Sineso Prades

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

PRADES, JUVELYN A.

BSHM 1C
SINESOS

Pelikula hinggil sa Isyung Pangkasarian


Buybust
Aktiviti
Sa ibaba ay larawan ng bisikleta. Batay sa iyong obserbasyon sa
programang War on Drugs ng ating gobyerno, tukuyin ang nagsisilbing
GULONG, MANIBELA, KADENA, at UPUAN upang makausad at
magtagumpay ang programang nabanggit. Sa ibaba ay ilagay ang maikling
pagpapaliwanang sa iyong mga sagot. (5 pts bawat isa)
KADENA

MGA TAO
Para sa akin ay ang mga tao ang magsisilbing kadena.
Kung tutulong sila sa mga PNP/PDEA para maipalaganap
ang kaayusan ay magiging maayos ang usad ng
operasyon. Dahil kapag may mali sa kadena ay hindi uusad o
hindi magiging maayos ang usad ng opearasyon ng mga
PDEA (gulong). At bilang kadena na nakakapit sa gulong
para mapaandar ito ay dapat alam ng mga tao ang batas at
makipagtulungan sila para sa kaayusan ng lipunan.

Manibela

PRESIDENTE
Para sa akin ay ang PRESIDENTE ang magsisilbing
manibela. Kaya niya inilunsad ang War on Drugs upang
bigyan ng tungkulin ang mga pulisya (ibang parte ng
bisikleta) at mga ibang tagapaglaganap ng kaayusan. Siya
ang magtutungo o magagabay sa iba pang parte ng
bisikleta sa kung ano ang gagawin o kung saan tutungo
ang operasyon para sa War on drugs.

Upuan
BATAS
Para sa akin ay ang Batas ang magsisilbing upuan dahil
ito ang pinagbabasehan ng nasa gobyerno para ilunsad
ang naturang programa. Pag alam ng lahat ang batas ay
maayos sana ang ating lipunan. Gaya nga ng sabi sa
ingles na “ignorance to the law excuses no one”. Ang batas
ang basehan sa anong dapat gawin ng presidente at iba
pang parte ng bisikleta para mapanatiling maayos ang
ating lipunan
Gulong
PNP o PDEA
Para sa akin ay ang PNP o mga PDEA ang magsisilbing
Gulong. Dahil sa kanila ay umuusad o uumandar ang
War on drugs. Sila ang inatasan ng pangulo upang
ilunsad ito. Sila ang nagpapalaganap ng ninanais ng
pangulo na kaayusan sa ating lipunan. Na kahit bako-
bako ang daan o kahit maharap sila sa anumang
sitwasyon ay inaalay nila ang kanilang sariling buhay
para mabawasan ang tiwali sa ating lipunan.

2. Ano ang papel ng mga kababaihan at kalalakihan sa programang


War on Drugs?

Kababaihan Kalalakihan
(5 pts) (5 pts)
Ang mga kalalakihan dapat ang
Ang mga kababihan ay hindi kaunahang magpakita ng
dapat ang gumagamit pa ng droga kalakasan sa pagpapalaganap ng
kesa sa lalake kaya ang tungkulin o katarungan o kaayusan, unang-una
papel ng mga kababaihan sa sa kanilang sariling bahay.
naturang programa ay ang maging Magsilbing matapat na kuya o
gabay sa kanilang mga anak at tatay na magtuturo ng tama sa
asawa upang ilayo sa illegal na kanilang pamilya. Maghanap ng
paggamit at pagbenta ng tarabaho na kahit mahirap o maliit
droga.Hindi dapat gumagamit ng ang sweldo basta marangal na
illegal na droga ang isang buntis na trabaho , hindi yung trabaho na
babae at ang mga babaeng maraming nga na pera ang
dumadaan sa depresyon ay natatanggap pero ang kinakain at
iwasang malulong sa droga bilang pinapakain sa pamilya ay galing
panggamot sa pagkabalisa. naman sa illegal na Gawain.
Analisis
Ayon sa bagong report ng PDEA, ipinangako nilang pagiigtingin pa
nila lalo ang laban kontra droga. Hindi sila titigil hangga’t hindi tuluyang
mapuksa ang suliraning panlipunang ito dahil kahit sa loob ng kanilang
departamento sa pamamagitan ng pamumuno ni Dela Peńa, ilang
personnel ang natanggal dahil sa kaso sa droga.
Mula sa iyong naririnig at nakikita, magbigay ng limang dahilan kung
bakit sinusubukan ng ilan ang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. (2 pts
bawat isa).

Impluwensy
a ng mga
Kyuryusidad barkada o
/ ibang tao
nageeksperi
mento Ginagawang
libangan

Gamot ng iba
Ang
sa kanilang
depresyon at pakiramdam
pagkabalisa daw nila na
ang kanilang

Abstrak
Pagkatapos mong himayin ang iyong napanood, ilahad ang hinihingi
sa ibaba.
1. Ilarawan ang mga sumusunod na tauhan sa pelikula. (5 pts bawat
isa)
a.Nina Manigan
- Si Nina Manigan ay isang napakatapang na babae na parte
ng PDEA. Wala siyang inaatrasan n a lab an at maalalahanin
siya sa kanyang mga squad mates kahit na wala na siyang
nagawa sa huli para iligtas silang lahat. Napakalakas niya
makipaglaban kahit na armado ang kanyang mga kalaban.
b.Rico Yatco
- Si Rico Yatco ay isang napakalaking tao na napakakalmado pero
hindi nagpapatalo at kahit sa anong sitwasyon na kinaharap nila sa
kanilang Buybust ay ginawa niya ang lahat para protektahan ang
bawat miyembro ng kanyang squad. Isa siyang maaasahan na tao at
myembro ng kanilang squad.

c.Biggie Chen
- Si Biggie Chen ay isang tusong Drug Lord. Napakataas ng tingin
sa sarili dahil protektado siya ng mga tao mula sa gobyerno o yung
Hudas kung tawagin. Kung titignan ang kanyang itsura ay
napakadugyutin nito at katulad ng mga kadalasang makikitang drug
lords ay may mga ginto na kwintas na di mawari kung peke o totoo.
Yung nagpapaka-cool kid na akala niya madadaan lahat sa dahas
pero yung totoo ay salot lang siya sa lipunan.

d.Bernie Lacson
- Si Bernie Lacson ay isang bagong naiatas na lider ng iskwad ng
PDEA na nakaranas ng iba’t ibang sitwasyon sa kanyang linya ng
trabaho. Mukha siyang tigasin, ngunit may mabuting puso siya at
ang kaligtasan ng kanyang iskwad palagi ang kanyang unang
priyoridad. Siya ang asawa ng kanyang kaskwad rin na si Alda
Lacson.

Paano ang pagtingin ng mga sumusunod na tauhan kay Nina


Manigan(Anne Curtis) sa operasyon/sa kabuuan ng pelikula? Hal.:
Tinignan/Kinilala/Itinuring ba nila si Nina bilang mas mahinang
tauhan/kasama dahil sa kanyang kasarian? (5 pts)
- Sa simula ng pelikula, dahil baguhan si Nina sa kanyang
squad ay akala ng kanyang bagong team leader na si Bernie
Lacson ay hindi niya iniisip ang kanyang squadmates dahil
hindi niya alam sumunod sa mga orders ng kanyang leader
pero maaaring sa totoo ay natrauma siya sa pagsunod ng
mga orders dahil sa nangyari sa kanyang dating squad. Ang
tingin ng iba sakanya ay malas siya kaya ayaw siya
tanggapin ng ibang squad kanyang dating squad. Ang tingin
ng iba sakanya ay malas siya kaya ayaw siya tanggapin ng
ibang squad hanggang napunta siya sa squad ni Lacson.
Para kay Yatco ay makikita ko na pinagkakatiwalaan o
maaasahan niya si Nina dahil lagi niya pinapaalala na hindi
siya malas. Makikita sa pelikula na maaasahan nila ang isa’t
isa lalo na noong nakipaglaban silang dalawa sa mga tao
roon at binalikan pa ito ni Nina ngunit sa kasamaang palad
ay napatay na. At para kay Biggie Chen ay ang tingin niya
kay Nina at sa mga PDEA ay mga negosyante raw dahil ang
kanila raw negosyo ay negosyo din ng mga PDEA na dahil
daw sa kanila kaya nagkakapera o nagsusweldo sila at sinabi
rin ni Biggie Chen na tatanga-tanga si Nina dahil ayaw niya
maniwala na si Alvarez ang totoong hudas. At sa huling
bahagi ng pelikula ay akala ni Alvarez ay mauuto o maloloko
niya si Nina at pinuri-puri pa niya ito ngunit siya pala ang
Hudas. Siguro para sa mga Hudas at Biggie Chen ay mahina
si Nina pero para sakanyang squad ay malakas siya.

2. Humalaw mula sa mga diyalogo/usapan sa pelikula na


nagpapatunay ng pagkakapantay ng mga kasarian sa pelikula. (10
pts)
”W ala akong pakealam kung sino kayo o saan kayo
nanggaling. You are in my squad now. Pakita niyo saakin na
hindi kayo baguhan, lumpo, tamad katulad ng sinasabi nila.
Mula nagyon magkakapit na ang mga bituka natin.” Ito ay
ayon kay Bernie Lacson, ang bagong team leader sa bagong
squad ni Manigan. Mahihinuha dito na pantay pantay ang
tingin niya sa kanyang mga squad at magiging magkasangga
o magkakapit na ang kanilang mga bituka. Nasabi niyang
wala siyang pakealam kung sino man sila at saan man sila
galing. Tinanggap niya rin si Nina na wala man lang ibang
squad na gustong tumanggap dahil malas raw sya na sabi ng
iba. At dyan pumapasok ang diyalogo no Rico Yatco noong
nagaalinlangan si Nina kung makakalabs pa sila roon ng
buhay ay sinabi ni Yatco sakanya na “Hindi ka malas”.
Pinapakita lamang doon na hindi niya iniisip na mahina o
malas si Manigan.

Aplikasyon

Gumuhit ng representasyon o sumisimbolo kay Nina Manigan at


sabihin kung bakit ito ang iyong napili. Maikling Pagpapaliwanag:

Para sa akin ay itim na pusa ang


sumisimbolo kay Nina dahil sa pelikula
ay walang gustong tumanggap sa kanya na
ibang squads sa paniniwalang siya raw
ay malas gaya ng itim na pusa. Pero
kung titignan, ang itim na pusa ay
napakabangis na parang maliit na
bersyon ng isang black panther gaya ni
Nina na akala mo mahina pero
napakabangis at napakatapang pala

KRAYTIRYA:
Simbolo-10 pts

Kaugnayan sa Paksa-10 pts


Pagpapaliwanag-10 pts
KABUUAN-30 pts

You might also like