Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa taong 2020 ay panandaliang tumigil ang mundo bunsod ng pagkakaroon ng

pandemya. Subalit hindi ito naging hadlang sa kagawaran ng edukasyon upang

ipagpatuloy ang layuning makapagbigay ng kaalaman sa mga mag-aaaral. Ang

karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw. Ito ang magsisilbing

daan ng bawat isa tungo sa isang matagumpay na hinaharap. Ngayong araw ay sama-

sama nating namnamin ang tagumpay at pagpupunyagi ng mga mag-aaral na kabilang

sa Batch 2019 – 2020.

Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral na

magtatapos sa taong panuruang 2019 – 2020 sa paaralang sekondarya ng Don Leon

Q. Mercado High School kasama ang mga guro (Teaching at Non-Teaching Staff), at

punong-guro ng paaralan.

Bilang pagbubukas ng palatuntunan, halina’t awitin natin ang Pambansang Awit

ng Pilipinas. Susundan ito ng panalangin na pangungunahan ni Maria Katrece B.

Villanueva, May Karangalan. Sabay-sabay din nating awitin ang Regional Hymn, Division

Hymn, at School Hymn.

Upang pormal na buksan ang palatuntunang ito, pakinggan natin ang mensahe

ni Gng. Marianville De Leon-Pabico, Tagapag-ugnay, Ikasampung Baitang.

Pakinggan natin ang inspirasyunal na mensahe na ibabahagi sa atin nina Bb.

Marie Geline T. Chavenia, May Karangalan at G. Romario D. Diaz, May Karangalan.

Sa puntong ito, sama-sama nating pakinggan ang pagpapakilala sa ating

Panauhing Pandangal na pangungunahan ni Gng. Maybelle C. Saavedra, Faculty Vice

President.

(Pagbasa ng Sertipiko para sa Guest Speaker)

Tunghayan natin ang pagbibigay Kumpirmasyon para sa mga Magtatapos na

pangungunahan ni Gng. Baby Ruby F. Laurente, Punong Guro, DLQMHS


Dumako tayo sa paggawad ng mga Sertipiko at medalya sa mga mag-aaral na

nagkamit ng Karangalan at Natatanging Pagkilala, nagpakita ng kagalingan sa iba’t

ibang larang sa taong panuruan dalawang libo’t labing siyam hanggang dalawang libo’t

dalawampu.

(Pagbasa ng awardees)

Isang pagbati sa lahat ng mga magulang at mag-aaral na kabilang sa Batch 2019

– 2020.

Tunghayan natin ang Panunumpa ng Katapatan na pangungunahan ni Bb.

Johanna D. Malisa, May Karangalan at susundan ng Panunumpa sa DLQMHS Alumni

Association ng mga Magsisipagtapos na pangungunahan naman ni G. Emmanuel C.

Obal, Guro, Matematika.

Para sa pangwakas na pananalita, pakinggan natin ang mahusay at kagalang-

galang na Punong Guro ng Don Leon Q. Mercado HS, Gng. Baby Ruby F. Laurente.

Muli, isang pagbati sa mga magulang, mag-aaral, at sa mga taong nasa likod ng

gawaing ito.

Sa mga mag-aaral na kabilang sa Batch 2019-2020, hangad naming ang inyong

tagumpay sa buhay.

Ako po si Bb. Marlyn N. Aguila

Ako naman si G. Benito Lot Jr. O. Reyes

At kami ang inyong mga Guro ng Palatuntunan sa 5 th Moving Up Ceremony,

2019-2020 na may temang “Sulong Edukalidad: Pagtataguyod sa Kinabukasan ng

Bayan”.

Maraming Salamat.

Hangad namin ang kaligtasan ng bawat isa.

SULONG EDUKALIDAD.

You might also like