Professional Documents
Culture Documents
Esp 9 Q4 Week 12
Esp 9 Q4 Week 12
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
1. TALINO O TALENTO
Ang talino o talento ay tumutukoy sa dunong o talas ng pag-iisip ng tao. Ito ay isang pambihirang
biyaya at likas na kakayahan na kailangang tuklasin. Ito ay mahusay na gamiting batayan sa pagpili ng
tamang track o kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos
ng Junior High School (Baitang 10).
Balikan natin ang mga talino o talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983):
1. Visual-Spatial. Ang taong may ganitong talino ay mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at
pag-aayos ng mga ideya. Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at iba pa.
2. Verbal-Linguistic. Ang taong nabibilang dito ay may talino sa pagbigkas, pagsulat, pagmemorya ng
mga salita at petsa. Ang larangan na nababagay sa talinong ito ay abogasya, pamamahayag,
politika at pagtuturo.
4. Bodily-Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino ay mahusay sa mga pisikal na aktibidad. Magaling
ang kaniyang pagkontrol sa paggalaw ng katawan at may kakayahan upang mahawakan ang mga
bagay nang may kasanayan. Ang larangang may kaugnayan dito ay ang pagsasayaw, isports,
konstruksyon at pagsusundalo.
5. Musical-Rhythmic. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo,
mga tunog, melodiya at musika. Ang halimbawa nito ay musician, kompositor o disk jockey.
6. Intrapersonal. Ang taong may ganitong talino ay may pag-unawa sa kanyang sariling damdamin,
motibasyon at layunin. Mataas ang kaniyang kamalayan sa sariling kalakasan at kahinaan. Ang
larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher, manunulat ng mga nobela o negosyante.
1
8. Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagmanipula ng mga elemento ng kapaligiran,
bagay, hayop o halaman. Sa ganitong uri ng katalinuhan, nakikilala ang pagkakaiba sa pagitan ng
mga species, grupo ng mga tao o mga bagay at naiintindihan kung paano nauugnay ang bawat isa.
Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging environmentalist, magsasaka, botanist,
chef.
9. Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano
ang papel na gagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa
lipunan?” Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay masaya sa pagiging philosopher o
theorist.
2. KASANAYAN (SKILLS)
Ang mga kasanayan o skills ay tumutukoy sa mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito
ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).
1. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) – magiliw makitungo sa kapwa, nanghihikayat sa
iba na kumilos at makilahok sa mga gawain, naglilingkod at nakikipagtulungan.
2. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) – epektibo sa paggamit at pag-iingat ng mga dokumento, datos,
bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at ino-organisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa
mga trabahong inatang sa kanya, nagsusuri ng mga resulta at gumagawa ng presentasyon ukol dito.
3. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) – nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga
makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong
mga functions.
4. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay
at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
3. HILIG
Ito ay tumutukoy sa mga paborito mong gawain na nagpapasaya sa iyo kaya halos hindi ka
nakararamdam ng pagod o pagkabagot.
Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/ Careers/ Work environments, ito
ay ang mga sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising at Conventional (RIASEC).
- ang mga trabahong may mataas na interes dito ay mathematician/statistician, economist, physician,
nakatuon sa mga gawaing pang-agham at matematika botanist, anthropologist, astronomer, veterinarian,
INVESTIGATIVE at ang kanilang katangian ay mapanuri, malalim at biologist, analyst, pharmacist, oceanographer,
(Thinkers)
task-oriented geologist, meteorologist
- ang mga taong may mataas na interes dito ay journalist-reporter, art and dancing –teacher,
mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang photographer, composer, musician, advertising
imahinasyon at may malawak na isipan, nais nila ang manager, entertainer, public relations person,
ARTISTIC (Creators) mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, fashion model, writer, actor/actress, designer,
pag-arte, pagsulat at iba pa decorator, architect, artist,.
-ang mga nasa ganitong grupo ay palakaibigan, social worker, health professionals (medicine,
madalas na mas interesado sila sa mga talakayan ng nursing, etc.), food service manager, health and
mga problema o sitwasyon ng kapwa kung saan welfare coordinator, historian, business agent,
SOCIAL mabibigyan sila ng pagkakataong magbigay ng therapist, political scientist, sociologist, teacher,
(Helpers)
impormasyon, magturo, magsalita, manggamot, minister, librarian, foreign service officer
tumulong at mag-asikaso
- likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging banker, real state appraiser, contractor, lawyer,
mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba at nais judge, tv/radio announcer, government official,
ENTERPRISING nilang magtrabaho kasama ang kapwa, sila ay madalas insurance manager, salesperson, human resource
(Persuaders) na masigla, nangunguna at may pagkukusa recruiter
- ang mga taong may mataas na interes dito ay accountant, timekeeper, machine operator, office
matiyaga, mapanagutan at mahinahon, nais nila ang clerk, , reservations agent, bookkeeper, cashier,
CONVENTIONAL mga gawaing klerikal at masaya sila sa mga gawaing secretary, library assistant, data processing
(Organizers) tiyak, may sistemang sinusunod, maayos at detalyado worker, mail clerk, proofreader at iba pa.
ang mga datos at organisado ang record.
Gayola, Sheryll T. et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015. Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon
2
4. PAGPAPAHALAGA
Ang pagpapahalaga (values) ay nagmula sa salitang Latin na valere na nangangahulugang
pagiging makabuluhan o may saysay. Ang itinuturing ng tao na makabuluhan para sa kaniya ang siyang
nagtutulak sa tao para magsikap, magpursigi at magpatuloy sa kabila ng iba’t-ibang problema o
pagsubok na humahadlang sa tao upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay.
5. MITHIIN
Ito ay tumutukoy sa iyong mga naisin at hangarin sa buhay. Ang mithiin ng tao ay hindi dapat
nasesentro sa pagkakaroon ng salapi, kasikatan, dunong, kagandahan at mga materiyal na bagay
lamang, kailangan ay isipin rin ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga dukha, pag-iingat sa
kapaligiran, pagsuporta sa mga makabuluhang proyekto ng pamahalaan, pagkilala at pasasalamat sa
Diyos na siyang lumikha ng lahat. Kung ngayon pa lamang sa iyong murang edad ay batid mo na kung
ano ang iyong personal na misyon sa buhay, magkakaroon ka ng malinaw na direksiyon sa landas na
iyong tatahakin. Ito ang magsisilbi mong gabay at paalala sa iyo upang iwasan ang anumang magiging
sagabal sa iyong mga pangarap sa buhay gaya ng impluwensiya ng masamang barkada, bisyo,
maagang pag-aasawa, mga masasamang gawain, pagsuway sa mabubuting payo ng pamilya,
paglaban sa pamahalaan at paglimot sa Diyos.
GAWAIN 1.
Panuto: Punan ang tsart ng mga katangiang taglay mo at kung ano ang kurso at trabaho na angkop sa
iyo. Gawing gabay ang nakasulat na halimbawa.
Angkop na
Multiple Skill / Hilig Track at
Pagpapahalaga Mithiin Trabaho
Intelligence Kasanayan RIASEC Strand sa
SHS
Halimbawa: Kasanayan (Social) Pagtulong sa Maging Academic Doktor
sa mga Interesado sa kapwa mahusay na Track / STEM
Logical/ ideya at panggagamot Pagmamalasakit doktor na
Mathematical solusyon at pagtugon sa sa dukha handang
intelligence mga suliranin kumalinga
ng kapwa sa mga
mahihirap
Ikaw naman:
1. Ano ang iyong natuklasan tungkol sa iyong sarili matapos sagutan ang tsart? Masaya ka ba
sa kinalabasan nito? Bakit?
2. Mayroon bang gumugulo sa iyong isipan kaya nahihirapan kang magdesisyon o pumili ng
kurso? Kung mayroon, ano kaya ito? Ano sa palagay mo ang mabisang solusyon dito?
3. Hindi raw kasalanan ng tao na ipanganak siyang mahirap subalit kapag namatay siyang
mahirap ay kasalanan na raw niya ito. Sang-ayon ka ba dito? Kung hindi, ipaliwanag. Kung
oo, ano ang dapat mong gawin upang hindi mangyari sa buhay mo ang kasabihang ito?
3
GAWAIN 2.
PANUTO: Basahin at unawain ang deskripsiyon sa HANAY A at itugma ito sa mga salitang nasa HANAY B.
HANAY A HANAY B
Pamprosesong Katanungan
1. Ano ang posibleng maging problema kapag ang kinuha mong kurso ay yung kurso na gustong-gusto
sana kuhain ng magulang mo o ng taong magpapa-aral sa iyo noong kabataan nila pero nabigo sila
kaya sa iyo na lang ipinapakuha?
2. Anong mga pag-aaksaya o pagsasayang ang mangyayari kapag nakisunod ka lang sa uso o gumaya
ka lang sa kurso ng barkada mo?
3. Ano ang kabutihang maidudulot sa iyo at sa iyong pamilya kapag ang iyong piniling kurso ay naaayon
sa iyong talino, hilig, kakayahan, pagpapahalaga at mithiin sa buhay?
4. Kapag tugma ang pansariling salik sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at
isports o negosyo ay magiging makabuluhan ang paghahanapbuhay. Sang-ayon ka ba dito? Bakit?
5. Ang taong may makabuluhang hanapbuhay o negosyo ay produktibo at kapaki-pakinabang. Ano
ang dapat mong gawin upang ikaw ay maging produktibo rin at makabahagi sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa?
GAWAIN 3.
PANUTO: Pag-aralan ang halimbawa na nakasulat sa graphic organizer na hugis tao. Isulat ang iyong
pangalan at ang angkop na kurso para sa iyo sa Senior High School. Ilagay din ang mga paghahandang
dapat mong gawin upang higit na maunawaan at tuluyang makamit ang minimithi mong kurso.
Pangalan
Kurso sa
.
SHS
Hal. ABM
___________
3. 4.
4
Sagutin ang sumusunod na tanong:
PAGNINILAY
PANUTO: Iguhit sa papel at kulayan ang isang larawan na tumutukoy sa pangarap mong
trabaho (10 puntos). Sa likod ng papel, kopyahin ang nakasulat sa ibaba at punan ang patlang
upang mabuo ang saknong.
SANGGUNIAN:
Aklat
Gayola, S.T et. al (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa mag-aaral
Mula sa internet
Mga Ilustrasyon (Free Images), shutterstock
SDO, Self-Learning Module (SLM), 2020. Module 12, Quarter 4 -Week 1&2