Diagnostic Assessment EsP Grade 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: _________________________________ Antas/ Pangkat: ____________


Paaralan: _________________________________Petsa: ____________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang angkop na sagot sa
mga pamimilian at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

____1. Ito ang kritikal na panahon na maaring bumuo o sumira ng iyong


kinabukasan.
A. Kabataan
B. Kapanganakan
C. Yugto ng Pagtanda
D. Yugto ng pagbibinata o pagdadalaga

____2. Para sa isang nagdadalaga o nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na


makilala ang kaniyang pagkatao upang matukoy kung saan siya nababagay
sa lipunan at upang mabuo ang kaniyang tiwala na makibahagi sa anumang
gawain o trabaho.
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
B. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
C. Pagtanggap ng papel na angkop sa babae o lalaki.
D. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya.

____3. Paano makakaramdam ng seguridad sa pagpapasiya ang isang taong


nasa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata?
A. pagtuturo sa paaralan
B. sa tulong ng mga kaibigan
C. suporta ng mga kabataan sa barangay
D. sa pamamagitan ng suporta ng pamilya

____4. Ang iyong kaibigan ay nakagawa ng isang pagkakamali sa inyong klase,


nagsinungaling siya sa inyong guro upang hindi siya mapagalitan. Sa paanong
paraan mo maayos ang ganitong pag-uugali ng iyong kaibigan?
A. Isumbong sa guro upang siya ay mapagalitan.
B. Kausapin siya at ipaliwanag na mali ang kanyang nagawa.
C. Turuan ang kaibigan upang hindi na magkamali sa susunod.
D. Sabihin ito sa mga kaklase upang malaman nila ang pangyayari.
____5. Sa ating lipunan, iminumulat ang mata ng mga nagdadalaga o nagbibinata
na matutuhan ang mga kakayahan na kailangan upang makakuha ng
magandang hanapbuhay sa hinaharap. Paano mo ito mapaghahandaan?
A. Maging mapagmasid sa iyong ginagalawan.
B. Maging masipag at produktibo sa pamumuhay.
C. Gumawa ng mga bagay na makakatulong sa iyo.
D. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.

____6. Walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento. Ang bawat tao ay
may kani-kaniyang panahon ng pagsibol, lalo na ang mga tinedyer. Ang iba ay
ang tinatawag na late bloomer. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, ano
ang maari mong gawin?
A. Gumawa ng mga bagay makapagpapasaya sa iyo.
B. Magkaroon ng pagninilay upang malaman ang ninanais gawin.
C. Mag-aral ng mabuti at palawakin ang kakayahan upang magtagumpay.
D. Huwag panghinaan ng loob at magsumikap sa pagpapaunlad ng iyong
sarili.

____7. Ikaw ay nalilito pa kung ano ba talaga ang ibinigay na talento sa iyo ng
Diyos. Anong paraan ang iyong gagawin upang matuklasan mo ang iyong
natatagong kagalingan?
A. Gumaya sa mga talento ng kaibigan at kamag-aral.
B. Sundin ang sinasabi ng magulang kung saan ka magaling.
C. Sumubok sa mga paligsahan sa paaralan sa ibat-ibang larangan.
D. Magnilay-nilay upang matuklasan ang iyong natatagong kagalingan.

____8. Ang mga Sy ang may-ari ng SM Group of Companies, sila rin ay isa sa mga
pinakamayayamang tao sa ating bansa. Kaya naman ninanais mo ding
maging isang tulad nila sa hinaharap. Sa iyong palagay, ano ang
pinakakailangan mong talino at talento upang makamit ang tagumpay na ito?
A. Intrapersonal
B. Interpersonal
C. Bodily/Kinesthetic
D. Mathematical/Logical

____9. Si Jessica Soho ay isang kilalang magaling na reporter, anchor at


Manunulat. Siya ay nakatanggap na ng ibat-ibang mga parangal sa kanyang
larangan na tinahak. Suriin ang mga sumusunod na kagalingan at talento
kung saan nakaayon ang kagalingan ni Jessica Soho.
A. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang
kalooban.
B. Mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga
salita at mahahalagang petsa.
C. Interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
D. Ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess,
computer programming, at iba pang kaugnay na gawain.

____10. Sa paanong paraan mo mapapaunlad ang iyong sariling kakayahan?


A. Makinig sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa iyo.
B. Makipagtalastasan sa kapwa upang makita ang kagalingan.
C. Tukuyin kung nasaan na tayo ngayon at saan kailangang tumungo.
D. Magtiwala sa Diyos at magdasal upang malaman ang dapat na gawin.

____11. Kung gusto mong masiyahan sa iyong ginagawa o magiging trabaho, ito
ang nagsisilbing gabay sa iyo.
A. Hilig
B. Kakayahan
C. Oportunidad
D. Talento

____12. Si Florentino ay nasa yugto ng pagtuklas ng kanyang mga hilig dahil sa


kanyang palagay ito ay nararapat matuklasan bago siya pumili ng kanyang
track at strand sa Senior High School. Kung ikaw si Florentino, anong mga
hakbang ang nararapat mong gawin upang matuklasan ang iyong tunay na
hilig?
I. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.
II. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
III. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
IV. Magtanong sa mga nakatatanda.
A. I at IV
B. II at III
C. I, II at III
D. II, III at IV

____13. Anong hilig ang iyong taglay kung ikaw ay nasisiyahan sa pagpunta at
pagtuklas sa ibat-ibang lugar?
A. Artistic
B. Clerical
C. Computational
D. Outdoor

____14. Ano ang maitutulong ng pagtuklas ng iyong hilig at tuon sa iyong mapipiling
larangan sa hinaharap?
A. Upang mapaunlad ang mga ito.
B. Isasabuhay ang mga ninanais na gawin sa buhay.
C. Makakatulong sa pagtuklas ng iyong sariling kagalingan.
D. Maiiwasan ang pagkabagot o kabiguan sa pagiging abala.
____15. Sa paanong paraan mo mararamdaman ang kasiyahan sa iyong tatahaking
larangan?
A. Alamin ang Hilig at Tuon
B. Tuklasin ang mga Talento
C. Sundin ang kagustuhan ng Iba
D. Isipin ang sasabihin ng pamayanan

____16. Ano ang taglay na katangian ng kilos-loob?


A. maghusga
B. magpasya
C. magsuri
D. mangatwiran

____17. Kapag dumarami ang mga natutuklasan na mga kaalaman at karunungan.


Anong kilos ang inaasahang maipapamalas mo bilang isang tao?
A. i-share ito sa social media
B. makipagtalastasan sa ibat-ibang tao
C. humingi ng tulong sa mas nakatatanda
D. maging mapanagutan sa paggamit nito

____18. Paano inilarawan ni Sto.Tomas de Aquino ang kilos-loob?


A. kumilos na naaayon sa kagustuhan
B. naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama
C. pag-unawa sa mga kahulugan ng mga bagay
D. matalinong panghuhusga sa lahat ng pagkakataon

____19. Isinumbong ka ng iyong kaklase dahil pinakopya mo ng tamang sagot sa


Modyul ang iyong mga kaibigan. Dahil dito, pinaringgan mo siya sa facebook
at pinagsalitaan ng masama. Marami ang nagalit at huli na nang maisip mo
na hindi tama ang iyong ginawang pagpopost. Anong kilos ang dapat mong
ginawa sa sitwasyong ito?
A. Hindi ako dapat nagpost ng masama dahil may pagkakamali ako.
B. Hahayaan ko na lang na magalit sa akin ang mga nakakabasa.
C. Dapat lang na ipahiya ko siya dahil kinalaban niya ako.
D. Kakausapin ko siya at personal upang pagsabihan.

____20. Ito ay may mas mataas na pamantayan sa paghuhusga ng kilos o pasya


kung ito ay mabuti o masama.
A. Alituntunin sa simbahan
B. Batas ng Tao
C. Likas na Batas Moral
D. Utos ng mga magulang

___21. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang tama
at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon?
A. Kakayahan
B. Kilos-loob
C. Konsensya
D. Talino

___22. Ano ang mabuting naidudulot ng konsensya sa wastong paglalapat ng


kaalaman sa pagpapasya?
A. Nakikilala ng tao ang mga bagay na kanyang ginawa.
B. Natutukoy ng tao ang kanyang mabuting pagpapasya.
C. Napupuna niya ang mga pagkakamali na nakikita nya sa kanyang kapwa.
D. Nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at
tama o nagawa nang di maayos o mali.

___23. Masyado ka nawiwili sa paglalaro ng Mobile Legends kasama ng iyong mga


kaibigan. Dahil dito, hindi ka pa nakakasagot sa iyong mga modyul at
kailangan ng ipasa sa eskwelahan. Nagmamadali kang sumasagot sa iyong
mga SLMs ng biglang alukin ka ng iyong kaklase na kopyahin mo na lang ang
kanyang mga answer sheets. Anong angkop na kilos ang iyong gagawin sa
sitwasyong ito?
A. Sasagutin ko ang mga modyul kahit marami ang mga mali.
B. Hayaan ko na lang na bumagsak ako at babawi sa susunod.
C. Kokopyahin ko ang kanyang mga sagot upang makapagpasa ako sa oras.
D. Tatanggihan ko nang maayos ang aking kaklase at hihingi nang sapat na
oras sa aking guro.

___24. Ikaw ay inatasan ng iyong guro na maging IATF Protocol Officer ng inyong
klase sa limited face to face class. Bilang isang tao na may isip at kilos-
loob, ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay may mga kamag-aral na hindi
sumusunod sa protocol?
A. Mag-disinfect sa lugar kung saan sila nagkumpulan.
B. Magalit at lapitan sila upang tumigil sa kanilang ginagawa.
C. Ipaliwanag sa klase ang protocol at iulat ang pangyayari sa guro.
D. Kausapin sila nang may social distancing at ipaliwanag ang protocols.

___25. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan ng mga


kabataan?
A. magbisyo tulad ng alak, sigarilyo at barkada
B. umaalis nang walang paalam
C. maagang pakikipagrelasyon
D. mag-aral nang mabuti
___26. Si Monica ay maagang nakipagrelasyon sa edad na 12 taong gulang.
Patago silang nagkikita ng kanyang nobyo dahil pinagbabawalan siya ng
kanyang mga magulang. Para sa kanya sinusunod lamang niya ang kanyang
nararamdaman. Wasto ba ang paggamit niya ng kalayaan?
A. Hindi, magagalit ang kanyang mga magulang.
B. Oo, lahat ay may karapatang magmahal at mahalin.
C. Oo, hindi niya dapat pigilan ang kanyang nararamdaman.
D. Hindi, magiging malaya siya sa kanyang pasya pero hindi maaaring
magiging bunga ng kanyang pasya.

___27. Hinikayat si Carlo ng kanyang mga kaklase na maglaro ng basketbol at


huwag na muna sumagot sa kanyang mga modyul. Tinanggihan niya ang
anyaya ng kanyang mga kaklase dahil nalalapit na ang araw ng pagpasa ng
mga answer sheets sa eskwelahan. Mas gugustuhin pa niya na bigyang ng
oras ang kanyang pag-aaral kaysa sa maglaro ng basketbol. Anong
pamamaraan sa pagpapaunlad ng paggamit ng kalayaan ang ipinakita ni
Carlo?
A. Maging matalino sa pagpapasya para sa ikabubuti ng sarili at ng
nakararami.
B. Piliin lagi ang tama at maging responsable sa bawat pagpapasyang
gagawin.
C. Sumunod sa alituntunin ng Likas na Batas Moral kung nanaisin.
D. Maging mapanuri sa mga gawi at kinikilos ng mga kaibigan.

___28. Ito ay ang karapatan o pagiging karapat-dapat ng isang tao na respetuhin at


pahalagahan ng kanyang mga kapwa tao.
A. dignidad
B. kalayaan
C. katarungan
D. pagmamahal

___29. Ano ang kailangan kong gawin bilang patunay na iginagalang ko ang
kaniyang dignidad ng aking kapwa?
A. Sasawayin ko ang kanilang desisyon kapag ito ay mali.
B. Tutulong ako sa aking kapwa sa abot ng aking makakaya.
C. Ibibigay ko ang aking paggalang kapag nakakasama ko lang sila.
D. Hindi ako titingin sa antas ng kanilang buhay; mayaman man o mahirap.

___30. Kilalang mayamang pamilya ang mga Dela Cruz. Marami silang negosyo
kaya ang mga katulong sa bahay ang nag-aasikaso sa kanilang mga anak.
Hindi iba ang turing sa kanilang mga kasambahay, kasama nila itong
kumakain at ibinibigay ang kanilang mga kailangang benepisyo. Anong
pamamaraan ng paggalang at pagmamalasakit ang kanilang ipinamalas sa
kanilang mga kasambahay?
A. Pagkilala sa kanilang dignidad at pagkapantay-pantay bilang nilalang ng
Diyos.
B. Pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan sa abot ng kanilang
makakaya.
C. Pag-unawa sa kanilang kalagayan bilang mga kasambahay.
D. Pakikitungo ayon sa kanilang dangal bilang tao.

___31. Ang salitang “birtud” ay mula sa salitang latin na “virtus” nangangahulugang


pagiging ____.
A. mahiyain
B. maingay
C. malakas
D. matalino

___32. Upang magkaroon ng birtud ang isang tao, nararapat na paulit-ulit niyang
gawin ang isang gawain. Ano ang dalawang uri ng birtud na dapat makamit ng
isang tao?
A. Patas at malakas na Birtud
B. Paulit-ulit at Sanay na Birtud
C. Intelektwal at Moral na Birtud
D. Malaya at Kapayapaang Birtud

___33. Nakasanayan na ni Clarissa na tulungan ang kanyang kaibigan na


Nahihirapan sa kanilang asignaturang matematika. Bago siya umuwi ay
naglalaan siya ng oras upang turuan ang kanyang kaibigan. Ano ang birtud na
nahuhubog sa kaniya sa pagsasagawa nito?
A. Paglilingkod sa iba
B. Pakikisalamuha sa iba
C. Pagiging guro sa hinaharap
D. Pagiging mabuting mag-aaral

___34. Kumakain ng gulay, prutas at iba pang mga masustansyang pagkain si


Nicole at umiinom ng gatas araw-araw upang magkaroon ng malusog na
pangangatawan. Anong katangian ng pagpapahalaga ang tumutukoy sa
sitwasyong ito?
A. Hindi nagbabago na pagpapahalaga.
B. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao.
C. Sumasaibayo sa isa o maraming indibidwal.
D. Lumilikha ng kung ano ang nararapat at dapat gawin.

___35. Pagkagaling sa palengke ay sumakay ka ng jeep pauwi. Nagbayad ka sa


driver at pagbaba mo ay iniabot sa iyo ang sukli. Huli na nang iyong mapansin
na sobra ang perang isinukli sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibibigay ang sukli sa mga bata na makikita sa lansangan.
B. Ibibigay sa kaibigan upang pandagdag ng pambili ng meryenda.
C. Itatago ang sobrang sukli at kapag muling nakita ang driver ay ibalik ito.
D. Itatago ang sukli at gagamiting panggastos sa oras ng pangangailangan.

___36. Ang mga sumusunod ay hirarkiya ng pagpapahalaga maliban sa:


A. Banal
B. Intelektwal
C. Pambuhay
D. Pandamdam

___37. Habang ang tao ay nagkakaedad, mas pinipili nya na ang mga mga desisyon
niya sa buhay ay makabubuti sa mas maraming tao. Pinipili at sinasala niya
ang kanyang mga desisyon sa buhay upang ito ay magdulot ng mas higit
pang kabutihan para sa lahat. Anong uri ito ng pagpapahalaga?
A. Banal
B. Ispiritwal
C. Pambuhay
D. Pandamdam

___38. Paano maisasabuhay ang mataas na antas ng pagpapahalaga?


A. Pag-iwas sa masamang bisyo.
B. Piliing gawin ang tama at mabuti sa lahat ng pagkakataon.
C. Unawain ng mabuti ang mga leksyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao.
D. Sa pamamagitan ng pagninilay sa pinakamataas na antas ng
pagpapahalaga.

___39. Lubos na nakalilibang ang paggamit ng social media. Dahil dito maraming
kabataan ang nagkakaroon ng malalim na kaalaman sa bawat bagay at
pangyayari sa paligid natin. Paano natin masasabi na mapanagutan ang
paggamit natin ng media?
A. Pagsusuri kung ang nilalaman ay makulay.
B. Pagsusuri kung ang nilalaman ay nakakatuwa.
C. Pagsusuri kung ang nilalaman ay napapanahon.
D. Pagsusuri kung ang nilalaman ay may katotohanan.

___40. Bago gumawa ng isang desisyon sa buhay, nararapat na ating suriin ang
mga posibilidad na kahantungan nito sa hinaharap upang makaiwas sa
pagkakamali. Anong uri ng panloob na salik ang dapat na umiral?
A. Konsensya
B. Disiplinang pansarili
C. Mapanagutang paggamit ng kalayaan.
D. Pagiging sensitibo sa gawang masama
___41. Hindi sinasadya ni Julie ang pagkakahulog ng platong kanyang hawak
habang hinuhugasan nya ito. Alam niya na ito ang paboritong plato ng
kanyang lola kaya't agad niyang sinabi sa lola ang totoo. Anong panloob na
salik ang nahuhubog sa pagkatao ni Julie batay sa sitwasyon?
A. Konsensya
B. Disiplinang Pansarili
C. Pagsasabuhay ng mga Birtud
D. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

___42. Ano ang dapat mong gawin upang mapataas ang antas ng iyong
pagpapahalaga?
A. Pumili ng pagpapahalaga na nasa mababang antas.
B. Isipin ang mga pagpapahalaga at pagnilayan ang mga ito.
C. Sikapin na magkaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan sa pagpili ng
tama.
D. Pag aralan ang pagpili ng pagpapahalaga mula sa mababang antas
hanggang sa mataas na antas.

___43. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng wastong paggamit ng


media?
A. Panonood ng anumang palabas sa telebisyon na nais panoorin.
B. Pagbabahagi ng mga post sa Facebook na nagpapakita ng imoralidad.
C. Pagsusuri sa mga tamang impormasyon na tatanggapin o tatangkilikin.
D. Pakikinig sa mga musikang uso at napapanahon kahit hindi nauunawaan ang
mensahe.

___44. Marami tayong pinapahalagahan sa ating buhay at sa ating paligid. Kailan


natin masasabi na ang ating pagpapahalaga ay obhektibo?
A. Hindi kailanman magbabago ang pagpapahalaga.
B. Nakadepende sa tao ang kanyang pagpapahalaga.
C. Ang pagpapahalaga ay nakadepende sa sitwasyon.
D. Ang pagpapahalaga ay nakadepende sa pangangailangan.
___45. Bilang isang studyante, ano ang pinakamabuting gawin upang maisabuhay
ang pagpapahalaga sa pag-aaral?
A. Pakikinig at pakikilahok sa talakayan sa klase.
B. Pag-aaral ng aralin kapag napagsabihan ng guro.
C. Paggawa ng mga takdang-aralin sa oras ng klase.
D. Pagpapataas ng marka upang bigyan ng pera ng mga magulang.

___46. Ang pagpapasya ay isang proseso. Nangangahulugan ito na:


A. Ang pagpili ay walang pagtatangi.
B. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya.
C. Alinman sa mga ito ay hindi nangangailangan ng kasanayan upang
makagawa ng pasya.
D. Ang mga maaring kahantungan o maging epekto ng pagpapasya ay hindi
nagkakamali.
___47. Alin ang naglalarawan ng tamang pagpili gamit ang isip at damdamin?
A. Isip ang umiiral sa ginagawa nating pagpili kaysa damdamin.
B. Sapat na ang damdamin upang tayo ay makagawa ng pagpili.
C. Ang kagustuhan ng damdamin na laging salungat sa isip ang pipiliin
D. Sa ating pagpili,sinasala ng ating damdamin ang anumang natuklasan ng
ating isip.

___48. Sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler ano ang dahilan kung kaya
ang tao ay mayroong kakayahan na kilalanin at gawin ang tama at nararapat?
A. Tao lamang ang biniyayaan ng isip at kilos-loob.
B. Mas mataas na kabutihan ang tumulong sa kapwa.
C. Tungkulin ng bawat indibidwal na panindigan ang tama at mabuti.
D. Nagbabago ang antas ng pinapahalagahan ng tao sa paglipas ng panahon.

___49. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang may mas mataas na antas ng
kabutihan (higher good)?
A. Pag-anyaya ng mga tao para sa isang salu-salo.
B. Pagsisikap na maibigay ang hiling ng taong may kaarawan.
C. Pamimigay ng mga damit at pagkain sa mga nangangailangan.
D. Pagsasama –sama ng mga magkakaibigan para sa isang okasyon.

___50. Kinabukasan, hindi makita ni Ysa ang libro na kailangan sa asignatura.Nakita


niya ito sa ibabaw ng upuan ni Jody.Nagpasya agad siya na usigin ang
kaibigan
sa pag-aakalang kinuha nito ang aklat ng walang paalam. Anong hakbang sa
mabuting pagpapasya ang hindi naisaalang-alang ni Ysa sa kanyang naging
reaksyon sa sitwasyon?
A. Magkalap ng kaalaman.
B. Magnilay sa mismong aksyon
C. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
D. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.

___51. Si Marco ay nahihirapan sa pagsasagot sa kanyang mga written task sa


asignaturang Matematika. Ang makapagpasa sya bago ang takdang oras ng
sagot na kinopya o ang hindi magpasa subalit maari siyang bumagsak sa
asignatura. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagninilay upang makabuo
ng mabuting pasya si Marco?
A. Hindi na malalaman ng guro ang pangongopya sa Matematika.
B. Mangopya ng sagot dahil sa huli mahalaga pa rin ang pumasa.
C. Makikipag-usap sa guro dahil mahalaga pa rin ang pagiging tapat.
D. Hindi na lang muna magpasa at bahala na ang bumagsak sa asignatura.

____52. Basahin ang mga sumusunod na personal mission statement. Alin sa mga
sumusunod ang may pagkakapareho ng layunin?
I. Ang buhay ay parang pagsakay sa isang bisikleta, kailangan mong
panatillihin ang iyong balanse upang makarating sa paroroonan
II. Ang kabiguan ay naging bahagi ng buhay upang tayo’y maging
mapagpasalamat sa mga mumunting biyaya ng buhay.
III. Matutong makuntento sa biyayang kaloob sa akin.
IV. Ang boses mo at ang bawat isa sa atin ay mahalaga.

- Kryshna T. Gayola
Manila Science High School
A. I at IV
B. II at III
C. Lahat ay magkakapareho ng layunin sa buhay.
D. Wala sa mga pagpipilian ang magkapareho ng layunin.

___53. Ang mga kasabihan o motto ay maaaring gamitin bilang pahayag ng iyong
personal na layunin sa buhay.Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang mahalaga sa ibang tao ay dapat na mahalaga din sayo.
B. Pumili ng ilang mga kasabihan na may halaga sa iyo at tunay na
pinaniniwalaan
mo.
C. Gayahin ang nagugustuhang personal mission statement ng iba kahit hindi ito
ang tugma sa mga nais mo sa buhay.
D. Ang mga pagpapahalaga ng iba ay katulad din ng mga pagpapahalaga mo sa
buhay.

___54. Alin ang sangkap sa proseso ng mabuting pagpapasya ang tiyakin na


kagustuhan natin ang ginawang pagpili?
A. isip
B. panahon
C. damdamin
D. pagsangguni

___55. Nararapat na malaya sa mga panloob o subconscious na pag-uudyok na


maaaring pamahalaan ang ating pagpapasya ng lingid sa ating kaalaman. Ang
pahayag na ito ay:
A. Mali, dahil dito naaalala natin na mula’t sapul pa, tayo ay may kalayaan.
B. Tama, dahil ang tao ay nabubuhay sa mundo na kasama ang kaniyang
kapwa
C. Mali, dahil hindi tayo maaaring humingi ng payo sa ating mga malalapit na
kaibigan.
D. Tama, dahil hindi natin dapat hayaang maimpluwensyahan tayo ng opinyon
ng
iba sa paraang nawawalan na tayo ng kalayaan.
____56. Tayo ay walang kalayaan at pananagutan sa ating pagpapasya. Ang
pahayag
na ito ay:
A. Mali, dahil ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob.
B. Tama, dahil sapat na ang kaalaman para magpasiya at mamili ng lahat ng
tao.
C. Mali, dahil hindi pa ganap ang tiwala ng tao sa kanyang kakayahan sa
pagpapasya.
D. Tama, dahil ito ang dahilan kung bakit binibigyan din tayo ng laya na
magpasiya para sa ating sarili.

____57. Ano ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na


maging
malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin?
A. pag -aalay
B. pagsisimba
C. panalangin
D. paghingi ng palatandaan

___58. Kanino dapat makabubuti ang ginagawang pagpapasya?


A. sarili,kapwa,lipunan
B. sarili,pamahalaan,paaralan
C. pamilya,pamahalaan,simbahan
D. simbahan,pagamutan,pamilihan

___59. Kung ikaw ay katulad ng taong nagpapahalaga sa pagngiti at kung paanong


makakatulong ito upang makamit ang layunin sa buhay alin sa mga
sumusunod ang maaari mong gamitin bilang personal na pagpapahayag ng
misyon sa buhay?
A. Dahil sa iyong pananalita mo, ginagawa mong mas maganda ang buhay
– Thich Nhat Hanh
D. Ang layunin ng buhay ng tao ay ang magsilbi, at ang magmalasakit at
tumulong
sa kapwa.– Albert Schweitzer
C. Hindi mo matatawid ang karagatan sa pamamagitan lamang ng pagtayo at
pagtitig sa tubig.– Rabindranath Tagore
D. Ngumiti sa harap ng salamin. Gawin mo ito tuwing umaga at mapapansin mo
ang malaking pagbabago sa iyong buhay.– Yoko Ono

___60. Bakit mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag ng layunin sa buhay?


A. Ito ay nagsisilbing gabay sa ating mga pagpapasya upang hindi na mabago
pa.
B. Mahalaga ito dahil sa una pa lang alam na natin ang gusto nating mangyari
sa
ating buhay.
C. Kailangan ito upang bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga pabago-bagong
mithiin sa buhay
D. Kailangan ang personal na pahayag ng layunin sa buhay upang panatilihing
maging matatag sa anumang pagsubok na dumating sa iyong buhay.

Susi sa Pagwawasto:

1. A 16. B 31. C 46. B


2. C 17. D 32. C 47. D
3. D 18. B 33. A 48. A
4. B 19. A 34. B 49. C
5. D 20. C 35. C 50. A
6. D 21. C 36. B 51. C
7. C 22. D 37. B 52. B
8. A 23. D 38. B 53. B
9. B 24. C 39. D 54. C
10. C 25. D 40. C 55. D
11. A 26. D 41. A 56. A
12. C 27. B 42. C 57. C
13. D 28. A 43. C 58. A
14. D 29. D 44. C 59. D
15. A 30. A 45. A 60. D
REpublika ng Pilipinas
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Table of Specification
DIAGNOSTIC ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
S.Y.2021-2022

No. of Structure of
Items Observed Revised Bloom’s Taxonomy (RBT)
Skill/Competency Learning
Outcomes COGNITIVE LEVELS
(SOLO) Dimensions Remem- Under- Applying Analyzin Evaluati Creatin
bering Standing g ng
(Item (Item (Item (Item
Placement) Placement) Placement) (Item (Item Placemen
Placement) Placement)
QUARTER 1
1.1 Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili 1 Uni-structural 1
mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa (U)
aspetong: Factual
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
Multi- Conceptual
(more mature relations) sa mga kasing edad structural
(Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan ‘
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at
paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat
na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang
nagdadalaga / nagbibinata

1.2 Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili


na may pagtataya sa mga kilos tungo sa maayos na pagtupad 1 Relational Procedural 2
ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga / nagbibinata
1.3 Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos
na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence):
(paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa 1 Relational Procedural 3
pag-aasawa / pagpapamilya, at pagkakaroon ng mga
pagpapahalagang gabay sa mabuting asal), at pagiging
mabuti at mapanagutang tao pag-unawa ng kabataan sa
kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak, kapatid,
mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer
ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang
paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda
sa susunod na yugto ng buhay
1.4 Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa
paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
Metacognitive
(developmental tasks) maging ang mga gawaing Relational (R)
angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga 1 4
tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/
nagbibinata

2.1 Natutukoy ang kanyang mga talento at 1 Multi- Conceptual 6


kakayahan
structural (M)
2.2 Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan
kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang mga 1 Extended Metacognitive 7
paraan kung paano lalampasan ang mga ito Abstract
2.3 Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad
ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga
sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin
Multi- Conceptual 8
ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng 2 9
structural (M)
tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad
ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan

2.4 Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa


Uni-structural Factual
pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan
upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at 1 10
kilos araw-araw.

Multi- Factual
3.1 Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga structural (M)
hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal- 2 11
Extended
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay Abstract Metacognitive 12
3.2 Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at
Uni-structural Factual
tuon ng mga ito 2 Multi- 13 14
structural Conceptual

3.3 Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay


makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa
pamayanan
3.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa 1 Relational Metacognitive 15
pagpapaunlad ng kanyang mga hilig
QUARTER 2
5.1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at Uni-structural
1 Factual 16
tunguhin ng isip at kilos-loob (U)
5.2. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa Multi-
1 Procedural 17
gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob structural (M)
5.3. NaipaliLiwanag na ang isip at kilos-loob ang
nagpapabukod-tangi sa Extended
1 Metacognitive 18
tao, kaya ang kanyang mga pagpapasiya ay dapat Abstract (EA)
patungo sa katotohanan at kabutihan
5.4. Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na
pagpapasiya tungo sa katotohanan at kabutihan 1 Relational (R) Metacognitive 19
gamit ang isip at kilos-loob.
6.1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na
Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay
Multi-
may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo 2 Conceptual 20 21
structural (M)
nito ay likas sa tao na dapat
gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
6.2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin
Multi-
ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang 1 Metacognitive 22
structural (M)
prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
6.3. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang
mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon batay
1 Relational (R) Procedural 23
sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas
Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
6.4. Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay 0 Relational (R) Metacognitive
sa Likas na Batas Moral upang magkaroon ng
angkop na pagpapasiya at
kilos araw-araw.
7.1. Nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan Multi-
1 Conceptual 24
ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan structural (M)
7.2. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng
2 Relational (R) Metacognitive 25 26
kabataan ang kalayaan
7.3. Nahihinuha na likas sa tao ang malayang
pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang
0 Relational (R) Metacognitive
kalayaan ay may kakambal na pananagutan para
sa kabutihan
7.4. Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang
Extended
upang baguhin o paunlarin ang kaniyang paggamit 1 Procedural 27
Abstract (EA)
ng kalayaan
8.1. Nakikilala na may dignidad ang bawat tao
Multi-
anoman ang kanyang kalagayang panlipunan, 1 Factual 28
structural (M)
kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa
8.2. Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang
Extended
sarili at kapwa na may pagpapahalaga sa dignidad 0 Metacognitive
Abstract (EA)
ng tao
8.3. Napatutunayan na ang:
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang
nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad
Extended
ng pagmamahal sa sarili at 1 Metacognitve 29
Abstract (EA)
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay
nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho
nilang tao
8.4. Naisasagawa ang mga konkretong paraan 1 Extended Metacognitve 30
upang ipakita ang paggalang at Abstract (EA)
pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit
na nangangailangan kaysa sa kanila
QUARTER 3
9.1. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng
birtud at pagpapahalaga EsP7PBIIIa-9.1
9.2.Nakikilala: 3 31, 32 33
(a) ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay Multi
(b) ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay Conceptual
Structural(M)
ng mga birtud at pagpapahalaga "EsP7PBIIIa-9.2
9.3.Napatutunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay 1
ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na
Relational (R) Metacognitive 34
pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud
(acquired virtues) EsP7PBIIIb-9.3
9.4.Nailalapat sa pang-araw-araw na buhay ang mga
Multi
tiyak na hakbang sa pagsasabuhay ng mga birtud Metacognitiv 35
Structural(M)
EsP7PBIIIb-9.4 1
10.1.Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga
Relational ® Conceptual 36,37
at ang mga halimbawa nito EsP7PBIIIc-10.1 2
10.3..Naipaliliwanag na ang pinili nating uri ng
pagpapahalaga mula sa hirarkiya ng mga
pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad
ng ating pagkatao EsP7PBIIId-10.3 0
10.4.Nailalapat sa pang-araw-araw na buhay ang mga
tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng mga Multi Structural
Metacognitive 38
pagpapahalaga tungo sa makatotohanang pag- unlad (M)
ng pagkatao EsP7PBIIId-10.4 1
11.1. Naipaliliwanag ang mga panloob na salik na
Extended
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga Metacognitive 39
Abstract (EA)
pagpapahalaga EsP7PBIIIe-11.1 1
11.2. Nasusuri ang isang kilos batay sa isang panloob
Multi
na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga Metacognitive 39
Structural(M)
pagpapahalaga EsP7PBIIIe-11.2 1
11.3. Nahihinuha na ang paglalapat ng mga panloob na
salik sa pang-araw-araw na buhay ay gabay sa
Relational ® Metacognitive 40,41
paggawa ng mapanagutang pasiya at kilos EsP7PBIIIf-
11.3 2
11.4. Naisasagawa ang mga tiyak na hakbang na
ilalapat sa pang-araw-araw na gawain at pagpapasiya
Extended
na makatutulong sa paghubog ng bawat panloob na Metacognitive 42
Abstract (EA)
salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga
pagpapahalaga. “EsP7PBIIIf-11.4 1
12.1. Naisa-isa ang mga panlabas na salik na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng pagpapahalaga Relational ® Conceptual
EsP7PBIIIg-12.1 0
12.2. Nasusuri ang isang kilos o gawi batay sa impluwensiya Multi
Metacognitive
ng isang panlabas na salik EsP7PBIIIg-12.2 0 Structural(M)
12.3. Napatutunayan na ang pag-unawa sa mga panlabas na
salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga
pagpapahalaga ay nakatutulong upang maging mapanuri at
Relational ® Metacognitive 43 44
mapanindigan ang tamang pasya at kilos sa gitna ng mga
natutunggaling impluwensiya
EsP7PBIIIh-12.3 2
12.4. Naisasabuhay ang pagiging mapanuri at pagiging
mapanindigan sa mga pasya at kilos sa gitna ng mga
Multi
nagtutunggaliang impluwensiya ng mga panlabas na salik na Metacognitive 45
Structural(M)
nakaiimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga
EsP7PBIIIh-12.4 1
QUARTER 4
14.1.NaipaliLiwanag ang kahalagahan ng
makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay -EsP7PB- 4 Relational (R) Metacognitive 46,58 57 47
IVc-14.1
14.2.Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon 5 Multi Conceptual 53 49 48 56
sa Buhay kung ito ay may pagsasaalang-alang sa
Structural(M)
tama at matuwid na pagpapasiyaEsP7PB-IVc-14.2
14.3. Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang pagpapasiya upang
4 Relational (R) Metacognitive 55 51, 52 50
magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang
mga pangarapEsP7PB-IVd-14.3 54
14.4. Naisasagawa ang pagbuo ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Extended
2 Procedural 60 59
Buhay batay sa mga hakbang sa Abstract (EA)
mabuting pagpapasiyaEsP7PB-IVd-14.4
60 9 14 9 12 9 7

Inihanda ng:

SDO-PAMPANGA AT SDO-BALANGA CITY

You might also like