Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 83

KASAYSAYAN

NG WIKANG
PAMBANSA
Mga Wika sa Pilipinas
Ayon sa pag-aaral ni Mc Farland
(2004),may lagpas isang daang
magkaibang wika ang Pilipinas
samantalang sa tala ni
Nolasco(2008)ay may humigit-
kumulang 170 iba’t ibang wika sa
iba’t ibang pulo sa Pilipinas.Ayon
din kay Nolasco,batay sa dami ng
taal na tagapagsalita ay:
➢Tagalog (21.5 milyon)
➢Cebuano (18.5 milyon)
➢Ilokano (7.7 milyon)
➢Hiligaynon (6.9 milyon)
➢Bicol (4.5 milyon)
➢Waray (3.1 milyon)
➢Kapampangan (2.3 milyon)
➢Pangasinan (1.5 milyon)
➢Kinaray-a (3.1 milyon)
➢Tausug (1 milyon)
➢Maranao (1 milyon)
➢Maguindanao (1 milyon)
Panahon ng Katutubo

• Unang nandayuhan dito ay ang mga


Negrito
Na nagsidaan sa tulayang-lupa na nag-
uugnay noon sa timog-silangang Asia sa
Pilipinas, sa mga pulo sa timog at timog –
kanlurang bahagi ng bansa.
• Nang matunaw na ang mga bundok na
yelong tumatakip sa hilagang hemisper
lumabas ang karagatan at napahiwalay
na ang Plipinas.
• Tatlong katutubong lahi ang mga Negrito:
a. Tunay na Negrito,
b. Australoid-Sakai (taga –Australia at Aino
ng Hilagang Hapon)
c. Proto –Malayo (tipong Mongoloid)
Ang tipong Proto- Malayo ang nakapag-
asawahan at siyang lumaganap sa bayan
lalo sa Luzon at Mindanao.
Ang mga tunay na Negrito’y
nahihirapang manirahan sa labas ng
kinamihasnan nilang kabundukan.
Nanirahan sila sa kabundukan at
kagubatan ng Bataan at Zambales at
sa silangang bundukin ng dakong
hilaga ng Luzon mula sa Cabo
Engano hanggang Baler.
May mga naninirahan din sa Rizal ,
Bulacan, Pampanga, Tarlac, Laguna
atb
• Pangkat-pangkat sila kaya iba-iba ang
tawag sa kanila:
• tulad ng Aburlon (Zambales), Ita (Bulacan,
Bataan, Tarlac),
• Agtas (Isabela),Dumagat Hilagang Luzon)
atb.
Alinsunod kay Otley Bayer, na binaggit
sa sensus noong 1918, tatagal lamang
ang mga ito habang may kabundukan at
darating ang panahong makakatulad din
sila ng mga nawalang lahi sa daigdig.
• Indones
• Sila ay buhat sa Kaloobang Asia . Sa
kahilagaang Luzon sila ang mga Ibanag,
Kalingga at Apayaw.
• Ang mga Iloggot at Tinggian ay may bahid
ding Indones. SaKabisayaan naman , ang
mga ito nanirahan sa burol ng Panay,
Negros, Samar at Timog Mindoro; at mga
Tagbanua sa Plawan.
• Sa Silangangan, kalaginaan at kanlurang
Mindanao ang mga elemento ng Indones
ay makikilala sa mga taga-Bukidnon,
Mandaya, Manobo, Bagobo. Tagakaolo,
Bila-an, Tiruray at Subanon.
• Higit ang Kabihasnan ng mga ito kaysa
sa mga Negrito.
• Malayo ang pinakahuling nandayuhan sa
Pilipinas.
• Pinaniniwalaang ang lahing ito’y nagbuhat sa
timog-silangang bahagi ng lupalop ng Asia at
lumaganap sa tangway ng Malaysia at
kalapit na isla sa timog na siyang kilala
ngayon sa katawagang Pilipinas.
• Sa mga Malayong nagsidating dito,
maraming nananatiling pagano na
matatagpuan sa kaloob-loobang Hilagang
Luzon at isala ng Mindanao.
• Ang ibang mga Momedano o naniniwala
kay Allah, naninirahan sa kapuluan ng
Suu, sa dakong timog ng Palawan at sa
mga lalawigan ng Zamboanga, Cotabto at
Lanao.

• Mahihinuhang may iba’t ibang


paniniwalang panrelihiyon at patakarang
pangkabuhayan ang bawat isa.
• Dahilan ito ng hindi pagkakaroon ng iisng
wika bagamat masasabing nagbuhat sa
iisang pamilya ng wika ang kani-kanilang
wika’t wikain- ang pamilya ng Malayo-
Polinesyo.
• Nabanggit na sa dakong unahan ang sinabi
nina Chirino at Colin tungkol sa
pagkakatulad ng mga wika’t wikain dito sa
Pilipinas.
• Sinabi ni Chirino ang kanyang puna
tungkol sa wikang Tagalog na siyang
maaaring gamitin sa pakikipagtalastasan
noong panahong iyon.
• Natagpuan ko rito ang apat na katangian ng apat
na dakilang wika sa daigdig: ang Ebreo, Griyego,
Latin at Kastila. Nag-aangkin ito ng lalim at hirap
ng Ebreo; ang malilinaw na katawagan ng griyego
hindi lamang sa mga pangngalang pambalana,
kundi higit sa pangngalang pantangi; mga
kaganapn at kariktan ng Latin; at pitagan at
paggalang ng Kastila
Noong panahong ito, ang nanaig na
sistema ng pamahalan ay ang
pagpapangkat-pangkat(tribalismo), kung
saan ang bawat tribo o baranggay ay may
kani-kaniyang pinuno o datu at may
sariling patakarang sinusunod..
• Bagamat ang bawat tribu’y may komong
paraan ng komunikasyon o wika sa isang
partikular na lugar, ang katapatan ng
bawat mamamayan o nasasakaupan ay
limitado sa loob ng tribu.
• Ang ganitong sitwasyon ay lumala sa mga
sumusunod na taon hanggang sa
kasalukuyan dahil sa komplikasyong dulot
ng mga tagakanluran sa ating bansa.
• Ang malinaw, pinatunayan ng dumating na
mga Kastila na marunong sumulat at
bumasa ang mga katutubo’t may sinunod
silang pamamaraan ng pagsulat na
tinatawag na Alibata na kahawig ng sulat-
Arabico.
• Maaaring may pagkakaiba ng kaunti ang
pamamaraan ng pagsulat dahil rin sa
istilo ng bawat rehiyon.
• May mga ebidensyang nakasulat sa
biyaas ng kawayang matatagpuan sa
Museo ng Aklat- ang Pambansa at
Unibersidad ng Sant Tomas. Ang malaking
bahagi ng kanilang nagawa noo’y hindi
maaaring makipagtagalan sa panahon.
(Sa ngayon, makakakita pa ng nabanggit
na anyo ng panulat samga likhang-sining
ng mga Mangyan na nasa biyas ng
kawayan.)
Wikang Pinaunlad ng mga Prayle

• Ang pananakop sa pamamagitan ng


paghihiwa-hiwalay at pagbubukud-bukod
sa mga Pilipino ay isinakatuparan ng mga
prayle sa pamamagitan ng pag-aaral nila
ng wikang katutubo sa halip na ituro ang
wikang Kastila.
• Ang pag-aaral na ito’y isinagawa nila sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga
gramatika’t diksyunaryo ng mga wikang
katutubo.
• Ang pag-aaral na ito’y isinasagawa nila sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga
gramatika’t dikasyunaryo ng mga wikang
katutubo.
• Noon pa mang dekada 1580, may naisulat
nang bokabularyo sa wikang Cebuano.
• Marahil ang karangalan ng unang
pagkakasulat ng tungkol sa wikang
Tagalog ay utang sa prayleng si Agustin
Albuquerque na
• Dumating sa Maynila noong 1571 buhat
sa Mexico.
• Namalagi siya ng tatlong taon sa Balayan
at sa iba pang lugar sa Batangas. Lamang
ay hindi naipalimbag ang kanyang akda at
sinasalungat ng mga Franciscano ang
pagkakasulat na ito.
• Inangkin nila ang karangalang unang
nakasulat sa wikang Tagalog. Si Pare
Juan de Placencia, isang Franciscano ang
binigyan nila ng karangalang unang
nakasulat nang ito’makapagpalabas ng
Arte y Diccionario de Tagala noong 1581.
• Ipinaliwanag ni Phelan(1955) kung bakit
wikang katutubo ang ginamit ng mga
Kastila. Ayon sa kanya:
• “Ang karanasan ng mga Kastila sa Lupalop ng
Amerika ang nagturo sa kanila na upang madaling
tanggapin ang ng mga katutubo ang kanilang
relihiyon, kailangang gamitin ang sarili nilang
wika.”
Ang dahilang ito ang naging pundasyon
ng pamahalaang Kastila tungo sa
isang patakarang pangwika para sa
Pilipinas.
• Ganito ang naging utos ng hari sa
Arsobispo noong ika-14 ng Nobyembre,
1603(Blair&Robertson 20:250-10)
• “…batay sa mga tuntunin at ordinansa , hindi niya
dapat payagan o tanggapin ang sinumang
relihiyoso sa misyon na namamahala sa mga
orden na isagawa ang tungkulin ng isang pari o
kura hanggat… hindi nito alam ang wika ng mga
Indiyong kanyang tuturuan…”
• Bagamat may pagkakasalungatan ang
mga kautusan ng pamahalaan ng Espana
tungkol sa wikang gagamitin sa pagtuturo
ng relihiyon sa paaralan, gaya ng
kautusan noong 1550 na nagsasaad ng
“kung posible, dapat magtatag ng mga
paaralan para sa pagtuturo ng wikang
Kastila sa mga Indiyo”
(Blair&Robertson,9:256) upang
mabawasan ang kamalian ng mga ito o
mawala nang
• tuluyan dahil sa kanilang pagsamba sa
mga idolo, sa dating bisyo at pamahiin,
ipinagpatuloy ng mga prayle ang pag-
aaral ng mga wika sa Pilipinas at
isinagawa nila ang pagsulat ng mga
materyales para sa wikang natutuhan
nila. Maaaring hanguin sa akda ni
Frie(1959:16-19) ang dahilan ng mga
prayle:
1.Gusto ng mga prayle ang pag-aaral ng
mga wika sa Pilipinas at isinagawa nila
ang pagsulat ng mga materyales para sa
wikang natutuhan nila. Maaaring hanguin
sa akda ni
Frei(1959:16-19) ang dahilan ng mga
prayle:
1. Gusto ng mga prayle na manatili sa
kanila ang pamahalaan.
Ang mga prayle ang ang mga inspektor at
superbisor ng mga paaralan sapagkat sila
ang nakaaalam ng wika ng mga katutubo.
2.Dahil sa lumalakas ang kilusang liberal sa
Espana, nasuri ng mga Prayle na hindi
na makabubuti para sa knila kung hindi
matuto ng wikang Kastila ang mga
Pilipino at hindi makapagpapahayag ang
mga ito sa pamahalaan..
• Kaya anumang mga liberal na kaisipang
nais paratingin ng pamahalaan sa
mamamayan ay kanilang napipigilan
• 3. Ang kaalaman sa wikang Kastila ay
mahihikayat ng pag-aalsa sa panig ng
mamamayan sapagkat mauunawaan nila
ang mga batas ng pamahalaan.
• 4. Malakas ang paniniwala ng mga prayle
sa kanilang sariling lahi, na sila’y superyor
sa mga Pilipino kung kayat kapag natuto
ang mga Pilipino ng wikang Kastila ay
mapapantayan na sil ng mga ito. Iyon ang
hindi nila matanggap. Kaya bilang
pagsasakatuparan sa kanilang layunin,
sila ang nag-aral ng wika ng mga
katutubo.
• Sumulat sila ng mga gramatika at
bokabularyo, nagsalin sila ng mga
akdang panrelihiyon na siyang
ginamit sa nobena, katesismo at
iba pa.
Unang Hakbang Tungo sa
Pagtataguyod ng Tagalog
• Namulat ang mga mamamayan
sa kaapihang kanilang dinanas, at
dito nagkaroon ng kilusang
Propagandista noong 1872 na
siyang naging panimula ng
pagkapukaw pa ng iba upang
maghimagsik.
• Sumilang ang Katipunan na itinatag ni
Bonifacio. Ginamit ang wikang Tagalog sa
kanilang mga kautusan at pahayagan.
• Naging mabisa ang wikang ito sa
pamamahayag ng mga Katipunero.
• Ang masasabing unang
kongkretong pagkilos ng mga
Pilipino na ginawa noon ay
naging pagtibayin ang
Konstitusyon ng Biak-na-Bato,
noong 1899. Tagalog ang
ginawang opisyal na wika
bagamat walang isinasaad na
magiging wikang pambansa ito ng
Republika.
• Sa unang pagkakatatag ng Unang
Republika sa pamumuno ni Aguinaldo
nawala ang impluwensya ni Mabini sa
pagpapatibay ng Tagalog bilang opisyal na
wika sapagkat nasaad sa Konstitusyon na
ang paggamit ng wika ay opsyunal at
doon lamang sa nauukol sa mga gawaing
nangangailangan nito.
• Masasabing ang dahilan nito’y ang
pamamayani ng mga Ilustrado sa
Asembleang Konstitusyunal. Pangkat ito
nina Buencamino.
• Isa pa, nais din ni Aguinaldo na maakit
ang mga di-Tagalog. Sa gayo’y naging
biktima ng pulitika ang wika. Nakaalpas na
sana ito noong panahon ng himagsikan,
muli na naman itong napailalim sa wikang
dayuhan.
Panahon ng Amerikano

• Nabago ang sitwasyong pangwika sa


Pilipinas.
• Nadagdag ang wikang Ingles ng bilang
isang banyagang wika na nagkaroon ng
malaking kaugnayan sa buhay ng mga
Pilipino. Ang interes sa wikang Ingles
bilang isang banyagang wika na
nagkaroon ng malaking kaugnayan sa
buhay ng mga Pilipino.
Konstitusyonal na Batayan ng
Pambansang Wika

Ayon sa Saligang Batas ng 1987,


Artikulo XIV, Filipino ang opisyal na tawag
sa Pambansang Wika ng Pilipinas,
Isinasaad sa mga sumusunod na Seksyon
ang hinggil dito
Seksyon 6. Ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito’y dapat payabungin at
pagyamanin sa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-
ayon sa nararapat na maaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang Pamahalaan upang ibando at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong


na mga wikang panturo. Dapat itaguyod nang
kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay
dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso
ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik
para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Ang Pagsusulong ng Wikang Filipino

Itinadhana sa Salitang Batas ng 1935


na magsagawa ng mga hakbangin ng
Pambansang Asembleya para sa
pagpapaunlad at pagtatalaga ng isang
pambansang wika batay sa isa sa umiiral
na katutubong wika.
Bilang pagsunod sa tadhanang ito ng
Saligang Batas, isinabatas ng Pambansang
Asembleya ang Commonwealth Act Bilang
184 na nagtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa. Ang mga unang bumuo ng lupon
ng Surian ng Wikang Pambansa na Itinalaga
ng Pangulong Quezon ay Sina:
Jaime C. De Veyra (Samar), Direktor
Cecilio Lopez (Tagalog) Kalihim at Punong
Tagapagpaganap
Mga Kagawad
Santiago A. Fonacier (Ilokano)
Filemon Sotto (Cebuano)
Felix R. Salas Rodriguez (Hiligaynon)
Casimiro F. Perfecto (Bikolano)
Hadji Butu (Muslim)
Dalawa sa mga kagawad ang hindi
nakaganap sa kanilang tungkulin: yumao
agad si Hadji Butu at tumanggi naman si
Filemon Sotto dahil sa kanyang
kapansanan.
Hinirang ang karagdagang mga kagawad sina:
Lope K. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinense)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Cebuano)
Nagsagawa ang Surian ng masusing
pag-aaral sa mga wika ng Pilipinas. Sa
pagpili ng naging batayan ng wikang
pambansa, isinaalang-alang ang
sumusunod na batayan:
• Ginagamit ng mayorya ng mamamayang
Pilipino, lalo na sa Maynila na sentro ng
kalakala, industriya at pulitika;
• Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang
panitikang Filipino; at
• Wikang may pinakamaunlad na balangkas at
mayamang mekanismo at madaling matutuhan
ng mga mamamayang Pilipino.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari

1897 Saligang Batas ng Biak-na- Tagalog bilang Opisyal na


Bato Wika ng mga Pilipino

1901 Batas 74 ng Phil. Commission Ingles bilang wikang panturo


sa mga paaralan

Panukalang Batas 577 na Gamitin ang katutubong


1931 nilagdaan ng Kalihim ng wika bilang panturo sa mga
Public Instruction paaralang primarya simula
SY 1932-1933

Art. 9 Sek. 3 ng 1935 Pagpapatibay at


1935 Konstitusyon pagpapaunlad ng isang
wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga
umiiral na wika
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
Nob. 13, 1936 Batas Komonwelt Blg. 184 Pagtatatag ng Surian ng
Wikang Pambansa
Seksyon, Batas Komonwelt Hinirang ni Pang. Quezon
Enero 12, 1937 bilang 184 sa susog ng ang kapulungang bubuo ng
Batas Komonwelt 333 Surian
Resolusyon ng Surian ng Tagalog ang siyang
Nob. 9, 1937 Wikang Pambansa gagawing saligan ng wikang
pambansa
Ipinatupad ni Pang. Quezon
Dis. 30, 1937 Kautusang ang paggamit ng Tagalog
Tagapagpaganap Blg. 134 bilang batayan ng wikang
pambansa
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
Pagpapalimbag ng
Diksyunaryong Tagalog-
Kautusang Ingles at Balarila ng
Abril 1, 1940 Tagapagpaganap Blg. 263 Wikang Pambansa para
magamit sa mga paaralan
sa buong kapulungan

Kautusang Sinimulang ituro ang


Pangkagawaran na Wikang Pambansa mga
1940 nilagdaan ni Jorge paaralang pampubliko at
Bacobo, Kalihim ng pribado noong Hunyo 19,
Pagtuturong Pambayan 1940
Irukular Blg. 26 na Pagtuturo ng kursong
nilagdaan ni Celedonio Pilipino sa lahat ng
1940 Salvadort, Direktor ng ikaapat at ikalawang antas
Edukasyon ng mataas na paaralan ng
Normal ng Pilipinas
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
1940 Nag-uutos na ang lahat ng
pahayagang pampaaralan
Bulitin Blg. 26 ay dapat magkaroon ng
isang pitak sa Wikang
Pambansa
Inihayag na ang Wikang
Hulyo 4, 1946 Batas Komonwelt Blg. 570 Pambansa ay isa nang
wikang opisyal sa Pilipinas
Pagdiriwang ng Linggo ng
Proklamasyon Blg. 12 ni Wika mula sa Marso 29
Mar. 26, 1954 Pang. Ramon Magsaysay hanggang 4 bilang
pagbibigay kahalagahan sa
kaarawan ni Balagtas
Set. 23, 1955 Proklamasyon Blg. 186 (Agosto 19)
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
Nirebisa ang pagsasalin sa
Peb. 1956 Filipino ng Panatang
Makabayan at ipinagamit ito
sa mga paaralan
Sirkular 21 na nilagdaan ng Itinuro at inawit ang
Peb. 1956 Direktor ng Paaralng Bayan, Pambansang Awit sa mga
Gregorio Hernandez, Jr. paaralan
Agosto 13, 1959 Kautusang Ang Wikang Pambansa ay
Pangkagawarang Blg. 7 tatawaging Pilipino
Kautusang Pangkagawaran Pagsasa-Pilipino ng mga
Nob. 1962 na nilagdaan ni Pang. sertipiko at diploma ng mga
Diosdado Macapagal paaralan
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
KautusangTagapagpaganap Pagsasa-Pilipino ng mga
Okt. 24, 1967 Blg. 96 na nilagdaan ni pangalan ng gusali, edipisyo
Pang. Marcos at tanggapan ng
pamahalaan
Memorandum Sirkular Blg. Pagamit ng Wikang Pilipino
96 na nilagdaan ni Rafael sa mga opisyal
Mar. 27, 1968 Salas, Kalihim komunikasyon sa mga
Tagapagpaganap transaksyong
pampamahalaan
Nag-uutos sa mga pinuno at
kawani ng pamahalaan na
Memo Sirkular Blg. 227, dumalo sa mga seminar na
Agosto 7, 1969 nilagdaan ni Ernesto idaraos kaugnay ng Exec.
Maceda, Kalihim ng Order 187 (Samaaralan
Edukasyon Pilipino na idaraos ng
Surian ng Wikang
Pambansa)
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
Pagsasama o inclusion sa
Memo Sirkular Blg. 384 na mga korporasyong ari o
Agosto 17, 1970 nilagdaan ni Alejandro kontrolado ng pamahalaan
Melchor, Kalihim (GOCC’s) sa pagsasa-
Tagapagpaganap Pilipino ng kanilang
komunikasyon
Paggamit ng Wikang
Resolusyon Blg. 70 ng Paqmbansa bilang wikang
Bago o pagkatapos ng Peb. Kilusang Pilipino ng panturo sa lahat ng
25, 1970 Pambansang Lupon sa paaralang elementarya
Edukasyon
Paggamit ng Wikang
Pambansa bilang wikang
panturo sa mga kusong
Rizal at Phil. History sa
lahat ng kolehiyo at
unibersidad, pampubliko
man o pribado
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
Kautusan Blg. 304 ni PAGSASARILI O autonomy
Mar. 16, 1971 Pangulong Marcos ng Surian ng Wikang
Pambansa
Pagdaraos ng palatuntunan
Hulyo 29, 1971 Memo Sirkular Blg. 488 sa pagdiriwang ng Linggo
ng Wika sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan
Ipinalimbag ang Saligang
Kautusan Panlahat Blg. 17 Batas sa Wikang Pilipino at
Dis. 1, 1972 ni Pang. Marcos Ingles bago idaos ang
plebisito sa ratipikasyon nito
noong Enero 15, 1973
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
Tinanggap ang pagsang-
ayon ng Kalihim ng
Katarungan, Vicente Abad
Santos, hinggil sa pagiging
opisyal ng Pilipino bilang
Mayo 1973 Wikang Pambansa sa
Bagong Konstitusyon,
gayundin ang pagiging
asignatura sa pag aaral at
midyum ng pagtuturo sa
lahat ng antas ng paaralan
1973 Resolusyon Blg. 73-7 ng Pagluwal ng bilinggwalismo
Pambansang Lupon ng o Patakarang Bilingwal sa
Edukasyon Edukasyong Pilipino
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari
Nag-uutos ng pagkakaroon
ng 6 na yunit ng Filipino sa
lahat ng kurso sa tersyarya
Kautusang Pangministri Blg. at 12 yunit sa kursong
Hulyo 21, 1978 22 na nilagdaan ni Juan L. pang-edukasyon. Nabanggit
Manuel, MECS din sa kautusan ito na ang
Filipino ay gagamiting
wikang panturo sa ilan sa
mga pandalubhasang aralin
sa pagpasok ng taong-
aralan 1982-83
Sa kabuuan ng kautusang
Kautusang Pangministri Blg. ito, simula sa SY 1980-81,
Hulyo 21, 1978 22 na nilagdaan ni Juan L. lahat ng magsisipagtapos
Manuel, MECS sa kolehiyo ay dapat
nakakuha ng 6 na yunit sa
Filipino
Petsa/Taon Batayang Dokumento Pangyayari

1987 Art. 14, Sek. 6 ng Pagtitiyak na tadhana


panukalang Saligang Batas tungkol sa paggamit ng
Wikang Pambansa

Sanggunian:
Rubin, Ligaya T. et al. Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng
Pilipinas.Rex BookStore,Manila Phils. 2005.

Austero, Cecilia S. et.al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rajah


Publishing House.Sta.Mesa Manila. 2012.
Gawain 1:Bumuo ng timeline ng
pag-unlad ng wika. Pumili ng isa
sa mga graphic organizer sa
ibaba.
1.Ladder chart
2.House chart
3.Plant chart
4.Fish boned chart
5.Fan chart
Gawain 2:Ilahad ang
impluwensya mula sa Iba’t
ibang panahon ng Wika at
Kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng picture
mapping (collage)

You might also like