Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

“Sintang bayan”

By: Ezra Carumba

Pwede bang pabulong, walang nakikinig.


Nalulunod sa pawis at luha
Kayod kabayo hindi naman gumiginhawa
Ang aming tahanan, hindi na mapunan

Sinintang bayan, hindi ka makatarungan


Ang ‘yong mga tauha’y hindi mapantayan
Sistemang ibinabalot sa kamay ng mayayaman
Hindi na maabot, hindi na marinig
Nasaan ang puwang ng iyong lahi? Sa iyong lahi?

Kahit saan tumingin, tumataas na bilihin


Wala nang madukit sa bulsang punit
Wala nang makita, ang tuwid na daa’y dumidilim
Parang lumalabo, nakabibingi ang tawanan nila

Sinintang bayan, hindi ka makatarungan


Ang ‘yong mga tauha’y hindi mapantayan
Sistemang ibinabalot sa kamay ng mayayaman
Hindi na maabot, hindi na marinig
Nasaan ang puwang ng iyong lahi? Sa iyong lahi?

Gintong papel na aking pinagpaguran


Sa mga buwaya’y, pinaliliguan
Mga payasong ako ay itinatali’t
Pinaglalaruan, hinuhuthutan anong magagawa?

Sinintang bayan, hindi ka makatarungan


Ang ‘yong mga tauha’y hindi mapantayan
Sistemang ibinabalot sa kamay ng mayayaman
Hindi na maabot, hindi na marinig
Nasaan ang puwang ng iyong lahi? Sa iyong lahi?

Sinintang bayan, hindi ka makatarungan


Kami’y pinapatay ng iyong mga tauhan
Sa sistemang nakagapos hindi na makawala
Anong tatakbuhan, anong magagawa
Na kanino ba ang kapangyarihan?

where to watch:
https://m.facebook.com/story.php?
story_fbid=2488660484601712&id=1000037335
39478
"...."
Nandito ang piyesang ito para sa boses na hindi maintindihan ng ilan
kung para kanino nga ba lumalaban, ang boses ng kabataan. Kabataan
na patuloy na tumitindig para sa mga nasa laylayan.

Mapalad ako na sa kahit sino mang maupo sa trono’y hindi naman ako
apektado. Kaya ko, e. Kaya ng pamilya ko. Kahit anong gulo, hindi ko
kailangang magtago dahil protektado naman ako. Kaya nga paulit ulit
akong tinatanong,

“Hindi ka naman apektado at hindi ka pa botante, bakit ang dami mong


nasasabi?”

Una sa lahat, may karapatan akong gamitin ang boses ko. Hindi nga
lang para sa sarili ngunit para sa mga taong hindi marinig, mga taong
naghirap, naghihirap, at maghihirap pa lamang. Dahilan nito ang pagiging
mulat na ang Pilipinas ay hindi lang tungkol sa kagaya ko o kagaya ng
mga nagpapatakbo nito na nagpapakasasa sa ginhawa ng bansa. Ang
Pilipinas ay tungkol sa isang daang million at higit pa na nandidito na
hindi lahat ay nakararanas ng bansang kinalakihan niyo. At tulad ko,
naninidigan ang kabataan na gamit ang aming boses, mas maririnig ang
mga nagsisigawan.

“Ang dami mong napapansin,”


“Bata ka pa, wala ka pang alam.”
“Hindi mo kailangang mangialam, mag-aral ka na lang.”

At hindi lang doon nagtatapos. Gusto kong liwanagin sa mas


nakatatanda na ang kabataan ay lumalaban hindi lang para sa aming
kinabukasan ngunit para saamin ring pinaglalaban, ang mga nasa
laylayan. Ayaw kong magbulag bulagan kagaya ng mga ginawa ng ilan
noon. Binabasura ka na, pipikit at tatahimik ka pa. Walang paninindigan
ang tinatawag na hubog ng imoralidad. Hindi kami nag-aaral para hindi
makita ang kadumihan ng mga nasa taas

Hindi ibig sabihin na hindi niyo ginawa ay hindi na rin namin gagawin.
"Stare Here"

You might also like