Addition or Submission

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ADDITION OR SUBMISSION?

Mga Taga-Colosas 2:8


Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at
madayang katuruan na hindi kay Cristo nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga
alituntunin ng mundong ito.
May isang Christian movie na ang title "A Matter of Faith."
Simple lang ang story pero siguradong makaka-relate ka bilang mananampalataya lalo na sa mga kabataan.
Habang lumalaki kasi tayo, lalo na we are being educated sa school, may mga bagay na itinuturo sa atin na
maaaring makaapekto sa faith natin.
Especially, when it comes to a debatable topic like evolution versus creation.
Ano bang nauna, itlog o manok?
Saan ba galing ang tao, sa unggoy ba?
Paano ba nagsimula ang mundo, dahil ba sa Big Bang?
Kapag hindi mo alam ang sagot sa simpleng tanong na ito, maaaring ma-question ng iba kung ano bang
paniniwala mo.
But the danger is sometimes, other people tend to influence us to change our perspective lalo na kapag ito ay
kapani-paniwala, given some scientific reasonings and good philosophical points.
Pero the truth is, minsan ang mga taong ito ay naka-base lang sa sarili nilang perspektibo at hindi sa kanilang
paniniwala sa Diyos na lumikha ng langit at lupa.
This is the same reason why Paul warned us in Colossians 2:8...
"See to it that no one takes you captive by philosophy and empty deceit, according to human tradition,
according to the elemental spirits of the world, and not according to Christ."
At the same time, as you grow up, na-observe mo din ba?
Mas nagiging independent ka na and there's a great tendency for you to choose your own lalo na when it comes
to simple decision making like saang school ka mag-aaral , anong course ang kukunin mo at kung sino ang mga
kaibigan na sasamahan mo.
At minsan, because you want to try NEW things, hindi mo na pinapakinggan ang payo ng magulang mo, at
minsan, mas lumalapit ka na sa mundo at lumalayo na kay Kristo.
Sad, but true.
I know, minsan naranasan mo na din ito tama ba?
Again, this is also a test of faith.
Dahil kahit na feeling mo kaya mo na, you still have to consult you Father in heaven, so He can guide you with
the right decision.
But what really strucked us both dito sa movie ay yung isang statement na nabanggit dito na mapapa-isip ka
kung bakit maaaring walang pagbabago sa buhay mo.
When the character said, "The problem with some Christian is that they only added Jesus in their life, but they
don't really submit to Him. There's a great difference between addition and submission."
That hit us really hard.
Oo nga noh. Can this be the reason kung bakit hindi nagbabago ang buhay ng karamihan sa atin?
Na akala natin, okay na yung sabihin nating Kristiyano tayo pero hindi pala tayo totoong sumusunod sa
Kanya?
Na sa buhay natin, may mga bagay pa tayong hindi binibitawan at hanggang ngayon dala-dala pa din natin?
Na kapag walang nakatingin, iba ang ginagawa natin, iba ang sinasabi natin, na taliwas sa pananampalayang
ating tinanggap?
Na hindi pa din tayo nakakawala sa temptasyong palaging andian para iligaw tayo?
If naka-relate ka dito, and you think you are still one of those, then it's time to get on your knees again, ask
forgiveness to the Lord and make a commitment to fully submit your life to Him.
Dahil ang totoong pagbabago ay magsisimula sa PAGSUNOD mo ng BUONG-BUO kay KRISTO.
Nasa pagsunod mo matutunan ang mga magandang bagay na inihanda Niya para Sayo.
At higit sa lahat, nasa pagsunod ang paglago mo sa pananampalataya mo.
"Submit yourselves therefore to God. Resist the devil, and he will flee from you." - James 4:7
Ready ka na bang mag-submit ng buong-buo?
Tandaan mo, may mga taong icha-challenge ang faith mo.
Lalo na may ibang tatanungin ka kung ano ang pinanghahawakan mo.
Dapat handa ka.
Kaya, it's time to be serious about your relationship with God and learn everything that you can to defend your
faith.
Malay mo, dahil sa paninindigan mo, doon mabubuksan ang mata ng ibang taong matagal ng namumuhay sa
kasinungalingan ng mundo.
Praying for you, Warrior of God!
Don't just ADD Jesus in your life! SUBMIT to Him completely!
God is not just a PART He is our LIFE. Our whole being is His! "For in him we live, and move, and have our
being..."(Acts 17:28).
Maraming tao ngayon na maling destination ang tinatahak dahil mali ang direction nila. Our direction
determines our destination.
We need to make sure kung tama pa ba yung direction na sinusundan natin. Dapat BIBLICAL! Kung hindi
natin icoconsult ang Diyos, mapupunta tayo sa maling destination.
“Sa buhay natin ang Diyos ang nagbibigay ng direction, di tayo makakapunta sa plano ng Lord—sa destination
ng Lord kung walang guidance niya.”
There are only two destinations: eternal life or eternal suffering. And the LORD is the only and sure Way to the
right destination!
As we walk in Christ, we must remember these things for us to be successful on our way to the right direction!
1.) WE MUST FACE OUR FAULTS.
We make mistakes, we have sinned, and we fail. And it's okay because we are not perfect. At ano nga ba ang
magagawa natin kapag tayo’y nagkakamali? Tatakbuhan natin? Tatakasan? No, kailangan natin itong harapin at
iovercome! Kailangan nating harapin ang pagkakamali natin, magpakumbaba at irerestore tayo ng Diyos.
Kapag hinarap natin ang pagkakamali natin, doon kikilos ang Diyos.
Roma 3:10-12
¹⁰ Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa. ¹¹ Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos.
¹² Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”
Roma 3:23
²³ sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Yes, hindi tayo perpekto pero ang Diyos natin ay perpekto.
2.) WE MUST BE GRATEFUL FOR GOD'S GUIDANCE.
Hindi sa lahat ng oras ay gusto natin ang pag guide ni Lord. Minsan akala natin ay sinasaktan tayo ng Diyos but
the truth is, tinatama niya tayo!
Maganda man o hindi ang nangyayari sa atin, dapat ay maging masaya at grateful tayo palagi sa Lord.
Mga Awit 73:24
²⁴ Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin.
Mateo 28:20
²⁰ Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo
hanggang sa katapusan ng panahon.”
Ang buhay ng taong walang pag-akay ng Lord ay walang kwenta. Pag dinidirect tayo ng Lord pero hindi natin
sinusunod, hindi tayo makakapunta sa destination ng Lord, maliligaw lang tayo.
3.) WE MUST GRASP THE GUARANTEE OF GLORY.
As we follow Christ's direction, there will be trials. It’s not gonna be easy but it will be worth it. Remember,
pagdating sa Lord, may kasiguraduhan.
1 Pedro 4:13
¹³ Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong
kagalakan kapag nahayag na ang kanyang kaluwalhatian.
Mga Awit 73:25
²⁵ Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan?
Kung ano ang ginagawa natin, yon ang destination natin! Kaya let God direct you para sure ang pupuntahan
mo!
Juan 14:6
⁶ Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa
pamamagitan ko.
Remember, heaven is real but so is hell.
here’s a battle for your mind and heart. To believe in Jesus is the foundation. To know His Word is imperative.
“See to it that no one takes you captive through hollow and deceptive philosophy, which depends on human
tradition and the basic principles of this world rather than on Christ.” Colossians 2:8
There are so many opinions and ideologies presented to us today. How do we not fall for something hollow or
deceptive? By staying in God’s Word. It is the plumb that helps us test everything that comes our way. To know
His Word is the best battleground prep work we can do. May the Truth of His Word guard our minds and hearts
against anything that would try to take us captive. The truth will set you free!

You might also like