Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

PASKO - Dula-dulaan

Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”

Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)


Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa
lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po
kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

Tilon
Filipino Play Script
Filipino play
Part 1
Scene 1
Narrator: Isang mahirap na bata na nagngangalang Bruno ang nakatira sa isang barong-barong na bahay dahil sa kahirapan
at nakakakuha lamang sila ng pera dahil sa paglilimos ni Bruno. Minsan ay sinasaktan sya nga kanyang mga magulang
kapag kunti lang ang kanyang nalimos. Dumating siya sa bahay nila at naabutan niya ang kaniyang ina na nagsusugal.
Gab: Inay! Narito na po ako.
Gab: Mano po, Inay.
Elisha: Oh! Sha.. nasaan na ang nalimos mo?
Inay: Pasensya na po pero... (Biglang sinabunutan si Bruno)
Elisha: Sa susunod, ramiramihan mo ang paghingi ng limos kundi hindi kita papakainin! Wala ka talagang pakinabang!
Walang kwenta!
Gab: Pasensa na po Inay! Tama na po! Pakiusap!
Narrator: Habang umiiyak si Bruno ay dumating na ang kanyang tatay na lasing.
Gab: Mano po tay.
Josh: Ano! Umiiyak ka nanaman, lumayo ka nga sa akin, ayoko sa mga bakla!
Narrator: Habang umiiyak si Bruno ay sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya paaapi kahit kanino.
Gab: Hindi na ako magpapaapi kahit kanino, makikita nila.
Narrator: At doon nagsimula ang pagbago ng ugali ni Bruno.
Part 2
Scene 1
Narrator: Si Fery lou naman ay iniinsulto ng kanyang mga kaklase dahil sa kahirapan niya. Tinatago niya ang kaniyang
baon na isang piraso ng tinapay lamang dahil alam niya na kapag nakita ito ng kaniyang mga kaklase ay mapapahiya
nanaman siya.
Loren: Hahaha! Isang piraso ng tinapay lamang ang kaniyang baon.
Paola: Hahaha! Kawawa naman! Hahaha!
Narrator: Si Fery lou ay palaging nag-iisa sa paaralan at wala siyang kaibigan. Isang araw ang nakaisip sya ng paraan.
Narrator: Si Nemo ay isang batang papel na ginawa lamang ng isang estudyante para sa isang proyekto sa kanyang paaralan
na gumawa ng isang gamit na galing sa isang bagay o mas tinatawag nating Recycled Materials.
Danica: Aking mga kaklase dahil absent si Ma’am ay ako ang in-charge sa inyo bilang presidente. Meron daw tayong
bagong proyekto. Gagawa tayo ng isang recycled material.
Clemente: Yes! May bagong proyekto. Sana hindi makagawa ang isa dito ng proyekto sa pagkakataon ngayon.
Narrator: At pagkatapos ng klase...
Frivaldo: Kaya ko to may na-isip na ako. (Pabulong na sabi ni Fery lou)
Scene 2
Narrator: Gumawa si Fery lou ng proyekto na isang batang papel at pinangalanan itong Nemo. Pinag-isipan nya rin kung
ano ang sasabihin nya sa kanyang mga magulang.
Frivaldo: Yehey! Tapos na rin ako. Alam ko na kong anong sasabihin ko sa aking mga kaklase.
Scene 3
Narrator: Hindi ipinakita ni Fery lou ang kanyang proyekto at baka tuksuhin nanaman siya.
Fery lou: Ipapasa ko ito agad kay Ma’am (Ipinasa ang proyekto ni Fery lou sa kanyang guro)
Narrator: Pagkatapos niyang ipasa ang kanyang proyekto ay pumunta sya sa kanyang mga kaklase.
Frivaldo: Alam nyo ba na ma sandaang damit ako?
Loren: Weeee! Ba’t di mo dala?
Frivaldo: Dahil ayaw kong madumihan iyon.
Narrator: Sinabi ni Fery lou kung ano ang uri ng kanyang sandaang damit. Iginuhit nya ito at sinabi nya kung anong uri ng
tela ang ginamit para mabuo ang kanyang sandaang damit.
Scene 4
Narrator: Minahal siya ng kaniyang mga kaklase mula noon, Hangang sa may mahangin na araw.
Narrator: Hindi muling nakita si Fery lou, at siya ay naging palaboy.
Narrator: Sa parehong oras na mahangi ay nahanginan rin ang proyekto ni Fery lou na si Nemo at doon nagsimula ang
paglalakbay ni Nemo at Fer lou.
Part 3
Scene 1
Narrator: Dalawang bata na ininiwan ng kanilang mga magulang dahil sa matinding kahirapan nila na bumuhay ng kahit
isang tao at may utang pa sila sa isang mayaman na tumutulong sa kanila para mabuhay ang anak nila at hindi pa nila
nababayaran sila.
Audrey: Mahirap na talaga ang buhay Nikko.
Nikko: Pero kawawa naman ang ating mga anak.
Audrey: Iwanan muna natin sila sa bahay ampunan para doon sila mabuhay ng maayos.
Audrey: Gumawa ako ng sulat sa mga madre doon, para walang umampon sa kanila maliban sa atin.
Nikko: Ito lang ang maiibigay ko sa kanila. (Iniabot ni Nikko ang kuwintas kay Audrey) Gumawa pa ako ng isa para rin sa
atin.
Audrey: Halika na umalis na tayo.
Narrator: Umalis na sila at idinala ang kanilang dalawang anak sa ampunan.
Audrey: Mga anak, Sana mapunta kayo sa mga mabubuting kamay. Heto na ang kuwintas ninyo. Huwag sana mawala ito
sa inyo.
Scene 2
Narrator: Hindi ang mga madre na nakatira sa bahay ampunan ang nakakuha sa bata. Isang matandang babae na nag-iisa
ang nakakita sa mga sanggol, naawa ito kaya kinuha nito ang mga bata.
Corinne: Kawawa naman ang mga batang ito, bata palang iniwan na. Halika papalakihin kita ng mabuti.
Narrator: Nakita ni Corinne ang sulat pero itinago ito dahil baka kong anong mangyaring masama pag-iniwan nya rin ito.
Corinne: Ano ba to? (Binasa nya at itinago sa bulsa)
Narrator: Pinalaki sila ng mabuting matanda at tinuruan ng mabubuting asal, tinapat nya rin sa bata na ampun lang sila
para hindi sila masaktan pagnalaman nila sa ibang tao ang totoo at ikinuwento ng matanda kung ano ang nangyari sa mga
magulang nila.
Corrine: Mga bata, buhay pa ang mga magulang ninyo. Hindi nila kayo kayang buhayin dahil sa kahirapan, sana hindi kayo
magalit sa kanila.
Jericho: Opo lola, para po sayo gagawin namin ito.
Corinne: Hindi para sa akin mga bata, para sa mga magulang ninyo.
Marian: Opo, lola.
Scene 3
Narrator: Isang araw ng malalaki na ang mga bata ay namatay ang kawawang matanda dahil nahimatay sa init at
pagkawalan ng pera.
Jericho: Lola, huwag ka munang mamatay kailangan pa namin ikaw, hahanapin namin kung sino ang mga tunay naming
magulang para sa kanila basta mabuhay ka Lola! Lola! Lola!
Marian: Opo, lola, gagawin namin ito para sa kanila! Lola!
Narrator: Napakalungkot ng mga bata, tanging pag-alala ng mga salita ng kanilang lola ang pumukaw sa kanila para
mabuhay parin kahit wala na ang kanilang lola.
Jericho: Ano na ba ang gagawin natin, sana nandito si lola para gabayin tayo.
Marian: Oo, nga sana nandito si lola.
Scene 4
Narrator: Naging palaboy ang mga bata. Nakakakain lang sila dahil sa paglimos, minsan ay ayaw ng mga tao na lumapit sa
kanila.
Marian: Ate, pwede po palimos naman po kami.
Loren: Umalis ka nga kayo dito ang baho-baho ninyo at lalapit kayo sa akin ano kayo! Heto! Ang pera saksak ninyo sa
baga ninyo, mahiya naman kayo! Halika ka na nga Paola.
Paola: Oo nga, punta na tayo sa shop.
Narrator: Minsan rin ay kinukuha ni Bruno at ang kanyang mga kaibigan, ang nalimos nilang pera.
Gab: Hoy, bata sa amin na nga ang pera mo kung ayaw mong masaktan.
Jericho: Heto na ang pera, huwag ninyo siyang sasaktan.
Marian: Salamat aking kapatid.
Jericho: Walang ano man, basta mag-ingat ka sa kanila, ha. Halika na.
Scene 5
Narrator: Isang araw hindi mapakali si Jericho at Marian dahil nagdadalawang isip sila kung hahanapin parin nila ang
kanilang mga magulang na umiwan sa kanila dahil sa galit na iniwan sila ng mga magulang nila kahit sanggol pa lamang,
pero napagisip-isip nila ang sinabi ng kanilang lola sa kanila kaya hinanap nila ang kanilang mga magulang.
Jericho: Nagdadalawang isip ako kung hahanapin parin natin ang ating mga magulang o hindi.
Marian: Ako rin nagdadalawang isip sa paghahanap sa kanila. Pero kailangan rin natin silang hanapin para sa ating
pangako kay lola.
Jericho: Sa Bagay tama ka. Tanging ito lang kuwintas na ito ang ibinigay na alala nila.
Marian: Dapat natin itong ingatan.
Jericho: Halika ka na, simulan nating maghanap sa kanila.

Scene 6
Narrator: Nang hinahanap nila ang kanilang mga magulang, nakahanap rin sila ng mga bagong kaibigan sa kalye.
Frivaldo: Sino ba kayo?
Marian: Ako si Marian at siya naman ang aking kapatid si Jericho, at sino ka naman?
Frivaldo: Ako nga pala si Ferry lou, masaya sana ako noong nakuha ko ang loob ng aking mga kaklase at hindi na nila ako
sinasaktan dahil sa pagsabi na may sandaang damit ako, pero namatay ang aking mga magulang.
Marian: Pasensya na Fery lou, ayos lang yan, kami rin naranasan namin iyan pero hindi namin niloko ang aming mga
kaklase. Pero ganito kami, hinahanap namin ang aming mga magulang.
Frivaldo: Pasensya na kung narinig ko ito.
Marian: Ayos lang yun.
Frivaldo: Hali kayo, doon tayo sa lugar kung saan ako nagpapahinga para rin makapagpahinga kayo sa paghiga sa mga
masasakit na bato.
Jericho: Salamat Ferry lou, ha.
Frivaldo: Walang ano man tumutulong lang ako sa mga kagaya ko para makaiwas sa batang si Bruno.
Jericho: Sino ba si Bruno?
Frivaldo: Si Bruno ay kumukuha ng pera ng mga batang katulad natin lalo na si Adong.
Scene 7
Narrator: Dinala ni Ferry Lou si Jericho at si Marian sa isang lugar kung saan siya nagpapahinga, pero hindi kanais-nais
ang nakita nila.
Gab: Adong! Tatakas ka pa. Ibigay mo na sa akin ang limos mo o masasaktan ka!
Jorge: Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!
Gab: Aah! Lumalaban ka na! Itong sayo!
Marian: Tama na nga yan, malapit tayo sa simbahan at nakikipag-away ka.Tatawag ako ng pulis kong hindi ka titigil.
Narrator: Natakot dito si Bruno kaya nagpasya sya na umalis.
Jorge: Salamat ha, ako nga pala si Adong, sino naman kayo?
Marian: Ako si Marian at siya naman ang aking kapatid na si Jericho.
Jorge: Salamat uli ha. Halika kana Fery lou, Pumunta na tayo sa ating lugar para makakain na, naghihintay na si Nemo
doon.
Fery lou: Sasama sila sa atin kung pwede lang.
Jorge: Oo, Syempre, hali na kayo.
Narrator: Dinala ni Fery lou at Adong si Jericho at Marian sa kanilang lugar.
Felix: O, nandito na pala kayo at sino naman sila?
Fery lou: Sila nga pala si Marian at Jericho.
Felix: Nasan na ba yung pagkain naghihintay na rin ang aking mga kaibigan.
Jorge: O, heto na ang pagkain mo.
Felix: Salamat ha.
Scene 8
Narrator: Nagsama-sama sila sa isang lugar na matutulugan nila. Isang araw nang naglilimos sila nakita nila na ninanakaw
ng mga kasama ni Bruno ang cellphone ng babae. Nakilala ni Fery lou yung mga nanakawan kaya nagtago ito.
Paola: Tulong! kinuha nila ang cellphone ko!
Narrator: Hinabol nila ito at nabawi ang cellphone ng babae at ibinigay pabalik ito.
Felix: Tara habulin natin.
Jorge: Hoy! Tigil!
Jericho: Sa akin na nga yan! (Kinuha ni Jericho ang celllphone nang babae sa magnanakaw)
Paola: Nasaan na ang cellphone ko?!
Jericho: Heto po ang cellphone nyo.
Paola: Heto ang pera ninyo, mga palaboy, wag nakayong mahiya dahil wala naman kayong hiya.
Paola: Ayaw nyo, kunin nyo! (Tinapon ni Paola ang pera.)
Felix: Ang sama naman ng babaeng iyun. Kunin na nga natin ang pera kakailanganin pa natin ito.
Scene 9
Narrator: Isang gabi ng tumutulog na ang mga kasama ni Jericho at Marian ay hindi sila makatulog at malungkot. Naisip
nila ang kanilang mga magulang hawak-hawak ang kuwintas na ibinigay ng kanilang mga magulang.
Jericho: Ang saya-saya nga dito sa kalsada kasama ang ating mga kaibigan ay wala naman ang ating mga magulang.
Marian: Oo, nga hindi ko na kayang matiis na wala sila sa ating piling.
Jericho: Mabuti naman ay nandito ka, kahit papaano hindi ako nag-iisa sa pamilya.
Marian: Salamat rin at nandito ka kasama ko.
Scene 10
Narrator: At sa mga magulang nila umuutang parin sila sa mayamang pinag-uutangan nila na patay na, kaya ang pinag-
uutangan na lang nila ay ang dalawang anak nito.
Audrey: Madam, pautang naman po kailangan po namin maawa po kayo sa amin!
Paola: Ang mga magulang mo kasi anak ng anak kaya mahirap kayo.
Falcon: Tama, dapat sisihin ang mga magulang ninyo.
Nikko: Tatanggapin namin kahit anong masasakit na salita, kailangan talaga namin ng pera.
Paola: O! Ito, isaksak mo sa baga mo!
Nikko: Salamat po!
Scene 11
Narrator: Dahil sa kalakihan ng halaga nito ay naisip nila na idiposito ang pera sa Banko hanggang sa mataas na ang halaga
nito dahil sa interest. Iginastos nila ito sa pagnenegosyo para makaahun sa hirap at mampon ang kanilang dalawang anak.
Audrey: Salamat sa Diyos! Binigyan nya tayo ng pagkakataung mabuhay ng masagana at maaampun na rin natin ang ating
dalawang anak.
Narrator: Aampunin na sana nila ang dalawang anak nila, kaya lang napagtanto nila na hindi nakuha ng madre doon, ang
kanilang mga anak. Kaya hinanap nila ito sa kung saan-saang lupalop.
Scene 12
Narrator: Nang palakad si Jericho at Marian papunta sa kanyang mga kaibigan nila ay nakasalubong nila ang mga batang
masasama na hinabol nila. May dala itong baril dahil nais nilang bumawi sa kanila sa ginawang pagbawi ng cellphone at
nasis rin nitong makuha ang itinatagong pera nila na bigay ng babae na tinulungan nila. Dumating ang mga kaibigan nila at
nakita nila ang dala ng mga masasamang bata, natakot sila pero hindi sila makatakas. Binigyang pagkakataong mabuhay ang
bata kung ibibigay sa kanila ang lahat ng pera nito o tumakas sa sampung sekundo lamang.
Gab: Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay bata, kung ibibigay mo ang lahat ng perang tago ninyo o tumakas sa loob
lamang ng sampung sekundo.
Jericho: Ano ba ang desisyon natin tumakas o ibigay natin ang pera.
Jorge: Tumakas na lang tayo, pinaghirapan naman natin ito eh.
Marian: Sana walang masaktan sa atin kahit isa.
Frivaldo: Sangayon ako kay Felix.
Jericho: Simulan na natin isa, dalawa, tatlo, takbo!
Gab: Hoy! Sandali.
Scene 13
Narrator: Tumakas nga sila pero natamaan ng bala si Jericho. Kinalaban ng mga kaibigan ni Jericho ang mga masasamang
bata, dahil wala nang ipuputok pa ang baril nila dahil isa lang ang bala nito. Natalo ang mga masasamang bata at humingi
sila ng tulong na ikarga si Jericho papuntang ospital.
Frivaldo: Ang sama ninyo!
Marian: Kailangan natin ng tulong!
Jorge: Bilis, halina kayo!
Scene 14
Narrator: Naging papel muli si Nemo kasama ang kanyang mga kaibigan sa kalye ng humiling sila.
Felix at ang iba pa: Bituin, bituin, tuparin ngayon din lahat kami ay gawing batang masayahin.
Narrator: Nakita ni Audrey at Nikko si Jericho papuntang sa ospital. Naawa sila kay Jericho kaya tinulungan nila ito dahil
sa pag-alala ng kanilang iniwang anak.
Nikko: Kawawa naman ang batang iyon.
Audrey: Halika tulungan natin meron pa naman tayong pera para sa anak natin.
Scene 15
Narrator: Tinulungan nga ni Audrey at Nikko na manumbalik ang lakas ni Jericho at may naramdaman sila na kakaiba kay
Jericho at Marian sa pagtingin palang ng kuwintas na suot nila.
Audrey: Halika Nikko, pumunta tayo sa isa sa mga kuwarto dito para mag-usap tungkol sa ating anak.
Audrey: Si Jericho at Marian ang ating anak.
Nikko: Paano mo naman mapapatunayan.
Audrey: Naroon sa kanila ang kuwintas na ibinigay nila at tama ang edad nila.

Scene 16
Narrator: Narinig at nakita ito ng bata dahil sa nakalimutang isarado ng mabuti ang pintuan. Nagalit nito ang bata, pero
sumama parin ito sa magulang nya hindi dahil mahal nya sila kundi ay naaawa sya sa kanila.
Jericho: Ano po, anak ninyo kami?
Audrey: Oo, anak.
Jericho: Bakit ninyo kami iniwan kahit sanggol pa lamang kami?! Mga walang puso!
Marian: Tama na!
Audrey: Patawarin mo ako anak. Hayaan mo babawi ako sayo.
Jericho: Hindi na po kailangan, masaya naman kami sa buhay namin sa kalsada.
Marian: Tama na aking kapatid!
Audrey: Patawarin mo ako anak, Patawarin mo ako anak!. Hindi ko kaya ang kahirapan kaya ko to nagawa may plano rin
naman kami ng ama mo na kunin ka kapag nakaahun kami sa hirap.
Jericho: Sige, sasama kami hindi dahil pinapatawad kita kundi dahil naaawa kami sayo!
Audrey: Ayos lang yan sa aking anak, basta makasama kayo.
Scene 17
Narrator: Ginawa ng mga magulang ang lahat para mapamahal ang anak nila sa kanila.
Narrator:Isang araw napag-alaman ng bata na ginawa ng mga magulang nya ang mga ito dahil sa kahirapan pero hindi nila
kinalimutan sya maliban lang ng naaksidente sila.
Jericho: Alam na namin po ang lahat ng nangyari, mahal nyo rin pala kami.
Audrey: Oo anak mahal ko kayong dalawa.
Narrator: Tinulungan ni Jericho ang kanyang mga kaibigan na makaahun rin sa kahirapan sa pamamagitan ng pag-ampun
sa kanila at pinalago pa nila ang negosyo nila.
Frivaldo at Jorge: Salamat Jericho! Salamat rin Marian!
Jericho: Walang ano man, hali na kayo para kumain.
Marian: Ito ooh! Masarap to
Narrator: Nakaahon na rin sina Ferry lou at Adong sa kahirapan at nakatakas na rin si Adong sa mabangis na lungsod at
naging batang masayahin narin si Nemo. At dito nagtatapos ang storya ng mga uri ng kahirapan. Salamat po!

Props Needed
1. 2 necklace
2. Laruang baril
3. Six set 10 pesos Bam-Bam- to be prepared before scene 12 / before the play
4. Higaang bato
5. Banig para sa mga batang kalsada
6. 2 baby doll, 1 boy 1 girl
7. Hihiram na lang po tayo ng table
8. Background ng ospital, 2 kalsada, Loob ng bahay (pammahirap),at bahay ampunan kailangan na kita ang
pintuan, Banko, Simbahan, paaralan.
9. Sa Classroom na lang po kukunin ang mga chairs
10. Play money lang po kung gusto o totoong money dapat malaki ang halaga
11. Baraha
12. Can
13. Ketchup
14. Background ng ating Play
15. 4 na Batang papel
16.

Theme songs
1. Pangako by Regine Velasquez
2. Minsan Lang Kita Iibigin by Juris Fernandez
3. Kailangan Ko’y Ikaw by Regine Velasquez
4. Kailangan kita by Jovit Baldivino
5.

You might also like