1. Ano ang halaga ng kasaysayan sa pag-unlad ng Panitikan ng Pilipinas?
- Napaka halaga ng kasaysayan sa pag unlad ng panitikan sa Pilipinas. Kung walang kasaysayan wala ang panitikan. Magka ugnay ang dalawang ito kaya ito'y napaka halaga. Dahil sa kasaysayan napa unlad ng Pilipinas ang Panitikan. Dahil dito hanggang ngayon tayo ay may kaalaman sa mga panitikan noon na napaka importante ngayon, dahil ito ay gawa ng ating mga ninuno at dapat natin itong pahalagahan. Dahil pinahalagahan nila ito kaya umunlad ang panitikan ng Pilipinas. Kaya dapat din natin itong pahalagahan para sa susunod na hinerasyon upang malaman nila kung gaano ka importante ang kasaysayan sa Panitikan ng Pilipinas.
2. Para sa iyo ano ang natatanging katangian sa bawat panahon ng kasaysayan?
- Pre-kolonyal ito ang panahon kung saan wala pa ang mga kastila sa Pilipinas. Sa panahon na ito meron ng mga panitikan ang mga Pilipino, ating mga ninuno. Katulad ng baybayin, wika ng ating mga ninuno. Sa panahong ito meron na tayong sariling paniniwala, at may ibat-ibang pangkat etnikong naninirahan sa pilipinas, at mga unang nanirahan dito, tulad ng mga negrito. Maraming mga dayuhan ang nag iwan ng impluwensiya sa kultura at panitikan ng Pilipinas. Ngunit sa gayon limitado lang ang ating kaalaman dito, dahil ang mga kasulatan tungkol dito ay nawala o kaya'y nasira. Sa Panahong Kolonyal. Ito ang panahon na dumating ang mga kastila sa Pilipinas. Na siyang nag palaganap sa kristiyanismo sa mga unang Pilipino. Ang panitikan sa panahong ito ay, patula, tuluyan at dula. At sa pnahong ito ang kasaysayan ay pangsangkatauhan at magpakailanman. Propaganda at Himagsikan. Sa panahong ito lumaganap ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng Kastila. Na sumakop at umabuso sa kapangyarihan ang mga dayuhan. Dahil dito naging tahanan ng mga babasahing propaganda ng mga pilipino sa ibat-ibang pahayag tulad ng Diaryong tagalog sa Maynila. Nag patuloy ang mga anyo ng panitikan sa panahong ito mula sa patula hanggang sa propaganda ang himagsikan. Ang nag bago lamang sa panitikan ay ang mga layunin ng manunulat at sa pagbubuo ng bawat panitikan. Dahil sa panitikan sa panahong ito ay namulat ang mga Pilipino sa katotohanan at patuloy na pinaglaban ang karapatan sa sariling bansa. Propagandang Amerikano. Sa panahong ito nawala ang mga kastila ang ang mga Amerikano ang pumalit. At binago nila ang sistema at ipinagamit ang wikang ingles sa lahat nga antas ng edukasyon dahil dito ang wikang kastila ay unti-unting nawala. Sa panahong ito mababanaag ang panitikan ng Pilipinas dahil sa pagpasok ng bagong kultura na lumukob sa katauhan ng higit na nakakaraming Pilipino. Gayon paman sa pag sulat ng akda tungkol sa panitikan may ibang mga manunulat na tagalog pa din ang ginagamit upang dumaloy sa ugat ang wikang kinagisnan ng mga Pilipino. May iba din na ingles ang ginagamit upang ma subok kuno ang sarili sa wikang pang ibternasyonal. At sa panahong ito namayani ang Romansa. Propaganda at Hapon. Sa panahong ito naging mahirap ang pasusulat ng panitikan dahil sa kalupitan ng mga hapones. Sa panahon din na ito na dagdagan ng anyo ang malayang taludturan at ito ay ang Haiku o Hokku ng mga hapones. Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at panitikan ang tinaguriang Gintonh panahon ng Panitikang Pilipino dahil malaya ang mga pilipino sa pag sulat ng panitikan, kaysa noong sa Amerikano. Namayani sa panahong ito ang mga dulanng tagalog. Panahon ng Kalayaan. Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sakamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos PalancaMemorial Awards for Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ‟80 at ang kanilang panitikang aktibista. Panahon ng bagong lipunan. Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa Media gaya ng sa radyo,telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin atVictor Wood. Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy. Panahon ng kontemporaryo. Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uri ng Pilipino - ang mga Pilipinong marunong magmalasakit sa sariling bansa hindi lamang sa salita kundi sa tunay na gawa, at para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na Republika. Ang mga manunulat ay nag lantad ng mga totong pangyayari upang mamayani ang realismo. Ang mga dulang Pilipino ay nag ningning dahil sa pagkalat nito mula sa mga paaralan hanggang sa mga tanghalan tulad ng Metropolitan Theater. Sa mga dula naging paksa ang aktibismo, suliraninh kahirapan, at paniniwala o ideolohiya. Nag simula ang pag papalaganap ng panitikan sa ibat- ibang anyo. 3. Sa iyong palagay, paano maipapakita ang pagpapahalaga sa panitikan ng Pilipinas? - Maipapakita natin ito sa paag tuturo sa mga paaralan. O gawin itong diskosyon, ordinaryong diskosyon upang mapahalagan natin ang ating panitikan. Ating ibahagi ang ating kaalaman sa panitikan at kasaysayan sa mga taong walang gaanonh alam o hindi na mulat sa katotohanan. Para mapahalagaan ang ating panitikan kailangan tayong maging maalam at mayroong kamalayan sa kasaysayan at sa bansa. Dahil ang panitikan ay konektado sa ating kasaysayan at dapat tayong managing maalam tungkol ditto upang hindi natin malilimutan ang mga napagdaan ng mga sinaunang Pilipino at sa gayong maiwasan nating ma ulit ang nakaraan. Dapat tayong maging mulat upang mapahalagahan ang ating sarilling panitikan at kasaysayan.