Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

Most Essential Learning Compentency: Nakapagsusuri ng kwento ng buhay ng mga taong inilaan
ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo. (hal. Efren Penaflorida,
greenpeace volunteers atbp. (EsP9TTIIg-8.2)

Layunin
Sa pagkatapos ng Leksyon, ang ga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagsusuri ng pagkakatulad at pagkakaiba ng Pakikilahok at Bolunterismo.
2. Nakakagawa ng iba’t ibang paraan na humihikayat sa mga tao na nangangailangan pa ng mga volunteers para
makatulong sa problema ng munisipalidad tungkol sa covid 19 pandemic
3. Nakakalahok sa isang proyekto o Gawain sa Barangay o mga sector na may particular na pangangailangan.

I. Paksang Aralin

Topic: MODYUL 8. PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO.

Sangunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Module 8


Kagamitan: Modyul, Learning Activity Sheets at Papel

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang mga Gawain


a. Pagdarasal
Sasabihin ng guro, “Magsitayo at Ang mga mag-aaral ay tatayo at manalangin
manalangin”
b. Pag che-check ng attendance
“sabihing present kung matatawag ang Present Sir….
iyong pangalan”.
c. Pagpapaaalala sa mga alintuntunin
“Magpapaalala ako na ilabas ang
respito palagi at kung may isasagot o
katanungan kayo itaas lang ang kamay
at tumayo
Naiitindihan ba?
B. Pagganyak

Case Study:
Isang araw nagbigay ng pangkatang Gawain si
teacher Ester sa kanyang mag-aaral na magsagawa
ng paglilinis sa pamayanan. Ito ay may kaugnayan
sa kanilang aralin tungkol sa kalikasan.

Teacher Ester: Kayo ay magsasagawa ng paglilinis


sa pamayanan.
Mia: Wow! Excited na ako gusto ko makatulong
para sa kalinisan ng paligid.
Lyla: Ako rin! Kailangan ko itong gawin para
tumaas ang marka ko.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Magkaparihu ba ang pagtugon ng


dalawang mag-aaral? Ipaliwanag. Inaasahang ang iba’t ibang sagot ng mga mag- aaral.
2. Saan nag nagkaiba ng pananaw ang
dalawa?
3. Kung ikaw ang sa nasa sitwasyon, ano ang
magiging reaksyo mo? Bakit
C. Paglinang na Gawain

a. Paglalahad

Video Presentation: (Based on true story) Inaasahang sagot:

Gabay na mga tanong sa pagtatalakay ng Video. 1. Efren Penaflorida


1. Sino ang bida sa napanuod mong video? 2. Karanasan ni Efren kasama ng kanyang ina na nag udyok
2. Anong karanasan ang nakaimpluwensiya sa sa kanya na magbago.
kanya na nagudyok upang tumulong sa 3. Bolunterismo
kapuwa? 4. Iba iba ang sagot
3. Ano ang tawag sa ginagawang tulong ni
Efren?
4. Mayroon kabang ginawa katulad ng
ginawa ni Efren Penaflorida? Ano Ito?

b. Pagtatalakay
Pakikilahok
Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang
isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay
nagbibigay sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa
lipunan na kung saan ang bawat
nakikilahok ay dapat tumupad sa kanyang
tungkulin para sa kabutihang panlahat. Ang
obligasyon na ito ay likas dahil sa taglay na
dignidad ng tao.
Kahalagahan ng Pakikilahok
Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung
kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan. Mula
dito makakamit ang kabutihang panlahat. Ang
pakikilahok ay mahalaga sapagkat: 1.
Maisasakatuparan ang isang gawain na
makatutulong upang matugunan
ang pangangailangan ng lipunan.
2. Magagampanan ang mga gawain o isang
proyekto na mayroong
pagtutulungan.
3. Maibabahagi ang sariling kakayahan na
makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
Antas ng Pakikilahok
1. Impormasyon - mahalagang magbahagi ng
nalalaman.
2. Konsultasyon - hindi lang ideya o opinyon mo
ang mahalaga; matutong
makinig sa iba
3. Sama-samang pagpapasiya - kailangang
isaalang-alang ang kabutihang
maidudulot sa nakararami o sa lahat.
4. Sama-samang pagkilos - – mapapadali ang
gawain kung may
pagtutulungan.
5. Pagsuporta - pinansyal, moral o pagbibigay ng
buong husay at talento na
nangggagaling sa puso.
Ang pakikilahok ay isang patuloy na proseso
hangga’t kaya mo at mayroong kang kayang gawin
para sa ikabubuti ng iyong lipunan, kailangan mong
makilahok sapagkat mula dito nabibigyang saysay
ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis
ng Diyos. Sa pamamagitan ng pakikilahok, ang tao
ay nagiging mapanagutan hindi lamang sa kanyang
sarili kundi pati na rin sa kanyang kapwa.
Maipapakita ito sa
pamamagitan ng:
• Paggalang sa makatarungang batas
• Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin
tulad ng pagtataguyod ng maayos na pamilya at
pagiging tapat sa gawain.

Bolunterismo
Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita
ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay
pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng
anumang kapalit. (Hal: kawanggawa, bayanihan).
Naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging
mapanagutan siya sa kanyang lipunan na nagiging
daan tungo sa kabutihang panlahat.
Mga Benepisyo ng Bolunterismo
1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag
siya ay naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa
pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo
ng suporta at relasyon sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na
makilala hindi lamang ang iba
kundi pati na ang kanyang sarili.
Pagkakaiba ng Pakikilahok at Bolunterismo
Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang
personal na interes o tungkulin. Kailangan mong
gawin dahil kung hindi, may mawawala sa iyo.
Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi
ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo
tinulungan. Kung ikaw man ay managot, ikaw ay
mananagot sa iyong konsensya sapagat hindi ka
tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.
Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng
bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may
aspekto ng pakikilahok.

c. Paglalahat
Unang Pangkat:
Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga estudyante sa dalawa (2).
Bawat pangkat ay magtatalaga nang tagasulat at
taga ulat sa harapan. Ipapaliwanag ng bawat
pangkat ang kahulugan ng salita na isinulat sa PAKIKILAHOK
kahon na nagbibigay ng kahulugan para sa kanila
ng pakikilahok at bolunterismo.

Panuto: Isulat mo sa loob ng kahon ang salita o


mga salita na nagbibigay- kahulugan para sa iyo ng
sumusunod. Ikalawang Pangkat:
Unang Pangkat: Pakikilahok
Ikawalang PAngkat: Blunterismo
BOLUNTERISMO
Isulat ito sa manila paper.

Panuto: Mula sa iyong mga sinulat na kahulugan,


tingnan at suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawang konsepto. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:

1. Batay sa mga kahulugang ibinahagi, ano ang


mabubuo mong konklusyon tungkol sa
pakikilahok? Sa Bolunterismo?
2. May kaugnayan ba ang pakikilahok sa pag-unlad
ng mamamayan at lipunan? Ang Bolunterismo?
Pangatwiranan

d. Paglalapat/Pagsasabuhay Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat: Poster Making. Gumawa ng Poster na humihikayat sa


mga tao na nangangailangan pa ng mga volunteers para makatulong sa
problema ng munisipalidad tungkol sa covid 19 pandemic..

Ikalawang Pangkat: Action Plan. Gumawa ng dalawang kolum sa


manila paper. Sa unang Kolum ay isusulat ang
inyong mga talent/ kakayahan. Sa ikalawang
kolum isulat ninyo ang inyong mga maaring
gawin o maitutulong mula sa mga
talent/kakayahan na iyong taglay.

Ikatlong Pangkat: Role Playing. Pagsagot sa panawagan ng


munisipalidan para makatulong sa problem na
paglaganap ng pandemya/Covid.

e. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ko ang pahayag ay TAMA o
MALI. Isulat sa ¼ na papel. Inaasahang Sagot:

1. Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto 1. TAMA.


ng bolunterismo pero lahat ng 2. MALI, dahil ang pakikilahok ang tamang sagot hindi ang
bolunterismo ay may aspekto ng bolunterismo.
pakikilahok. 3. TAMA
2. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gawin, 4. TAMA
ikaw ang apektado, hindi ang ibang tao. 5. MALI, dahil ang pagbibigay ng impormasyon ay isang
3. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na halimbawa ng pakikilahok.
kailangan isakatuparan ng lahat na
mayroong kamayan at pananagutan tungo
sa kabutihang panlahat.
4. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na
kailangan mong gawin sapagkat kung ito
ay hindi mo isinagawa ay mayroong
mawawala sa iyo.
5. Kung tayo ay nagbibigay lamang ng
impormasyon, hindi ito isang pakikilahok.
a. Takdang- Aralin

Gumawa ng poster na nag-aanyaya ng


mga volunteer para makatulong sa problema ng
barangay o lipunan. Gawin ito sa isang sagutang
papel.

Inihanda ni:

MARC G. CUER
Teacher I

You might also like