Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________________________Baitang at Seksyon:

_______________ Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 7 Guro:


_____________________________Iskor: ________

Aralin : Unang Markahan, Ikawalong Linggo, LAS 3


Pamagat ng Aralin : Yamang Tao sa Asya
Layunin : Naibibigay ang mahahalagang kaalaman at epekto ng pandemyang covid-
19 sa mga Asyano
Sanggunian : MELC, AP 7 Learning Materials/ Batayang Aklat
Manunulat : Nelia D. Velasquez

Ayon sa ulat ng United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population
Division, sinasabing 59.76% ng kabuuang populasyon sa mundo ay mula sa Asya. Tinatayang 4.6
bilyon ang kabuuang bilang ng populasyon sa Asya sa pagpasok ng taong 2020. Hindi
maipagkakailang higit sa kalahati ng tao sa mundo ay mula sa Asya. Patunay dito ay ang
dalawang (2) bansa na may pinakamalaking populasyon, ito ay ang bansang China na
matatagpuan sa Silangang bahagi ng Asya at ang India na nasa katimugang bahagi. Sinasabi sa
ulat na sa kasalukuyan tinatayang nasa 1.4 bilyon ang populasyon ng China habang ang India
naman ay 1.3 bilyon. Hindi magkalayo ang bilang ng tao sa dalawang bansa. Ngunit paano kung
sa bansang may pinakamaraming tao magsimula ang problemang kakaharapin hindi lamang ng
Asya kundi ng buong mundo?

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Asya habang papasok ang taong 2020 ay ang
pandemyang Covid-19 na pinaghihinalaang unang nagsimula sa China. Patuloy ang pagkalat ng
nasabing sakit na umabot din sa India. Paano nilalabanan ng dalawang bansa ang problema?
Batay sa kasalukuyang ulat ng World Health Organization, sa higit isang bilyong kabuuang
populasyon ng China higit 82,000 rito ay kumpirmadong nahawa ng virus kung saan 78,000 ang
nakarekober at mahigitkumulang 4, 000 ang namatay. Ang India naman ay may kabuuang bilang
ng populasyon na tinatayang 1.3 bilyon. Humigit-kumulang 100,000 ang kumpirmadong may
Covid-19, higit 36,000 ang nakarekober at higit 3,000 naman ang mga namatay. Ang dalawang
bansa ay parehong may malaking populasyon ngunit may ideya ka ba kung bakit mas kaunti ang
kaso ng Covid-19 sa China kumpara sa India? Marahil ay magkaiba ang pagtugon ng dalawang
bansa sa sakit na ito. Maaari din namang isaalang-alang ang bahaging ginagampanan ng
katangian ng populasyon ng isang lugar o bansa sa pagharap hindi lamang sa banta ng Covid19
kundi sa anumang hamon ng lipunan.

Natuto? Punan Mo! Panuto: Punan ang mga patlang bago ang bawat bilang.
____________1. Ang kasalukuyang nag-uulat ukol sa nakahahawang sakit o kalusugan ng tao sa
mundo
____________2. Ang suliraning kinakaharap ng Asya habang papasok ang taong 2020.
____________3. Ang bansa na makikita sa Asya na pinaghihinalaang nagsimula ang pandemya
____________4. Ang kumpirmadong bilang ng tao na nahawa sa pandemya sa bansang China.
____________5. Ang bansa na may kabuuang bilang ng populasyon na 1.3 bilyon.
____________6. Ano ang dahilan kung bakit kaunti ang kaso ng covid 19 sa China kumpara sa
India?
____________7. Ilang bahagdan ng populasyon ang nagmula sa Asya ayon sa United Nations
Department of Economic and Social Affairs, Population Division
____________8. Ang bansa na may pinakamaraming bilang ng populasyon na makikita sa Asya.
____________9.
Dalawang bansa sa Asya na may pinakamalaking bilang ng populasyon at
unang naapektuhan ng pandemyang covid -19
____________10

This space is
for the QR
Code

You might also like