Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Earving Gadingan.

Naninirahan sa Tiaong, Quezon at mas mataas lagi ang marka niya sa Ingles kaysa
Filipino mula kinder hanggang kolehiyo. Nakapagtrabaho na bilang research assistant at editorial staff.
At kasalukuyang part-time na campus journ trainer, music tutor, at bespren kay E-boy.

Kung may makakasamang organisasyon, bigyan ng maikling pagpapakilala ang organisasyon sa


proyektong ito

May ilang grupo/organisasyon na maaring makatulong sa Project PAGbASA:

Operation Blessing Philippines - isang humanitarian org. na tumutulong sa mga nangangailangang


Filipino sa kanilang kalusugan, edukasyon, hanap-buhay, at iba pang pangunahing pangangailangan
kasama na ang ispiritwal na pag-unlad ng isang komunidad.

Pangalan ng Proyekto (Talakayin ang konsepto ng proyekto)

Pag-asa mula sa pagbabasa ang kaluluwa ng proyekto. Layunin ng Project PAGbASA na bigyang pag-asa
at inspirasyon ang mga kabataang Pinoy na may magagawa sila para sa bayan sa kabila ng hinaharap
nilang kahinaan, kaibahan o personal na suliranin.

Para kanino ang Proyekto?

Ang Project PAGbASA ay nagnanais na matulungan ang mga mambabasang kabataan at komunidad.

Differently-abled. Gaya ng may mga polio, club foot, cerebral palsy, at iba pang may kinakaharap na
problema sa pagkilos o mobility.
Mentally-challenged. (Hindi ko sigurado kung ito pa nga ga ang akmang termino) Kasama rito ang mga
kabataang may Down's syndrome, speech-impaired, at iba't iba pang uri ng autisms.

Slow-readers na may masidhing interes para matuto pero may kakulangan sa kapasidad na makabili ng
aklat.

Sa mga guro at magulang. Sila kasi ang magiging gabay ng mga bata kung nahihirapan sa pagbabasa.

Sa pampublikong silid-aklatan dahil naglalayon din ang Project PAGbASA na magsagawa ng workshop sa
pagsulat ng tula at makapag-ambag sa mga aklatan.

Ipaliwanag kung bakit sila ang napili mong tatanggap ng proyekto. Paano mo sila nakilala? Ano ang
naging bahagi mo sa kanilang buhay?

Naisip ko ang Project PAGbASA noon pang 2014 nang manggaling ako sa Masbate para sa Free
Wheelchair Mission at Operation Blessing. Ilan sa mga tumanggap ng wheelchairs ay kabatang may
polio, club foot at cerebral palsy; mga nasa elementary. Oo, nag-aaral sa kabila ng kahirapang pinansiyal
at pisikal. Hindi ko naisip na puwede nga palang lumpo ang isang bata, ang saklap kasing isipin.

Isa si Clyde, Grade 2 noon, may club foot, sa mga nakatanggap ng libreng wheel chair. Binubuhat siya ng
kanyang nanay papunta sa iskul bago magtinda sa palengke, tapos sinusundo n'ya ulit ang anak kapag
awasan na. Minsan nga raw napapaaga ang awasan, dinadaanan s'ya ng mga kaklase ni Clyde para
sabihing umiiyak na si Clyde dahil wala pa ang sundo n'ya. Agad namang magpupunta ang nanay sa iskul
kahit walang maiiwan sa puwesto sa palengke.

Naisip ko, paano kaya kung nabasa ni Clyde yung kuwentong pambata na Bakit Wala pa ang Sundo Ko?;
siguro hindi na siya iiyak. E kung magkaroon ng book giving sa mga batang kagaya ng kalagayan ni Clyde
para hindi man sila makapaglaro-laro sa labas ay makakarating sila sa iba't ibang lugar kapag nagbabasa?
O magbigay ng aklat tungkol sa mga bayani para maituon ang sarili sa pagtulong sa bayan imbes na sa
kahinaan? Kaya naman namina ko sa Masbate ang Project PAGbASA at ngayon lang napakintab dahil sa
Saranggola.

Ano ang layunin ng proyekto?

Ang layunin ng Project PAGbASA ay:

1. Makapagbigay pag-asa sa kabataan mula sa inspirasyon mula sa pagbabasa.

2. Dalhin ang mga kabataang limitado ang nararating, sa iba't-ibang lugar at panahon sa pamamagitan
ng pagbabasa.

3. Maiangat ang literacy level ng mga mga kabataan.

4. Pukawin ang damdamin ng mga batang mambabasa na maari pa rin silang maging bayani at maging
kapakipakinabang sa bayan sa kabila ng limitasyon at kahinaan

You might also like