Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

   BULACAN STATE UNIVERSITY, MENESES CAMPUS


 TJS, Matungao Bulakan, Bulacan

MALA MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 10

I.LAYUNIN

   Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang :


A. Naipapaliwanag ng maayos ang bagong aralin sa pamamagitan ng pagtalakay dito.
B. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.
C. Nakasasagot ang mga mag-aaral sa mga katanungang may kinalaman sa araling tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa:  Ang apat na buwan ko sa Espanya (Isang sanaysay)


B. Kagamitan: Tulong Biswal, yeso at larawan
C. Sanggunian:  Module (Filipino 10 : UNANG MARKAHAN –Modyul 3)

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
4. Pagbabalik aral

B. PAGLINANG NG GAWAIN

A. PAGGANYAK
Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin mayroon akong ipapakitang mga larawan.
B. PAGHAHAWAN NG SAGABAL
Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit.

1. Mayroon din silang diyalektong ginagamit ng ilang pangkat.

2. Napakaraming turista ang dumarayo sa Espanya sa lungsod ng Barcelona.

3. Maraming putahe ang nakahanda para sa kanilang pananghalian.

4. Nakaugalian din nila na magkaroon ng siesta pagkatapos nila kumain.

5. Ang Real Madrid ay isang koponan ng soccer na nakabase sa Madrid , Espanya.

C. PAGTALAKAY NG KWENTO
Manunuod ng isang video ng araling tatalakayin..

D. PAGLALAHAD
 -Dito tatalakayin ang gabay na mga katanungan.
 Bakit mahalaga ang pagiging bukas at ang paggalang sa pagkakaiba ng mga lahi at mga tao?
 Paano mo ilalarawan si Rebecca base sa mga nabanggit niya sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay ng mga espanyol?
 Paano mo naman nasabing mapagpahalaga si Rebecca?
 Kung mapupunta ka rin sa bansang ito, alin-alin sa mga binanggit niya ang gugustuhin mo ring
maranasan? Bakit?

E. MALIKHAING GAWAIN
Ngayon para naman sa panghuling Gawain nais kong sumulat kayo ng isang sanaysay sa
pamamagitan ng mga pahayag. Ang sanaysay ay binubuo lamang ng hindi lalampas sa 35-40 salita.
Pagkatapos ay gagawing eroplano ang iyong papel. Paliliparin ito at sabay-sabay na isisigaw ang
“HANDA LIPAD” kailangan ibang papel ang makuha mo at magtatawag ako para ibahagi ang
isinulat mong sanaysay sa pamamagitan ng mga pahayag.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap.

__________1. Isa sa pinakasikat na koponan ng soccer sa Espanya.

__________2. Pangunahing wikang ginagamit sa bansang Espanya.

__________3. Ito rin ay kilala sa tawag na La Comida..

__________4.Mga grupo ng siyudad na napuntahan ni Rebecca.

__________5.Ito ang pangunahing relihiyon dito , na binubuo sa 80% hanggang 90% ng populasyon ng
Espanya.
__________6.Saan nagtatrabaho ang mga magulang ni Rebecca.

__________7.Sa Espanya, ang mga nakatatandang babae ay karaninawang nakasuot anong klaseng kasuotan?

__________8. Ilan taon na si Rebecca.

__________9. Maraming putahe ang kanilang inihahanda sa tanghaling tinatawag nilang La Cena. Ano ang
ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit

__________10.Ano ang ibig sabihin ng salitang siesta?

V. TAKDANG ARALIN
1. Basahing ang susunod na aralin “ ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA”

Inihanda ni:
_________________________
JERWIN MENDEZ CALIMON

You might also like