Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Mary Louisse T.

San Diego
BSMA 1-8
Buhay at mga Sinulat ni Rizal

Virtual Walking Tour of Rizal's Madrid

Ako ay bilib kay Jose Rizal dahil halos ka edad ko lamang siya nang manirahan siyang mag-isa
at nag-aral sa Espanya. Sa dokyumentaryong ito ipinakita ang kwento ni Rizal partikular ang
mga lugar na kaniyang pinuntahan, eskwelahan, mga kaibigan, gawaing pampolitikal, at iba pang
kaganapan sa buhay niya.
Ipinakita rito kung saan nag-aral si Rizal sa Madrid at isa rito ang Colegio de Medicos de Madrid
kung saan siya nag-aral ng medisina. Dito nahasa ang kaalaman ni Rizal at dito makikita ang
mga naitagong tala ni Rizal sa kaniyang mga naging pasyente noon. Nag-aral rin siya sa Facultad
de Filosofia y Letras kung saan binaggit ng kaniyang propesor na mas magaling si Rizal sa
Literatura at Pilosopiya kumpara sa Medisina. Hindi naging madali ang paninirahan ng ating
Bayani sa Espanya, binanggit ng bayani sa kanyang liham kung paano siya nanirahan sa bahay
na puno ng surot at garapata. Hirap rin si Rizal sa kaniyang kakulangan sa pinansiyal sa
kadahilanang kulang ang mga naipapadala na pera ng kaniyang kapatid na si Paciano.
Malaki rin ang naging bahagi ni Rizal sa Circulo Hispano-Filipino kung saan dito pinaguusapan
nila Rizal kasama pa ang ibang Pilipino na kasapi nito ang mga usaping Politika sa bansa.
Minungkahi niya ang mga Pilipinong estudyante na sumulat patungkol sa mga usapin sa bayan.
Dito namulat si Rizal na naging dahilan upang isulat niya ang kaniyang nobela na Noli me
Tangere.
Marami pang mga bagay ang napagtanto ni Rizal katulad nalamang ang kaniyang
pagkadismayado nang malaman na ang mga kapwa niya estudyante ay hindi nilulubos ang
pananatili sa Espanya upang matulungan ang ating bansa.
Maraming aral ang naibigay ng dokyumentaryong ito. Sa pamamagitan nito, parang nasilip ko
narin ang buhay ni Rizal noong mga panahon na naninirahan siya sa Madrid. Pinatunayan rin ni
Rizal ang kaniyang talino, sipag, tiyaga, at pagmamahal sa bayan. Kahit na hindi gumamit ng
patalim o dahas si Rizal sa pakikipaglaban, at kaniyang ginamit lamang ay ang kanyang aking
talino, pinatunayan niya na kaya niyang ipaglaban ang pinakamamahal niyang bansa.
Pag-ibig sa Panahon ng Ligalig
Isa sa mahalagang leksyon ng kasaysayan ay ang pagmamahal. Katulad ng mga
karaniwang tao, ang mga bayani na ating tinitingala ay minsan naring nagmahal at nasaktan sa
mga taong kanilang pinakamamahal. Ang mga kwento nina Andres Bonifacio, at Jose Rizal ay
iilan lamang sa mga halimbawa ng nakakabighani ngunit mapanakit na kwento ng pag-ibig.
Sa kwento ng pag-ibig nila Andres Bonifacio at Gregoria De Jesus, aking napagtanto
kung gaano kalakas ang pagmamahal at talaga namang wala itong kapantay na kahit ano pa man.
Pinatunayan ni Gregoria De Jesus na siya ay isang tapat magmahal dahil lahat ng pagsubok ay
kaniyang hinarap para lamang ipagtanggol at patunayan ang matinding pagmamahal niya kay
Andres. Kahit na nagpakasal ulit si Oriang sa ibang lalaki, naikwento naman ng mga apo nito
kung paano kumilos si Oriang nang minsan nila itong nakikita na tahimik at nakadungaw sa
bintana na tila iniisip ang mga karanasan niya noong bago siya ikasal sa bago niyang asawa na si
Julio Nakpil.
Sa kwento naman ng pagmamahalan nila Jose Rizal at Leonor, aking napagtanto kung paano
kadaya ang tadhana at kung gaano kasakit ang pagmamahal ng dalawa. Dito pinatunayan na
hindi lahat ng gusto ay pwedeng masunod. Kahit gaano pa nila kamahal ang isa’t-isa, hindi
pwedeng pag-ibig lang ang magiging sandata upang makasama mo ang minamahal mo sa habang
buhay. Ang pag-iibigan nilang dalawa ay parang buhol-buhol na sinulid, kapag hindi kayang
ayusin, dapat na itong putulin. Naging malaki ang naging parte ng nanay ni Leonor sa hiwalayan
ng dalawa dahil sa pagpipigil nito sa liham ni Rizal na makarating kay Leonor. Ngunit sa tingin
ko, ito ay ginawa ng ina ni Leonor upang maprotektahan ang kaniyang anak dahil sa panahon na
ito inilimbag ang Noli me Tangere at hindi naging maganda ang sitwasyon ni Rizal sa bansa at sa
mga mata ng Espanyol.

Ang mga bayani natin ay isa sa mga nagpatunay na maaring ipakita nila ang pag-ibig nila sa
isa’t-isa, gayundin ang pagmamahal sa bayan. Nakakalungkot lamang isipin na ang mga
bayaning minsang naglaban para sa bayan ay hindi nagtagumpay sa kanilang laban pagdating sa
pag-ibig.

You might also like