Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

   BULACAN STATE UNIVERSITY, MENESES CAMPUS


 TJS, Matungao Bulakan, Bulacan

MALA MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

I.LAYUNIN
   Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang :
A. Nakikilala kung ano ang Pandiwa at mga aspekto nito.
B. Naipapaliwanag ng maayos sa mga-aaral ang bagong araling tatalakayin.
C. Napapahalagahan at nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ng Pandiwa at aspekto nito.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa:  Aspekto ng Pandiwa
B. Kagamitan: Tulong Biswal,yeso at larawan
C. Sanggunian:  Modyul

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
4. Pagbabalik aral

B. PAGLINANG NG GAWAIN
A. PAGGANYAK
Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin mayroon akong ipapakitang mga larawan.
B. PAGLALAHAD
PANDIWA- ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay buhay sa lupon ng mga salita.

ASPEKTO NG PANDIWA
 Perpektibo/Naganap na – Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos
Hal. Nagluto , Nagsimba , Nagsayaw , Naglaba

 Imperpektibo/Pangkasalukyan- Ito ay nagsasaad ng kilos na kasalukuyang nangyayari.


Hal. Nagsisimba , Nagtatanim , Naghuhugas , Naglalakad

 Kontemplatibo/Magaganap pa lamang- Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa


nasisimulan o naisasagawa. Ito ay gagawin pa lamang.
Hal. Magpupunas , Magdidikit , Magsasamapay , Magsasayaw

 Perpektibong kakatapos – Ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit
ay PERPEKTIBO , IMPERPEKTIBO , KONTEMPLATIBO o PERPEKTIBONG KAKATAPOS.

________________1.Magtatagumapay ang mga mag-aaral na mayroong tiyaga sa pag-aaral.

________________2.Sinakyan ni Jose ang kabayo ni Angelo papuntang bayan.

________________3. Nagpapaalam si Berting sa kaniyang guro upang bumili ng almusal sa kantina.

________________4.Kakausapin ng punong-guro ang ina ni Hanny dahil siya ay nakagawa ng


malubhang kasalanan.
________________5. Sinasamahan ni Edward ang kaniyang bunsong kapatid kapag ito ay papasok
ng paaralan.

________________6. Kadadala pa lamang ni Aling Nena ng inuming pampalamig. 

________________7. Nailagay ko na po ang kaldero sa kusina kanina.

________________8. Magsasaliksik si kuya sa silid-aklatan upang magawa niya ang kaniyang


takdang-aralin.

________________9.Si Jerwin ay lumahok sa pagsayaw noong nakaraang araw.

________________10.Kakasampay lang ni Beth ng kanyang damit sa arawan.

V. TAKDANG ARALIN

1.Basahin ang Dulang “Tiyo Simon”

You might also like