Esp PT 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VI – WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
MURCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL ID: 302670
Dela Rama St., Brgy. Blumentritt, Municipality of Murcia, Negros Occidental

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PERFORMANCE TASK NO. 2

LIPUNANG PULITIKAL, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

Panuto: Bilang isang responsable at mapanagutang kasapi ng pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at
lipunan/bansa, mahalagang masimulan mo na ang personal na pakikibahagi sa pagpa-iral ng Prinsipyo ng
Pagkakaisa.

1. Itala o i-encode sa isang short bond paper ang tatlong konkretong kilos na sisimulang gawin bilang pakikiisa sa pamilya,
paaralan, pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa.
2. Isulat ang panahong ilalaan ng pagsasanay sa pagsasabuhay ng mga ito.
3. Lagyan ng desinyo ang margin ng bond paper gamit ang art materials.
4. Gamitin na halimbawa ang pormat sa ibaba.

Pangalan:__________________________
Baitang at Seksyon: _________________
Panahong Ilalaan: __________________

Simula ngayon sisiguraduhin kong gawin ang mga sumusunod:


1. Sasanayin ko ang pagiging positibo at bukas sa mga pagbabagong nagaganap ngayong panahon
ng Bagong Normal at ang pagiging mapanagutan sa aking mga kilos tungo sa pagkakaisa.

2. Susundin ko ng buong puso ang mga alituntunin ng aking mga magulang at ng pamayanan.

3. Makiisa ako sa oras ng panalangin ng pamilya.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng iyong output:


1. Tiyak ang tatlong kilos ng personal na pagtugon sa Prinsipyo ng Pagkakaisa – 10pts
2. Nakabatay sa mapanagutang paghuhusga ang mga nakatalang kilos – 5pts
3. Makatotohanan ang mga sisimulang kilos kaugnay sa Prinsipyo ng Pagkakaisa -5pts
4. Malinaw ang mga nakatalang kilos ng personal na pagtugon sa Prinsipyo ng Pagkakaisa- 5pts
5. Malinis, maayos at malikhain ang nabuong output- 5pts
6. TOTAL- 30PTS

You might also like