipat ng tao o mga tao mula sa isang lugar patungo sa isang dako.
A. Graft C. Territorial dispute
B. Border conflict D. Migrasyon
7. Ito ay kaugnay ng tinatawag na oligarchy o rule of the few rich families.
A. Political dynasty C. Graft
B. Corruption D. Migrasyon
8. Ang ________ ay ang proseso ng internasyonal na integrasyon o pagsasama-sama bunga ng pagpapalitan ng mga pananaw,
produkto, ideya, at iba pang aspeto ng kultura.
A. Unemployment C. Sustainability
B. Globalisasyon D. Sustainable Development
9. Ang ______ ay sukatan ng pagiging malaganap ng kawalan ng trabaho.
A. Unemployment rate C. Employment
B. Unemployment D. Employment rate
10. Ito ay isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon.
A. Graft C. Corruption
B. Border Conflict D. Territorial Dispute
11. Ito ay ang hindi pagkakasundo sa pagmamay-ari o control sa isang bahagi ng lupa o karagatan ng dalawang magkatabing
nation-state.
A. Territorial Dispute C. Graft
B. Extortion D. Corruption
12. Ang ______ ay isang anyo ng political na korapsiyon kung saan ang opisyal ng pamahalaan ay nakakamal ng pinansiyal na
pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na pamamaraan.
A. Fraud C. Embezzlement
B. Extortion D. Graft
13. Ang _____ ay tumutukoy sa mga katangian, gamapanin at pag-uugali na kaakibat ng pagiging isang lalaki o babae ng isang
tao.
A. Gender C. Human rights
B. Same-sex D. LGBT
14. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing pang seksuwal na may kapalit na kabayarang salapi o iba pang materyal na bagay na may
halaga.
A. Same-sex marriage C. Prostitusyon
B. Rape D. Sexual assault
15. Ito ay ang kasalan o pag-iisang dibdib ng dalawang tao may magkatulad na kasarian.
A. Civic engagement C. RH bill
B. Same-sex marriage D. Commercial sex
16. Ito ay isa sa mga aktibong samahang nagsusulong sa tinatawag na karapatan sa pagpili ng kasarian at seksuwalidad.
A. Gender Equality C. LGBT Community
B. Gender Community D. Civic engagement
17. Ito tinatawag na sexual assault na karaniwang nasa anyo ng sapilitang pakikipagtalik o iba pang uri ng penetrasyong seksuwal
sa ibang indibidwal nang walang pahintulot.
A. Rape C. Commercial sex
B. Sexual intercourse D. Prostitusyon
18 Ito ay tumutukoy sa mga idibidwal at kolektibong aksiyon na dinisenyo upang malaman at matugunan ang mga isyu ukol sa
kapakanang pampubliko.
A. Individual volunteerism C. Public concern
B. Personal responsibility D. Civic engagement
19. Ito ay ang pagbagsak o pagguho g lupa, putik at malalaking bato
A. Landslide C. Storm surge
B. Flashflood D. Bagyo
20. Ito ay biglaan at mabilis nap ag-uga ng lupa.
A. Bagyo C. Lindol
B. Tsunami D. Buhawi
21. Ito ay isang serye ng malaking alon.
A. Buhawi C. Bagyo
B. Tsunami D. Tornado
22. Ito ay isang halimbawa ng suliraning pangkapaligiran na isang kalamidad na may pagbaha at
Pagbuhos ng malakas na ulan.
A. Storm surge C. Bagyo
B. Landslide D. Flashflood
23. Ito ay hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat.
A. Bagyo C. Tsunami
B. Storm surge D. Buhawi
24. Isang suliraning pangkapaligiran na ang ibig sabihin ay labis nap ag-apaw ng tubig o isang
Palawak ng tubig na natatakpan ang lupa.
A. Tsunami C. Bagyo
B. Storm surge D. Baha
25. Ang ____ ay ang pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng labis o illegal na pagpuputol ng mga puno sa
kagubatan, pagmimina o pagkakaingin.
A. Climate change C. Global Warming
B. Illegal logging D. Deforestation
26. Ito ay tinatawag na alimpuyo, tornado, o ipo-ipo.
A. Typhoon C. Storm surge
B. Tsunami D. Buhawi
27. Ito ay tumutukoy sa dumi, ingay, at hindi kaaya-ayang amoy sa kapaligiran.
A. Polusyon C. Global warming
B. Deforestation D. Climate change
28. Ito ay ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga Kontemporaryong Isyu maliban sa:
A. Upang makaiwas sa masama o sa kapahamakan.
B. Upang makatulong
C. Upang makabuo ng matalinong opinion
D. Upang hndi maaksiyunan ang dapat aksiyunan.
29. Ang _________ tumutukoy sa pagsasanay ng pagtitipid o makatwirang paggamit ng mga
Kasalukuyang resource para sa hinaharap na henerasyon.
A. Unemployment rate C. Sustainable Development
B. Sustainability D. Unemployment
30. Iminungkahi ng _______ ang programang kinapalolooban ng isang taong Kindergarten at 12 taon
Sa elementarya at sekondaryang edukasyon.
A. DSWD C. DepED
B. DOLE D. DPWH

Prepared by : Approved by : Checked by:

GRACE JOY S. MEJIA ROSE ANN S. PROCESO JACINTA P. CORPUZ ,Ed.D


Grade 10 –David Adviser JHS/SHS Coordinator Principal

You might also like