Dayuhang Literatura

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Dayuhang Literatura

Ayon kay Zorc, ang mga Pilipinong mananalita ay nakamit ang mga ganitong uri ng salita sa
pamamagitan ng “paghiram sa ibang lenggwahe, pagbigay ng bagong kahulugahan sa mga dating salita,
paggawa ng orihinal na salita, o paggamit ng mga numero na magsisilbing in-group code.” Sinabi rin niya
na ang mga ito ay nagmumula sa iba't ibang pangkat ng tao na lumilikha nito tulad ng mga salita na mag-
aaral, drayber, artista, military at mga bakla na nagiging laman o nakasulat sa iba't ibang magasin at
pahayagan (1993).

Alinsunod naman kina Bautistaa, Kazuhiro et al.(2009), ang salitang balbal o islang ay ang di-
pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Kung kaya
naman, ito ay maituturing na mga salitang mapanghikayat higit lalo sa mga kabataan. Masyadong
malawak ang saklaw ng mga salitang balbal kaya’t madalas na ring naririnig ang mga ito sa pang-araw-
araw na pamumuhay. Ngunit sa pananaw ng ibang tao, ang mga salitang ito ay hindi pala kaaya-aya.

Ayon kay Cafford (1965), sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari
kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano
nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng
isang salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang
kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano ito nabuo.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa
dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ang wikang
gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng preso sa kulungan, wika ng
mga bakla, ng kabataan at iba pang mga pangkat. Makikilala ang iba’t-ibang barayti nito sa pagkakaroon
ng kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkat o grupo na gumagamit ng wika.

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga
salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong
nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang ito. Kalunos-
lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning
ito.
Ayon kina Trudgill at Anderson (1983), ang slang ay itinuturing na bastos sa mga pormal na sitwasyon.
Ito ay dahil ginagamit ito sa mga impormal na pag-uusap.

Kaya ayon kay Dai at He (2010), "ang iba't ibang aspeto ay itinuturing na mas patas na mga tawag kaysa
sa mga tawag tulad ng wika sa unibersidad o hindi karaniwang wika." Ang diyalektong Amerikano ay
bahagi ng kulturang Amerikano, na magiging higit pang internasyonal habang umuunlad ang United
States at American English.

Ayon kina Lighter at Eriksen (2010), mayroong apat na pamantayan sa pagkilala para sa slang: ang
presensya nito ay kapansin-pansing magbabawas, kahit saglit, ang dignidad ng pormal o seryosong
pagsasalita o pagsulat, ang paggamit nito ay nagpapahiwatig ng pagiging pamilyar ng gumagamit sa
alinman sa paggalang o sa isang hindi gaanong katayuan na puno. o hindi gaanong responsableng klase
ng mga tao na may ganitong pamilyar at gumagamit ng termino, ito ay isang bawal na termino sa
ordinaryong diskurso sa mga taong may mataas na katayuan sa lipunan o may mas malaking
responsibilidad.

You might also like