Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa Rehiyon X
Panitikan Sa Rehiyon X
MGA LAYUNIN:
Natatakay ang mga pangunahing akdang pampanitikan na umiiral sa bawat lalawigan at sa kabuuan ng
Rehiyon X
Katagirang Pangkasaysayan
Ang mga lungsod na matatagpuan sa rehiyon ay Oroqueta City,Cagayan de Oro City,Gingoog City at
Malaybalay City.
Iba’t-ibang uri ngmina ang matatagpuan sa rehiyong ito tulad ng minang metal na
“manganese”,’chromite”,”gold”,”silver’ at “nickel” at mga minang di-metal tulad
ng”sand”,”gravel”,”fertilizers”,”coral rocks”at “clay”.
Ang mga Badjao ng RehiyonXay may kakaibang uri ng pamamahay. Dahil sa nakagisnan ng mga
magulang ang pagtira sa mga bahay na nakatirik sa tubig, dala rin nila ang ganitong uring pamamahay.
Bagamat ang kanilang bahay ay yari sa nipa at dahon ng niyog, ang mga ito ay matitibay at matagal
masira. (Alamac 147).
Ang Torogon ay isa sa mga uri ng bahay na makikita sa bahagi ng Hilagang Mindanao. Karaniwang
mga maharlika ang nakatira rito.Isa itong malaking bahay na kadalasan ay lima o anim ang kanilang
naninirahan. Ang bawat isa sa pamilya ay may sariling lugar subalit walang dibisyon ang kanilang
tulugan. Ang Torogan ay tinatawag na “panalong”na kadalasan ay makikitang nakalagaysa harap ng
bahay.Ito ay inukit na suporta na yari o gawa sa kahoy,may bintana,sahig hagdan at bubong na may
disenyong inukit.
May dalawampu’t siyam na ilog ang rehiyong ito kung kaya may mga lugar na ang mga mamamayn ay
nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at paninisid ng perlas at kung minsan ay paninisid ng mga
baryang inihagis ng mga pasahero ng mga barkong nagmula sa ibang lugar.
Popular ang Rehiyon X sa mga perlas at korales. Maraming klasi ang iluluwas at ipinagbibili sa ibang
bansa.Nakalulungkot lamang na sa ngayon , karamihan sa mga dagat na napagkukunan ng mga korales
ay ginagawang mga “beach’”na ginagawang aliwaliwan ng mga turista.Ilan sa mga uri ng korales na
matatagpuan sa Hilagang Mindanao ay Bubble Coral,Brain Coral at Sea Anemone.
Makukulay ang mga kasuotan ng mga taga-Rehiyon X.Halimbawa ng kanilang kasuotan ay ang Alang
ng mga Tinggian,ang Kimona,isang kasuotan ng mga babae na kadalasa’y puti na sinasamahan ng tapis
na ipinupulupot sa baywang.
Ang mga lalaki ay may simpleng kasuotan.Karaniwang kasuotan nila ay “long sleeves” na parang
“jacket”.Nagsusuot din sila ng malong at ang iba ay nasanay sa kasuotang bahag lamang.
Mahilig sa mga pagkaing may gata at paminta ang mga taga-Hilagang Mindanao.
Naniniwala kambal ang anak nito.kapag ang isang dalaga ay umaawit habang nagluluto,makakapag-
asawa raw ito ng biyudo.Ang sinumang makakita ng kometa.magkakaroon ng kapahamakan.
May mga katutubong awitin din ang mga taga-Rehiyon X tulad ng kanilang awitin sa pakikipagdagma,
awitin ng pasasalamat sa mga ispiritu kapag nanalo sa pakikipaglaban at ang Gin-en,awitin ng
nakaliligtas sa mga kalamidad at sakit.
Isa ring tradisyon para sa kanila ang pagdadaraos ng pista kung dumarating ang kaarawan ng kanilang
mga damit lalo na sa kwelyo nito.
Sa larangan sining ay ipagmalaki nila ang kanilang Okir o Okkil,isang disenyo na ang ibig sabihin ay
inukit. Ang ganitong disenyo ay karaniwang makikita sa kanilang mga Bangka, puntod, sandata at iba pa
nilang kasangkapan. Kung minsan ay disenyo rin ito sa kanilang mga damit lalo na sa kwelyo nito.
Karaniwang laro na kinagigiliwan sa rehiyong ito ang sipa, sumping, bunong braso at bunong paa na
karaniwang ginagawan ng mga lalaki. Ang pinakagigiliwan nila ay sipa ng bola sisipain ng bola na ang
layunin ay makapasok ito sa basket,nagiging libangan din nila ang karera ng kalabaw at karera ng
kabayo.
Sa larangan namna ng musika sila ay may iba’t ibang uri ng instrumento tulad ng kubing,
kulintang,tagoktok at gabbang. Ang kubing ay isang uri ng instrumentong hinihipan na parang siindro na
yari sa kawayan;ang kulintang naman ay isang instrumentong pangmusika rin na ginagamit sa pagtitipon
o pagdiriwang na may sayawan; ang tagoktok ay instrumentong ginagamit kung nag-aani ng
palay,sinasabayan din ito ng sayaw. Yari ito ay sa espesyal na kawayan na biniyak sa biyas nito.Ang uri
ng kawayang ginagamit sa pagggawa ng tagoktok ay sa Mindanao lamang matatagpuan. Ang pangalang
tagoktok ay hango mismo sa tunog na nilikha nito. Gabbang naman ang kanilang tawag sa instrumentong
pangmusika na karaniwang tinugtugtog ng mga babae. Ang gabbang ay tinutugtog s kasalang ginaganap
sa dagat.
May isang uri ng sayaw ang mga Maharlikang taga-Mindanao. Ito ay tinatawag nilang Singkil na
karaniwang sinasayaw ng mga taga-Kanlurang Mindanao. Ang sayaw nito ay ginagawang mabilis upang
huwag maipit upang huwag maipit ng apat na pirasong kawayan na mabilis na iginagalaw ng mga may
hawak nito. Ang galaw ng kawayan ay itinutugma sa ritmo ng tunong ng Gong kaya kailangan ang mabilis
na pagkilos ng mga mananayaw upang huwag maiipit ang mga paa.
PANITIKAN NG REHIYON X
ANTOKA O BUGTONG
Ang Antoka o bugtong ng mga taga-Bukidnonay ginagawa nilang libangan kasabay ng kanilang mga
Gawain tulad hamlimbawa kung sila ay naghihimay ng mais kung gabi,nagalalala ng banig at nagkakayas
ng yantok na ginagawa nilang panghuli ng isda.
Halimbawa:
1.Gimokura,gimukura
Mga along ha migpapabaha ang iba
2.Sinla ,sinla biyangbang biyangbang
Pangabukad ho anlaw
Hiporong do daluman
TULA
1. EMMANUEL LACABA
2. FRANCISCO R. DEMETRIO
3. JOSE F. LACABA JR.
4. ALBERT ALEJO
SANGGUNIAN :
Q
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.studocu.com%2Fph
%2Fdocument%2Fnorthern-iloilo-polytechnic-state-college%2Fsecondary-
education%2Fmodyul-aralin-13-rehiyon-x-modyul-1-aralin13-rehiyon-x-hilagang-
mindanao%2F23174993%3Ffbclid%3DIwAR3O0ETroIFNonyG-
ughIjjkcYtL3sg0XIJV70WKNIsPhxjymqvlZKUZggY&h=AT282KQT8KhNg5opoq
mfeMlc5LNdA-eli-
nwaCGbyz0geRdu9Y5PeDDDKJGrJ8nWIWS011kGA0UjwEE9Qn4WNOaTxvMwvt
V7UigQB5j_s-aYGcYFGHEh5b8WbEhqHIgQTw97