Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Assignatura: Filipino

Modyul Week No:________


Yunit: Unang Markhan
Guro: Melibert Joy B. Reyes

Aralin: Naging Sultan si Pilandok (Kwentong-Bayan ng Mindanao)

Si Pilandok ay nahatulang makulong sa hawlang bakal at ipatapon sa dagat.


Nagkasala di umano sa kasalanang di nya ginawa.Pagkalipas ng ilang araw, ang
Sultan ng kanilang lugar ay nagulat nang makita si Pilandok. Ang Sultan ay magara
ang suot. Nakasukbit pa ang gintong tabak nito."Hindi ba''t ipinatapon na kita sa
dagat?" saad ng nagtatakang Sultan."Opo mahal na Sultan" tugon naman ni
Pilandok."Kung gayon, paanong nangyari na ikaw ay nasa aking harapan? dapat ay
patay kana ngayon" saad naman ng SultanIpinaliwanag ni Pilandok na di sya namatay
sapagkat nakita nya di umano ang mga ninuno sa ilalim nang dagat at siya ay
binigyan ng kayamanan."Marahil ay nasisiraan kana ng bait" saad muli ng
Sultan"Kasinungalingan po iyan mahal na Sultan! Ako na ikinulong sa hawla at
ipinatapon sa dagat ay muling naririto. May kaharian po sa ilalim ng dagat ngunit ang
tanging pagpunta roon ay ang pagkulong sa hawla at magpatapon sa gitna ng dagat"
mariing saad ni PilandokNagpasyang umalis na si Pilandok at sinabing hinihintay na
ng mga kamag anakNgunit di pa nakakalayo ay pinigilan ito ng Sultan. Sinabing
gusto rin nitong magtungo sa gitna ng dagat upang makita ang mga ninuno.Pumayag
naman si Pilandok at napagkasunduan nila ng Sultan na sya na muna ang mamumuno
habang wala ito.Pagdating nila sa gitna ng dagat ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang
dagat ang Sultan na nasa loob ng hawla.Kaagad na lumubog ang hawla at namatay
ang Sultan.Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan.

Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip


na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang
hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay
ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang alamat at mga mito.Bukod sa alamat, may mga kwentong bayan din
ang ating mga ninuno. Ang kwentong bayan ay kwentong walang may-akda.
Nagpalipat-lipat lamang ito sa bibig ng mga tao.
Uri ng Kwentong Bayan
Alamat
Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na itinuturing na isang kwentong bayan na
nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga
henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahinasyon ng isang manunulat ang
mga pangyayari sa alamat.
Pabula
Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at
nagsasalita tulad ng isang tao. Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang
hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang
nagtataglay ng kabutihan ng ugali.
Parabula

Ang parabula ay mga kwentong maaring totoo o hindi totoong nangyayari at ito ay
kapupulutan ng mga mahahalagang aral na matatagpuan sa banal na aklat o bibiliya.

Mito

Ang mito ay mga kuwentong bayan na kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin


hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga tao patungkol rin ito
sa mga diyos at diyosa.
Elemento ng kuwentong bayan
1. Banghay
2. Tagpuan
3. Tauhan
4. tema
5. aral
Banghay
• Dito makikita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.
Ang banghay ay binubuo ng sumusunod:
1. Panimula- Sa parteng ito pinapakilala ng may akda ang mga tauhan.
2. Papataas ng panyayari- Dito makikita ang suliraning nagpapasidhi ng interes.
3. Kasukdulan- dito makikita kung paano harapin ng pangunahing tauhan ang
kanyang suliranin.
4. Pababang pangyayari- Sa parteng ito makikita ang paglutas sa suliranin.
5. Resolusyon- Ito ay ang pagkakaroon ng makabuluhang wakas ang isang akda.
Tagpuan
• Dito makikitaan ng malinaw na kilos ang mga tauhan kung saan nangyayari ang
pangyayari sa kuwento. Kabilang dito ang kanilang mga hanap-buhay, paraan kung
paano mag-isip at takbo ng mga pangyayari.
Tauhan
• Ito ang gumaganap sa isang kuwento. Maaring ito ay bida o kontrabida.
Tema
• Ito ang gustong iparating ng kuwento
Aral
• Dito matatagpuan ang mga aral na dapat makuha sa kuwento
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PATUNAY
May mga pahayag sa na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.
Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at an gating
paliwanag ay maging katanggap-tanggap at kapani-paniwala sa mga taga pakinig.
Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na
lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilahad.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbibigay ng mga Patunay:
Nagpapahiwatig - ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o
mahihipo ang mga ebidensiya subalit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang
katotohanan.
Nagpapakita - salita ang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay at
totoo.
May Dokumentaryong Ebidensya - ito ay mga patunay o ebidensya na maaaring
nakasulat, larawan o video.
Nagpapatunay/Katunayan - ito ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o
paniniwala sa ipinahahayag.
Taglay ang matibay na Konklusyon - ang tawag sa katunayang pinalalakas ng
ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.
Kapani-paniwala - salita ang nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at
maaaring makapagpatunay.
Pinatutunayan ng mga Detalye - Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng
isang pahayag. Mahalagang masuri ang mg detalye para makita ang katotohanan sa
pahayag.
Elemento ng Isang Pahayag ng Patunay

1. Ang isang pahayag ay maayos na naisusulat kapag buo ang diwa nito at
naiintindihan ng nagbabasa o tagapakinig.
2. Upang mas maging mabigat ang importansya nito, nakakatulong ang
pagdaragdag ng mga pahayag na may kaangkop na ebidensya sa iyong sinasabi.
3. Mas kapani-paniwala ang isang pahayag kapag may isang matibay na
ebidensyang sumusuporta rito.

Gawain 1.1
I. Pag-unawa sa Binasa

1. Isalaysay sa iyong pagkakaunawa ang kwentong “Naging Sultan si Pilandok”.

2. Paano nakatakas mula sa binggit ng kamatayan si Pilandok?

3. Paano naging sultan si Pilandok?

4. Ano ang mga katangian ni Pilandok na naging dahilan ng kanyang pagiging sultan?

5. Anong kultura mayroon ang Muslim tungkol sa pagmamana ng trono?


6. Bakit mahalagang malaman ang kultura ng Mindanao sa pagaaral ng panitikan?

7. Ano ang kaugalian at kalagayang panlipunan ang ipinakikita ng kwentong-bayan?

8. Iugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng
bansa.

II. Suriin kung ang mga pangungusap ay mga panandang nagpapahiwatig,


nagpapakita, may dokyumentaryong ebidensya, nagpapatunay, taglay ang matibay na
konklusyon at kapani-paniwala.
______________1. Nagpapahiwatig ito na kapag nagkagulo na ang tao, malapit na
silang sumakay sa tren. Naghanda na ang mga taong sasakay paluwas sa siyudad.
______________2. Ipinakikita ang mga taong may dalang manok gulay, uling, saging
at iba pang sari-saring dala, mahaba ang biyahe kaya dapat ay maraming baon
______________3. Ito ang buhay ang mga kalyo sa kamay at ang pagod na
nagpapatunay na mag-isa lamang ako sa buhay.
______________4. Ang hindi na pagdalaw ng pamilyar na tunog sa aking tambayan,
ang pagkawasak at pagkabulok ng estasyon, ang pagkawala ng mga pasahero
gayundin ang pinagkakakitaan ko ay isang matibay na ebidensya na natigil na ang
pagdaan ng tren sa aming lugar.
______________5. Taglay ang matibay na konklusyon na wala na akong hanapbuhay
at baka mahinto ako sa pagaaral.
III. Panuto: Sagutan ang tsart na maglalaman ng mga kaalamang natutuhan mo sa
araling ito.

Natutuhan ko sa araling ito Nalaman ko na…. Nais ko pang matutuhan ang


na…. kasanayan na…..
Assignatura: Filipino
Modyul Week No:________
Yunit: Unang Markhan
Guro: Melibert Joy B. Reyes

Aralin: Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kaniyang Bahay (Pabulang Mindanao)


Noong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng bathalang maykapal si
Barangaw magmula sa alapaap upang tingnan kung maligaya ang ating mga
ninuno. Kung minsan si Barangaw ay nag-aanyong bahaghari upang pahintuin ang
unos na maaaring makasira sa mga pananim. Kung minsan ay nag-aanyong
isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng kundiman at palakad-lakad sa loob
at labas ng balangay. Isang baston o tungkod na nilalik na kamagong ang kanyang
dala-dala tanda ng kapangyarihan. Ito ang pinaparusa niya sa mga malulupit at mga
masasama, at ito rin ang ginagamit niya sa paggawad ng gantimpala sa mabubuti.Isang
araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay inutusan nga ni Bathala si Barangaw na
mamasyal sa Malanday upang malaman ang mga daing ng mga aliping namamahay at
aliping sagigilid. Samantalang naglalakad si Barangaw, nakaalinig siya ng abot-abot
na lagapak ng hagupit na kasabay ang malungkot na daing. Bakit kaya? ang tanong
ni Barangaw sa kanyang sarili walang kakilakilatis siyang nasok sa silid na
pinanggagalingan ng daing ng taong hinahagupit ng lanubo ng bayabas. Kitang-kita
niyang namimilipit sa sakit ang taong hinahagupit na sa kahit saan
tamaan! Kaawa-awang alipin! ang malungkot niyang nasabi. Walang nakakita kay
Barangaw sapagkat ang tagaputong niya ay maysa tagabulag, ngunit kitang-kita niya
ang lahat. Naroon si Lakan Lumatay at nakapamewang, pinag-abot-sikong nakabalita
ang alipin at pinapalo ng walang patumangga ni Magbitag na siyang tagapagparusa ni
Lakan. Saan mo itinago ang iyong anak na dalaga? Ang tanong ni Magbitag, sandaling
tinigilan ng palo ang alipin ito’y hubad baro, at ang katawan ay halos putok-putok sa sa
kapapalo. Hala, magsabi ka ng totoo. Pag hindi’y mauutas ka. Dapat mong
ipagpasalamat na Lakan pa at puno natin ay may ibig sa anak mo. Ano, magsasabi
ka o hindi?Hindi umimik si Barangaw. Nakinig siya upang malaman ang puno’t dulo
ng paghahagupit na yaon. Hinintay na sumagot ang alipin, ngunit ito’y walang
imik Matigas ang ulo, Hala lantakan mo uli! ang makapangyarihang utos ni Lakan
Lumatay. Pagkamatay ay itapon na ninyo sa ilog at ng lamunin ng buwaya.
Pagkaunat-unat ng Magbitag ng kanyang bisig upang hagupitin na naman ang
aliping halos wala ng malay-tao. Datapwa’t ng sasayad na sa katawan ang lanubo
ang tagapagparusa ay biglang sinangga ng tungkod na kamagong ni
Barangaw. Nahulog sa lupa ang lanubo at nanginig ang buong katawan ng mabalasik
na si Magbitag.Si Barangaw ay galit na galit sa nakita niayang kalupitan ng punong
dapat sanang magpasunod sa kahabag-habag na alipin.Lakan Lumatay! Ikaw ba ang
nag-utos na hagupitin ang aliping ito? ang tanong ni Barangaw.Hulihin ang
pangahas! ang mabangis na utos ni Lakan Lumatay sa kanyang mga
kampon. Paluhurin sa monggo at timbain sa tubig.Sayang, sa gulogod mo sana
naubos ang lanubo ko. Kung hindi lamang sa utos ng puno ko, masasarapan
ka! Mata mo lang ang walang latay! At inakmang hagupitin si Barangaw.Ngunit
pinigil ni Barangaw ang lanubo, hinarap si Magbitag at ang
wika: Malupit kang walang kaparam wala kang awa sa kapwa. Ngayon din ay
magsisi ka ng iyong mga kasalanan.Dadaluhong sana si Magbitag ngunit ang mga paa
nito ay parang natilos sa kinatatayuan at nawalan ng lakas.Kaya si Lakan Lumatay
naman ang nagtangkang humagupit kay Barangaw, ngunit ito’y nawalan din ng
lakas.Ah, malulupit, magagara ang inyong damit, maiinam ang inyong bihis ngunit
wala kayong bait. Binigyan pa naman kayo ng Lumikha ng puso’t diwa, ang bagay
sa inyo ay ito! at anyong hahatawin ang kanyang tungkod.Ngunit ang alipin ay
natauhan noon at napasigaw. Poon ko po patawarin mo po ang aking puno. Ang
akin pong anak ay itinatago ko nga!Hindi itinuloy ang paghataw ni Barangaw.Bakit
mo itinago ang iyong anak? ang tanong sa alipin.Ayaw ko ng anak ko na mahulog sa
kamay ni Lakan. May tunay po siyang iniibig: si Malaya, ayoko po namang piliting
ibigin ng anak ko ang Lakan. Ako po ang may sala. Patawarin mo na po ang aking
puno. Mabuti kang kampon, aliping tapat hanggang wakas. Bakit ang kalupitan ay
sinusuklian mo ng katapatan? Dahil sa iyong hiling ay hindi ko papatayin ang iyong
puno at ang humagupit sa iyo. Subalit sila’y hindi makatao, kaya’t sila’y dapat
parusahan. Buhat ngayo’y mag-uusad silang tulad ng ibang hayop; ngunit ng sila’y
may masilungan, dadalhin nila ang kanilang bahay. Sinaling ang tungkod niya kay
Lakan at si Magbitag, at ang wika sa mga ito: Mula ngayon ay dadalhin ninyo ang
inyong bahay at kayo’y uusad upang huwag ng pamarisan.

Ang pabula ay isang uri ng panitikan sa kategoryang kathang-isip o fiction. Sa pabula,


ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
Mayroon itong mga natatanging kaisipan na nagbibigay ng mga moral na aral para sa
mga mambabasa. Tinatagurian din itong kathang-kwentong may leksyon.
Ang pabula talaga ay mga kuwentong pambata o mga bata ang nais nitong maakit na
mambabasa. Ang kuwentong pambata ay isang anyo o genre ng panitikan na isang
maikling kwento at nasa hanay ng mga kathang-isip sa prosa o tuluyan. Ulit,
nagtatampok ng mga hayop at maalamat na nilalang, halaman, mga walang buhay na
bagay-bagay, o mga pwersa ng kalikasan na humahantong sa isang partikular na
moral na aral o leksyon. Maaaring dinadagdagan ito ng mga tahasang pahiwatig na
nasa anyo ng salawikain o kasabihan.
Ang isang kathang-isip gaya ng pabula ay naiiba sa isang talinghaga dahil hindi
binabanggit sa mga talinghaga ang mga hayop, halaman, walang buhay na bagay, at /
o kahit na anong puwersa ng kalikasan bilang mga tauhan.

SANHI AT BUNGA – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang depinisyon ng


sanhi at bunga at ang mga halimbawa nito.

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay


nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto
ng kadalinanan ng pangyayari.
Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat:

 dahil
 kung kaya
 kasi  kung
 sapagkat  Kapag
Halimbawa
Magsuot ng face mask palagi sapagkat covid 19 ay nandyan pa din
 Kapag nauuna ang sanhi
 Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay (sanhi) kaya
hindi nakatulog na maayos si Aling Ester (bunga).
 Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone (sanhi) kaya nasira ito
agad (bunga).
 Dahil nag aral siyang mabuti (sanhi) kaya mataas ang nakuha niya sa
pagsusulit (bunga).
 Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan (sanhi) kaya naman
nalalason na ang ating kapaligiran (bunga).
 Labis na pagputol ng mga puno (sanhi) kaya wala ng sumisipsip sa
mga tubig ulan kaya nagkakaroon nng labis na pagbaha (bunga).
 Kapag nauuna ang bunga
 Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha
(bunga) dahil sa walang displinang pagtatapon ng basura kung saan saan
(sanhi).
 Nagkamit siya ng ibat-ibang karangalan sa kanyang paaralan
(bunga) dahil nag aaral siyang mabuti (sanhi).
 Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas (bunga) dahil sa kakulangan
ng pagpaplano ng mga nasa katungkulan (sanhi).
 Di makakain sa labis na kalungkutan at pagdaram ang isang lalaki
(bunga) dahil iniwan siya ng kanyang asawa (sanhi).

Gawain 1.2
I. Sagutan ang mga sumusunod

1. Sino si Barangaw? Anong klase siyang pinuno? Patunayan ito.

2. Ano ang kaniyang natuklasan sa kaniyang paglalakad sa balangay?

3. Bakit itinago ng alipin ang kaniyang anak na dalaga? Ano ang naging kaparusahan
ng alipin sa kamay ni Lakan Magbitag?

4. Ano ang naging kaparusahang iginawad ni Barangaw kay Lakan Lumatay at Lakan
Magbitag?

5. Sa isang maikling talata, isalaysay ang ginagawang kabutihan ni Barangaw. Ibigay


ang mga patunay.

6. Anong kultura ng Mindanao ang ipinamalas ng kwento ito? Magsaliksik ukol dito.
7. Anong kaugaliang Pilipino ang inilarawan ng pabulang ito? Makatotohanan ba ang
paraan ng pagkakalahad?
8. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang bahagi ng pabula na iyong
nabasa, aling bahagi ito? Isalaysay ang nais mong maging pangyayari

9. Tukuyin at ipaliwanag ang mahalagang kaisipan sa binasang akda

10. Ano ang pabula?Sa iyong sariling pagkaunawa.

II. Magbigay ng mga 10 sampung halimbawa ng sanhi at bunga patungkol sa


pandemnya. Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga.

Halibawa:

1. Ang mga tao ay nagpanic-buying dahil sa kumalat na isyung maglolock-down.


Assignatura: Filipino
Modyul Week No:________
Yunit: Unang Markhan
Guro: Melibert Joy B. Reyes

Aralin: Alamat ng Perlas sa Mindanao

Isang binatang mangingisda ang nagkaroon ng kasintahang dalagang Muslim sa isang


pook sa Mindanao noong unang panahon. Ang magkasintaha’y nagsumpaang
pakakasal pagsapit nila sa ika-dalawampu’t isang taon. Limang taon pa silang
maghihintay.Tuwing sila’y mag-uusap, ipinaaalala ng isa’t isa na huwag makalimot sa
sumpaan. Laging nangangako ang binata na ang dalaga lamang ang tanging
pakaiibigin.“Pinakamamahal kita Leoniza,” ang magiliw na sabi ng binata. “Ikaw
lamang ang babaing iibigin ko habang buhay. Gugustuhin ko pa ang kamatayan kung
hindi rin lamang ikaw ang aking magiging kapalaran.”“Salamat, mahal ko,”
natutuwang tugon ni Leoniza. “Napaka-dakila ng iyong pag-ibig. Sana’y palarin ka sa
iyong paghahanap-buhay upang makapag-impok tayo para sa ating pag-iisang-dibdib.
Huwag ka sanang magpapabaya sa iyong kalusugan. Mag-ingat ka sa iyong
paglalayag,” dugtong pa.“Maraming salamat, mahal ko, sa iyong mga paalaala,”
tugon ng binata, sabay paalam.Laging nagsusunuran at waiang pagkukulang ang
magkasintahan sa isa’t-isa. Kapuwa sila tapat sa sumpa. Walang madilim na
panginorin sa kanilang pag-ibig. Laging bukang-liwayway. Walang pagmamaliw ang
kanilang pagtitinginan. Subali’t mapagbiro ang tadhana. Biglang nawala ang binata at
hindi na napakita sa kanyang kasintahan.Parang mababaliw si Leoniza. Araw at
gabi’y nasa daungan upang magba-sakaling magkita sila ng kanyang minamahal.
Umulan at umaraw ay nananatili siyang nag-aabang sa daungan, hanggang sa iluwal
sa maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala.Naging tulala ang dalaga. Sa
tuwina’y nakatayong walang kibo na animo’y isang rebulto. Walang katinag-tinag na
napako ang paningin sa laot ng dagat. Minsa’y maluha, minsa’y humahalakhak.
Dumating ang saglit na hindi sukat asahan. Siya’y naging isang taong-bato.Diumano,
isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas ang taong-bato.
Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay dinumog ng mga tao upang sila’y
manlimot ng perlas.Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas.
Kasama niya ang anak na pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina’t
nagmakaawa, “Bigyan mo kami ng iyong perlas.” Nang ang ina ay bumitaw sa
pagkakayakap sa rebulto ay hindi niya makita ang kanyang anak. Hanap dini, hanap
doon. Inabot ng dilim ang ina sa paghahanap subali’t nawalan ng saysay.Nang
magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan, saka pa niya naalaala ang
kanyang ina. Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang kinaroroonan ng taong-bato.
Hindi niya naratnan doon ang kanyang ina.“Inay, inay, narito ako…! Saan ka
naroon?” ang sigaw ng bata, tuloy yakap sa paanan ng rebulto. Naantig ang
damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang yumaong anak. Ang
kanyang mga mata’y dinaluyan ng masaganang luha.Kinabukasan, ang ina ay
nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang nagkalat ang mga perlas sa
paligid ng rebulto. Siya’y nanlimot ng perlas. Kinamaya-maya’y dumating ang
nawalay na anak.“Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang
ngayon ikaw ay aking hihintay!”“Akopo’y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa
rebulto, ngunit kayo’y wala na roon!”“Bakit hindi ka umuwi sa atin?”“Hindi ko alam
ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog. Ako’y kanyang
ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!”“Tulungan mo akong manlimot ng
perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo.”Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato
ay nakarating ng talpukan ng alon. Ang rebulto ay tinangay ng alon. Ito’y napalaot sa
pusod ng dagat hanggang sa nawala.Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang
pinagmulan ng maraming perlas sa dagat ng Mindanao.

Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga bagay sa
mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga
tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon. Ang mga alamat ay may naibabahaging magandang asal, katulad ng
pagiging masipag, matapat, mapagmahal, at iba pa.

Elemento ng Alamat:

1. Simula
2. Gitna
3. Wakas

Simula
Ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

Ang Tauhan - karakter sa kwento

Tagpuan - lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento

Suliranin - problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit biglang papawiin ng


isang masamang pangyayari.

Gitna

Ito ang pinaka-inaabangang tagpo ng mga kalagayan at tagpo. Narito ang ilang bahagi
nito sa alamat:

Saglit na kasiglahan - kasiglahan sa kwento

Tunggalian - paghaharap o pag-aaway ng mga karakter

Kasukdulan - pinakamagandang parte o bahagi ng istorya

Wakas
Tinatapos nito at binubuo ang isang kuwento. Ito ang dapat na tumatak sa buong
kuwento. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:

Kakalasan - unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan

Katapusan - kung saan nagtatapos ang isang kwneto


Pang-ugnay- Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Pang-ugnay (Connectives)


a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa


iba pang salita

Tatlong Uri ng Pang-Ugnay

1. Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang tinuturingan. Ito ay


nagpapaganap lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng
pang-angkop.

a. Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s


katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.
b. Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at


ikinakabit ang –ng

2. Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan


o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/
kina

3. Pangtanig – ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o kaispan sa isa


pang salita o kaisipan sa isang pangungusap.

a. Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.


b. Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat
Halimbawa:
Subalit, datapwat, bagama’t
c. Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.
d. Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan
Halimbawa:
Sapagkat, dahil sa, palibahasa

Gawain 1.3

I. Sagutan ang mga sumusunod.


1. Ano ang paksa ng alamat?

2. Masasabi mo bang tapat ang pagmamahalan ng magkasintahan? Patunayan.

3. Bakit biglang na lamang nawala ang binata? Ano ang nangyari kay Leoniza?

4. Ano ang kinahinatnan ng pagkabigo ng dalagang Muslim?

5. Anong kaugalian o kultura ang nakapaloob sa alamat na ito?

6. Makatotoohanan ba ang mga pangyayari sa alamat?

7. Bakit mahalagang pag-aralan ang alamat ng bawat rehiyon? Paano ito


makatutulong sa pagkilala sa iyong sarili bilang Pilipino?

8-10. Saan nagmula ang alamat at ano ang layunin nito sa pagkukuwento?

II. Gumawa ng iyong sariling alamat.(50puntos)


Assignatura: Filipino
Modyul Week No:________
Yunit: Unang Markhan
Guro: Melibert Joy B. Reyes

Aralin: Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)


Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit
na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig
ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga
naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.Ipinatawag ni Indarapatra ang
kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni
Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa
mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si
Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, Sa
pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag
namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.Sumakay si
Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang
tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na
si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas,
napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.Nagtungo naman si
Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na
kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si
Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay
saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.Pumunta si Sulayman sa Bundok
ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at
ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang
magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais
dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at
namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman
na siya niyang ikinamatay.Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay
laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at
alam niyang namatay si Sulayman.Hinanap ni Indarapatra ang kanyang
kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni
Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni
Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng
Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng
ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal
upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang
banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si
Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na
pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.Pinauwi na ni
Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y
wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong
ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang
napatay ang ibon.Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang
dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang
matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay
Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na
pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga
pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang
ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa
laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari,
ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

Ang epiko ay ang pangunahing pasalitang anyo ng pampanitikan na matatagpuan sa


mga iba’t-ibang grupong etniko. Ang mga epikong ito ay mayroong mga
sumusunod na katangian : Ang kuwento ay tungkol sa kahima-himala /
kapangyarihang higit sa karaniwang magagawa ng tao o taong nagpapakilala ng
kabayanihan noong unang panahon; ito ay base sa tradisyong pasalita; ito ay
binubuo ng tula; at ito ay kinakanta o binibigkas ng paulit-ulit sa tonong pakanta.

Ang mga epiko ay mayroon pa ring lugar sa buhay ng mga katutubong minorya at
kinakanta sa panahon ng pagtitipon, tulad ng kasalan at lamayan. Ang mga ito ay
umaaliw sa komunidad ng kapuri-puring gawain ng kanilang mga ninuno. Ang
mga ito rin ay naghahatid sa mga kaugalian at paniniwala ng mga nakaraang
henerasyon, malimit ay nagbibigay ng halimbawa para sa mga susunod na
henerasyon. Ang mga epikong Pilipino ay binibigyan ng diin ang tema katulad ng
matibay na bigkis sa relasyon, palitan at pagtutulungan, isang malalim na
kahulugan ng komunidad, etnikong pagpapahalaga, at pagmamahal sa kalayaan.

Elemento ng isang Epiko


Sukat at Indayog - ito ang tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod
Tugma- ang epiko ay sinasabing may tugma kung ang mga huling pantig ng bawat
taludtod nito ay magkakasintunog o magkakahawig ang tunog nito.
Taludturan- ito ay pagpapangkat ng mga talutod ng isang tula. Saknong ang isa pang
tawag dito.
Matatalinhagang salita- na tinatawag ding idyoma.
Baghay- ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Na binubuo ng panimula,
saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas.
Tagpuan- ito ay ang lugar kung saan nagaganap o ginanap ang pangyayari.
Tauhan- ang mga tauhan ang siyang kumikilos sa isang epiko. Na maaring ang mga
tauhan dito ay may taglay kakaibang o di pangkaraniwang kapangyarihan.
URI NG PANGUNGUSAP N A WALANG PAKSA

Eksistensyal– may bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng


katagang may o mayroon. Na kahit dalawa o tatlong mga salita ang ginamit may
diwang ipinaaabot
Halimbawa: May tumatakbo, May dumating, Mayroong panauhin, Mayroong
napapaayon
Sambitla– ito’y isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan.
Kadalasan isang ekspresyon ang pahayag.
Halimbawa: Yehey! Yahoo! Wow! Walastik!
Penomenal– nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang banggitin, may diwa
nang ipinaaabot na sapat upang mabigyang kahulugan ang pahayag.
Halimbawa: Samakalawa. Bukas. Sa linggo. Mayamaya
Pagtawag- ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan ng isang tao ay may
sapat na kahulugang ipinaaabot. Ang tinawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos
ang tumawag.
Halimbawa: Maria!; Bunso!
Paghanga– ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga
Halimbawa: Ang ganda nya! Ang talino mo! Galing!
Pautos– salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot ay may ipinaaabot na
diwa o mensahe kaya’t di pwedeng di sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo
madiin.
Halimbawa: Kunin mo. Lakad na. Takbo. Sayaw.
Pormularyong Panlipunan- ito ang mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyon:
umaga, tanghali, gabi.
Halimbawa: Magandang umaga. Magandang gabi. Magandang tanghali. Paalam.
Adyos.

Gawain 1.4
I. Sagutan ang mga sumusunod

1. Ipaliwanag ang kasaysayan kung pano nagsimula ang epiko at umikot bilang
panitikan. Nananatili pa ba ito sa kasalukuyan? Patunayan.

2. Anong mga katangian ang ipinakita nina Sulayman at Indarapatra?

3. Paano nagapi ng magkapatid ang apat na halimaw na sumalakay sa labas ng


Kaharian ng Mantapuli?

4. Ano ang kinahinatnan ng magkapatid? Saan na nanirahan si Sulayman?

5. Paano tinulunganni Indarapatra si Sulayman na muling mabuhay?

6. Sino ang babaeng nakita ni Inadarapatra sa sapa? Ano ang naging kaugnayan niya
sa babaeng ito?

7. Bakit may taglay na supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan ang


pangunahing tauhan sa bawat epiko?
8. Bakit mahalagang alamin ang epiko ng iba’t ibang rehiyon tulad ng epikong
mindanao?

9. Paano mauunawan at mapahahalagahan ang mga epiko ng sariling rehiyon?

10. Ano ang epiko base sa inyong nabasa?

II.Sumulat ng iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng


pangunahing tauhan sa epikong binasa o nabasa.
Assignatura: Filipino
Modyul Week No:________
Yunit: Unang Markhan
Guro: Melibert Joy B. Reyes

Aralin: Bidasari: Prinsesa ng Kembayat(Dula)

Ito ay mula sa Kamindanawan, isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala,


upang magtagal ang buhay ng tao, Ito ay pinapaalagan at pinapaingatan sa isang
isda,hayop,halaman, o punong kahoy.
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa ibong garuda, isang dambuhalang
ibon na kumakain ng tao. Tuwing dumarating ito nababalot ng takot ang mga tao sa
kaharian ng Kembayat sila ay dagling nagtatakbuhan at nagtatago sa yungib.
Isang araw na pagdating ng garudo ang lahat nagsipagtakbuhan kabilang na dito ang
Sultan at Sultana ng Kembayat. Ngunit ang Nagdadalantaong Sultana ay napahiwalay
sa kanyang asawa. Siya ay napunta sa tabi ng ilog kung saan naisilang nya ang
kanyang sanggol. Dahil sa laki ng takot at pagkalito ang sanggol na ito ay kanyang
naiwan.
Na napulot naman ni Diyuhara, isang mangagalakal mula sa kabilang kaharian.
Kanyang inuwi at dagling pinagyaman ang sanggol.
Itinuring niya itong anak at binigyan ng pangalang Bidasari, lumaking isang
napakagandang dilag.
Samantalang sa kaharian ng Idrapura. Ang Sultan dito ay dalawang taon pa lamang
nakakasal sa asawang si Lila Sari,isang mapanigbuhuin Sultana. Kaya madalas ay
tatanungin nya abg sultan kung siya ay mahal nito na sinasagot nama ni Sultan
Mongindra na “Mahal na mahal ka sa akin”.
Walang pagkasiya ang Sultana minsan namn ay tinanong niya ang asawa “Hindi mo
kaya ako makalimutan kung may makita ka ng higit na maganda sa akin?”. Na
tinutugon naman ng Sultan “Kung higit na maganda pa sayo, ngunit ikaw ang
pinakamaganda sa lahat.”
Nag-alala ang Sultana na baka mayroong higit na maganda pa sa kanya kung kaya’t
inutusang nya ang kanyang mga matatapat na kabig upang saliksikin ang hanapin
kung mayroon pang babaeng higit na maganda kaysa sa Sultana.
At ito nga ay si Bidasari na kanyang inanyayahan sa palasyo upang gawing dama
ngunit ito lihim na kinulong at pinarusahan ni Lila Sari.
Hindi na natiis ni Bidasari ang pagpaparusa sa kanya kung kaya’t sinabi nya dito na
kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Sa araw ikukuwintas ito ni
Lila Sari at sa gabi naman ay ibabalik sa tubig at hindi maglalaon ay mamatay si
Bidasari. Pumayag ang Sultana kinuha nya ang isdang ginto at pina uwi na si
Bidasari.
Nang isuot nga ng Sultana ang kwintas ng gintong isda sa araw nga ay nakaburol si
Bidasari at muling nabubuhay sa gabi.
Dahil sa pag aalala ni Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari ito ay nagpagawa
ng palasyo sa gubat kung saan nya itinira ang kanyang anak.
Isang araw si Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat doon nya nakita ang isang
magandang palasyo ngunit ito ay nakapinid. Pinilit nya itong buksan at pinasok ang
mga silid. Doon nakita niya ang isang magandang babae na natutulog, si Bidasari.
Ngunit ito ay hindi nya magising. Umuwi ang Sultan na hindi nakakausap si Bidasari
kung kaya’t kinabukasan ay bumaliksiya at naghintay hanggang gabi. Nang gabi
ngang iyon ay nabuhay si Bidasari. Dito nalaman nya ang ginawa ng Sultana. Nagalit
ang si Sultan Mongindra kay Lila Sari ito ay kanyang iniwan sa palasyo at
pinakasalan si Bidasari.
Samantala, ang mga tunay na magulang ni Bidasari ay tahimik ng naninirahan sa
Kembayat. Nagkaroon pa sila uli ng supling at ito ay si Sinapati, na kamukhang
kamukha ni Bidasari.
Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara nakita nito si Sinapati kanya
itong kinaibigan. Ibinalita nya din dito na ito ay may kamukha. Kaya dagling tinanong
ni Sinapati ang kanyang mga magulang kung siya ba ay mayroong nawalay na kapatid.
Kung kaya’t pinasama ng ama ang anak na si Sinapati sa Indrapura.
Nang magkita ang magkaptid ay kapwa sila nagulat sapagkat sila ay magkamukhang
magkamukha. Natunton na ang nawawalang prinsesa ng Kembayat. At ito’y nalaman
ng sultan ng Indrapura ang kanya palang pinakasalan ay isang palang prinsesa.
DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang
dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa


totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag


na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay
na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa
isang iskrip.

Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.

Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.


Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
Sangkap Ng Dula
 Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad
sa dula
 Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot
ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa
dula
 Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari;
maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
 Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
 Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan
laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng
higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
 Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
 Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian
 Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga
suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
Elemento Ng Dula
Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin;
sila ang pinanonood na tauhan sa dula
Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag
na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan
ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya


sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo

3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may
malulungkot na bahagi

4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga


pananalitang katawatawa
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto

Pangatnig

Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, or


pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.
Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang tawag sa mga kataga o lipon ng
mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang
diwa o kaisipan ng isang pahayag.

Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap. Ang pangatnig ay


maaari ring magbukod, manalungat, maglinaw, manubali, magbigay halintulad,
magbigay sanhi, at magbigay ng pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.

1. Pangatnig na Panlinaw

Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Maaari itong
gamitan ng mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panlinaw sa Pangungusap

 Nag-usap na kami sa baranggay kung kaya ang ang kasong ito ay tapos na.
 Umamin na si Mando kaya makakalaya na ang napagbintangang si Rico.
 Ang prinsipal ay umuwi na, kung gayon ay maaari na rin tayong umuwi.

2. Pangatnig na Panubali

Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong gamitan ng mga


salitang kung, sakali, disin sana, kapag, o pag.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panubali sa Pangungusap

 Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw mong mapalo.


 Sakaling hindi ako makapunta bukas, sabihin mo na lang sa akin ang
mapag-uusapan sa pulong.
 Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho, disin sana‘y may maiipon ka
bago mag-pasko.

3. Pangatnig na Paninsay

Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang


pangalawang bahagi nito.Maaari itong gamitan ng mga
salitang ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, o kahit.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Paninsay sa Pangungusap


 Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay pinagalitan ako ni Nanay.
 Yumaman si Arriane kahit galing siya sa hirap.
 Nakakuha ako ng mataas na marka sa pagsusulit bagaman hindi ako
nakapag-review.

4. Pangatnig na Pamukod

Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa o ilang bagay o kaisipan.
Maaari itong gamitan ng mga salitang o, ni, maging, at man.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pamukod sa Pangungusap

 Ni tumawag ni mangumusta ay di man lang nya ginawa.


 Ako man ay ayaw rin sa liderato niya.
 Mahal kita maging sino ka man.

5. Pangatnig na Pananhi

Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa pagkaganap ng kilos.


Maaari itong gamitan ng mga salitang dahil sa, sanhi sa, sapagkat, o mangyari.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pananhi sa Pangungusap

 Nagkasira-sira ang bahay ni Ka Pilo dahil sa bagyo.


 Sanhi sa pabago-bagong panahon kaya siya nagkasakit.
 Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy ay walang disiplina.

6. Pangatnig na Panapos

Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Maaari itong gamitan ng


mga salitang sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, o sa bagay na ito.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panapos sa Pangungusap

 Sa wakas ay makakauwi na rin tayo.


 Sa di-kawasa, ang klase ngayong araw ay tapos na.
 Sa bagay na ito, hayaan nating ang Diyos ang magpasya.

7. Pangatnig na Panimbang

Ito ay ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon o kaisipan. Maaari


itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati, kaya, o anupa’t.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panimbang sa Pangungusap

 Ikaw at ako ay mahilig kumain.


 Pati tindahan ng matanda ay kanyang ninakawan.
 Singkamas at saka talong ang mga paborito kong gulay.
 Anupa’t sa lakas ng hangin ay halos tangayin ang aming bubungan.

8. Pangatnig na Pamanggit

Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Maaari itong gamitan ng


mga salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo, o di umano.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pamanggit sa Pangungusap

 Ako raw ang dahilan ng kanyang pagbagsak.


 Sa ganang akin, ikaw ang pinakagwapo sa lahat.
 Si Jessica di umano ang unang bumato sa puno ng bayabas.

9. Pangatnig na Panulad

Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa. Maaari itong gamitan ng mga
salitang kung sino… siyang, kung ano… siya rin, o kung gaano… siya rin.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panulad sa Pangungusap

 Kung sino ang may sala, siyang dapat managot.


 Kung gaano kalaki ang inumit, siya ring dapat bayaran.
 Kung ano ang puno, siya ring bunga.
10. Pangatnig na Pantulong

Nag-uugnay ito ng nakapag-iisa at hindi nakapag-iisang mga salita, parirala o sugnay.


Maaari itong gamitan ng mga salitang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat,
o dahil sa.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pantulong sa Pangungusap

 Ginagalingan niya sa klase para mataas ang gradong makuha niya.


 Makakapaglaro lang ako kapag natapos ko ang aking takdang aralin.

Pangkat ng Pangatnig

Mayroong dalawang pangkat ng pangatnig: ang nag-uugnay sa magkatimbang na


yunit at ang nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.

1. Pangatnig na Nag-uugnay sa Magkatimbang na Yunit

Sa pangkat na ito pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay. Ginagamitan ito ng


mga salitang o, ni, maging, at, ‘t, at kundi.

Ang pangkat ding ito ng pangatnig ay maaaring pasalungat. Sinasalungat ng


ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Ilan sa mga halimbawa ng salitang maaaring gamitin dito ay
ang ngunit, subalit, datapwat, bagamat, at pero.

Mga Halimbawa sa Pangungusap

 Bumili ako ng ubas at mansanas.


 Maging ang lupaing iyan ay sa aming angkan.
2. Pangatnig na Nag-uugnay sa Di-Magkatimbang na Yunit

Ang pangkat na ito ay maaaring nagpapakilala ng sanhi o dahilan gaya ng mga


salitang dahil sa, sapagkat, o palibhasa. Maaari ring gumamit ng mga
salitang kung, kapag, pag, at mga pangatnig na panlinaw gaya ng kaya, kung gayon,
o sana.

Mga Halimbawa sa Pangungusap

 Dahil sa maulang panahon kaya nagkandasira ang pananim namin.


 Ubus-ubos biyaya si Arnel palibhasa anak-mayaman.

Gamit ng Pangatnig

Narito ang dalawang (2) gamit ng pangatnig.

1. Gamit bilang Pag-ugnay sa Dalawang Salita

Mga Halimbawa:

 Sina Ate at Kuya ay mabait sa akin.


 Gusto ko ng bola saka lobo.
2. Gamit bilang Pag-ugnay sa Dalawang Parirala

Mga Halimbawa:

 Ang pag-awit sa entablado at paglalaro ng basketbol ang paborito kong


libangan.
 Ayaw kumain saka nagkasakit ng malubha ang aso kaya namatay.

Gawain 1.5

I. Sagutan ang mga sumusunod

1. Bakit maagang nawalay si Bidasari sa Kaniyang mga magulang?

2. Anong nangyari sa buhay ni Bidasari ang naging dahilan upang siya ay mapunta sa
ibang lugar? Isalaysay.
3. Naging mabuti ba kay Bidasari ang turing nina Datu Saalmaltek at Diyuhara?

4. Sino si Lila Sari? Ano ang naging papel niya sa buhay Bidasari sa kwento?

5. Naniniwala ba kayo na maaring umusbong ang pagibig sa unang pagtatagpo?


Ganito ba ang naganap kina Datu Mohindra at Bidasari?

6. Paano nakita ni Datu Mohindra at Bidasari?

7. Paano natakasan ni Bidasari si Lila Sari? Anong hakbang ang kaniyang ginawa
upang makatakas siya sa kamay ni Lila Sari?

8. Anong parusa ang ipinataw ni Datu Mohindra kay Lila Sari nang malaman niya ang
katotohanan hinggil sa dahilan ng pagtira sa gubat nang mag-isa ni Bidasari

9. Anong kultura ng mga Muslim ang ipinakita sa epikong Bidasari?

10. Makatotohanan ba ang mga pangyayari batay sa sariling karanasan? Ipaliwanag.

II. Isulat sa patlang kung ang mga salita sa pangungusap ay pangatnig na panimbang,
paninsay, pananhi, pamukod, panlinaw, panubali, panapos o panulad.

You might also like