Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGBABAGO NG PANATA NG PAGLILINGKOD

PRESIDENT: Rev. Fr. Noli B. Atabay, aking ipinapakilala sa iyo ang limampu’t
apat (54) na mga Tagapaglingkod sa Dambana ng Parokya ni San Pedro na
Apostol upang baguhin ang kanilang panata ng pangako sa paglilingkod.

Ang mga Tagapaglingkod sa Dambana ay pupunta sa harapan ng altar


habang dala ang nakasinding kandila.

PRESIDENT: Rev. Fr. Noli B. Atabay, itong mga Tagapaglingkod sa


Dambana ay kinomisyon at binasbasan na noong nakaraang ilang buwan at
taon. Itong mga tagapaglingkod ay kilala bilang isang aktibo, taos-puso, at
handang maglingkod muli. Dahil dito, ang mga tagapaglingkod ay nagnanais
na sila’y muling maging kabilang sa Ministeryo ng mga Tagapaglingkod sa
Dambana. Matapos ang ilang pormasyon at pagsasanay, sila ay nabuo at
nagkaroon ng kaalaman muli hinggil sa Banal na Eukaristiya at pagmamahal
sa Simbahan, maaari mo bang baguhin ang kanilang panata ng pangako sa
paglilingkod?

PRIEST: Minamahal kong Presidente ng Tagapaglingkod sa Dambana, ano


ang iyong hihilingin mula sa inyong pari?

PRESIDENT: Hinihiling ko Rev. Fr. Noli B. Atabay mula sa inyo na baguhin


ang aming panata ng pangako bilang Tagapaglingkod sa Dambana ng
Parokya ni San Pedro na Apostol.

PRIEST: Minamahal kong mga Tagapaglingkod sa Dambana, taos-puso ba


ninyong kahilingan ito mula sa inyong pari?

ALTAR SERVERS: Opo Padre.

PRIEST: Minamahal kong mga Tagapaglingkod sa Dambana, handa ba kayo


at taos-pusong lilingkod kay Hesukristo bilang isang Tagapaglingkod sa
Dambana?
ALTAR SERVERS: Opo Padre.

PRIEST: Handa ba kayong ipakita ang inyong katapatan sa inyong Pari at sa


mga kumakatawan sa simbahan?

ALTAR SERVERS: Opo Padre.

PRIEST: Mapapanindigan ba ninyo ang pagiging totoo, tapat, at maging


bukas sa inyong mga intensiyon?

ALTAR SERVERS: Opo Padre, kami po ay totoo, tapat, at bukas.

PRIEST: Handa ba kayo at pumapayag na maging tapat sa inyong sarili na


taos-pusong magsilbi sa ganitong uri ng paglilingkod na may buong
responsibilidad at kaalaman?

ALTAR SERVERS: Opo Padre, handa kami.

PRIEST: Mula nang inyong ipinahayag ang inyong katapatan at buong


kalooban sa pagpabago ng inyong panata, opisyal kong binabago ang inyong
panata ng pangako. (Paghinto) Mula ngayon, kayo ay muling mga bagong
Tagapaglingkod sa Dambana ng Parokya ni San Pedro na Apostol. Nawa’y
kayo ay maging matatag at tapat sa inyong ministeryo.

Pagbabasbas sa mga Muling Bagong Tagapaglingkod sa Dambana.

Iimbitahan ng Pari ang mga Bagong Tagapaglingkod sa Dambana upang


tumayo at humarap sa mga taho habang sila ay pumapalakpak.

Ang mga muling Bagong Tagapaglingkod sa Dambana ay yuyuko, sa altar at


babalik sa kanilang upuan.

You might also like