Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Light Magical Palace

Tauhan:
Golden Krystal Samantha - Magical Princess
Kylie - Reyna; ina ni Krystal
Kyle - Hari; ama ni Krystal
Matthew Kleid - Prisipe ng Apoy; ang nakatakda kay Krystal
Alliyah - ina ni Matthew
Brent - ama ni Matthew
Kimberly Rhose Aira - Prinsesa ng Hangin
Elijah - ina ni Kimberly
Raikko - ama ni Kimberly
Rhianne Mandy Oceana - Prinsesa ng Tubig
Eana - ina ni Rhianne
Cross - ama ni Rhianne
Archie Kobi - Prisipe ng tubig; kapatid ni Rhianne
Natalia Icelyn - Prinsesa ng Yelo
Ice - ina ni Natalia
Ash - ama ni Natalia
John Liam - Prinsipe ng Yelo; panganay na kapatid ni Natalia
Marco Dexter - Prinsipe ng Lupa
Minnea - ina ni Marco
Darwin - ama ni Marco
Earthiana Maria Louise - Prinssa ng Lupa; kapatid ni Marco
Axel Brix - Prinsipe ng Pagkontrol
Marie - ina ni Brix
Kurt - ama ni Brix
Cristian Khen - Prinsipe ng Pagkontrol;kapatid ni Brix

~.~.~.~.
Dark Immortals - nagtangkang sakupin ang Light Magician Palace
~.~.~.~.~.

Tagpuan:
Light Magician Palace
Light Academy
Dark Immortal World
~.~.~.~.

Suliranin:
Pagsakop ng Dark Immortals sa Light Magician palace at Light Academy at kawalan ng laban ng mga
light magicians.

Light Magician Palace


Ang kwentong ito ay nangyari sa isang madilim at malamig na paligid. Mayroong mga hari’t reyna
ang bawat kaharian. Sa kaharian ng apoy ay namumuno sina haring Brent at reyna Alliyah kasama ang
nag-iisang anak nila na si prinsipe Matthew Kleid. Sa kaharian naman ng Hangin ay namumuno sina
haring Raikko at reyna Elijah kasama si prinsesa Kimberly Rhose Aira. Sina haring Cross, reyna Eana,
prinsesa Rhianne Mandy Oceana, at prinsipe Archie Kobi naman ang namumuno sa kaharin ng Tubig. Si
prinsesa Natalia Icelyn, prinsipe John Liam kasama sina haring Ash at reyna Ice naman ang namumuno
sa kaharian ng Yelo. Sa kaharian naman ng Lupa namumuno sina prinsipe Marco Dexter kasama
angkanyang kaptid na si prinsesa Earthiana Maria Louise at ang kanilang mga magulang sina haring
Darwin at reyna Minnea. Sa kaharian naman kung saan makokontrol mo ang lahat ay namumuno sina
haring Kurt, reyna Marie, pinsipe Axel Brix at prinsipe Cristian Khen. At ang pinkahuling kaharian, ang
kaharian kung saan namumuno sina haring Kyle, reyna Kylie at ang nawawalang prinsesa na si prinsesa
Golden Krystal Samantha. Sa kabilang dako naman ng mundo ay matatagpuan ang Dark Immortals na
tanging hangad ay ang masakop ang Light Magician Palace.... Ngayon ay tunghayan natin ang kwento ng
dalawang bahagi ng muno, ang kabutihan at kasamaan..

Nagtatakbuhan ang lahat sa daanan, maraming duguan at walang malay. Maraming patuloy sa
paglaban upang maipagtanggol ang kani-kanilang kaharian. Kasabay ng masalimuot na pangyayaring
ito ang pagsilang ni Reyna Kylie sa sinasabing magiging pinakamalakas sa lahat si Prinsesa Golden
Krystal Samantha. Matapos isilang ang prinsesa ay agad na nawalan ng malay ang reyna samantalang
patuloy naman sa paglaban si Haring Kyle. Tulog na tulog ang Reyna at sa hindi inaasahang
pagkakataon, ay nakapasok ang reyna ng dark immortals at kinuha ang prinsesa sa pagkakataong iyon
ay natapos ang laban at nagising si Reyna Kyle ngunit nakaalis na ang reyna ng dark kasama ang
kanyang prinsesa.
Lumipas ang ilang taon ay hindi parin nakikita ang prinsesa na sa pagkakaalam ng lahat ay dinala
ng dark queen ang kanilang prinsesa sa mortal world. Isinilang nadin ang iba pang prinsipe at prinsesa
na sila na ngayong humahanap sa nawawalang prinsesa.
“Guys tara na, pinaatawag daw tayo ni Headmaster”, sabi ni Kimberly
“k”, maikling sagot ng mga kasama niya.
Pumunta na sila sa headmaster’s office. Sinabi ni Headmaster ang kinakailangan nilang gawin.
“HM bakit mo kami ipinatawag?” takang tanong ni Sofia
“Ipinatawag ko kayo sa isang misyon ito ay para hanapin ang nawawalang prinsesa sa mortal world.
Kailangan nyo siyang mahanap bago pa tayo maunahan ng mga dark. Bukas ang simula ng misyon nyo
maaari na kayong bumalik upang maghanda.”, mahabang lintanya ni HM
Umalis na ang mga prinsesa at prinsipe upang maghanda. Nang makarating sila sa dorm nila ay
nagpahinga na lamang sila.Samantala sa mundo naman ng mga tao ay may nagngangalang Krystal na
palaging malungkot at napakalamig ng ugali. Wala na siyang magulang dahil namatay ang mga ito sa
plane crush kasama ang mga magulang ng kaibigan niya. Alam niyang ampon lamang siya ng kanyang
mga magulang. Nawala din ang kanyang kaibigang si Endaline 3 araw matapos mamatay ang kanilang
mga magulang. Isang araw habang nasa paaralan, napagpasyahan ni Krystal na pumunta sa hardin ng
kanilang paaralan at doon ay hindi niya inaasahang makita ang isang puno na may kulay itim na butas
at nakita din niya doon ang isang kwintas. Nang mahawakan niya ang kwintas ay bigla siyang nahilo
dahilan para mahulog siya sa portal. Sa mundo naman ng mahika ay nakalabas na ng akademya sina
prinnsesa Sofia para sa kanilang misyon pero nakita nila si Krystal dahilan para hindi sila matuloy at
ibigay sa iba ang misyon. Dinala nila si Krystal sa kanilang dorm at inilagay sa isang bakanteng kwarto at
naibalita narin nila iyon kay HM. Nang magising si Krystal ay nakarinig siya ng ingay.

“Guys pede wag kayong maingay baka magising si Krystal”, sabi ni Natalia sakto namang nagising si
Krystal.
“Hmm... Bakit ang ingay?, nasan ako?”, tanong ni Krystal
“ sabi ko sa inyo eh. Nandito ka sa bahay namin wag kang magalala ligtas ka dito”, sabi ni Natalia
“k”, Maikling sagot ni Krystal. Nagpakilala naman ang mga prinsesa at prisipe sa kanya.
“I’m Krystal Samantha” maikling sagot ni krystal at nahalata naman niya ang pagkagulat sa mukha ng
mga kasama niya.
“k, kapangalan mo pala ang prinsesa”, sabi ni Maria
“I Know”, sagot ni Krystal
“Anong magic mo?”, sabay na tanong nina Rhianne at Marco
“Water Mage”, sabi ni Krystal
“Bakit ang cold mo?”, tanong ni Archie
“Tss..”, sabi ni Krystal
“Manahimik ka na lang kasi naiinis na kasi siya. Hali’na kaya kayo at kumain na lang tayo ng dinner”,
sabi ni Maria at pumunta na sila sa kusina para kumain. Matapos nilang kumain ay nagpahinga na sila.
Kinabukasan ay nagluto na si Krystal at naipaliwanag na ni Sofia sa kaniya na ngayon ang simula ng training
nilang lahat. Nagising na ang lahat at naghanda na. Matapos iyon ay umalis na sila at pumunta na ng
training grounds.
“ahmmm Matthew ikaw ang magtetrain kay Krystal..”, sabi ni John at umoo naman si Matthew at hinila
na palayo sa kanila si Krystal
“Hindi na naman siguro ako mahihirapan para matrain ka. Tama?”, sabi ni Matthew
“oo”, sagot ni Krystal at nagsimula ng magconcentrate para makausap ang water goddess.Lumipas ang
ilang minuto ay lumutang siya at nang bumukas ang kanyang mga mata ay may kulay ito.
“Kausap na niya ang goddess”, sabi ni Rhianne na kakapasok pa lamang kasama ang iba. Tumango
naman ang iba sa kanyang sinabi. Muling lumipas ang ilang minuto at biglang nahimatay si Krystal at nasalo
naman ito ni Matthew. Dinala nila ito sa clinic upang magamot. Sinabi ng doktor na maayos na ang
kalagayan ni Krystal. Maya- maya pa ay nagising na si Krystal.
“Krystal, kamusta ka na?”, tanong ni Axel kay Krystal at tumango naman ito
“ Uwi na tayo”, sabi ni Krystal at nabigla naman ang mga ito. Sa halip na magsigawan sila ay sinunod na
lang nila si Krystal.Habang papunta sa dorm ay nagmamasid sa kanila ang mga dark. Bigla itong lumabas sa
harapan nina Krystal at sinubukang patamaan sila.
“Naku po!!!! Mga darks. Delikado dit si Krystal” sabi ni Cristian
“Tama kayo pero hindi nyo kami matatakasan”, sabi ng isang dark
“anong bang kailangan nyo?”,tanong ni Archie
“Hindi ano kundi sino”, sagot ng mga dark
“Sige, sino?”, tanong ng mga prinsesa at prinsipe
“Siya”, sabay turo ng mga dark kay Krystal
“Siya ang kailangan namin dahil siya ang nawawalang prinsesa”, sabi muli nila at hindi naman maiwasan
ng royals na magulat at mapatingin kay krystal na ngayon ay may gintong mata at buhok
“Ikaw si Prinsesa Golden Krystal Samantha?”, tanong ng royals kay krystal subalit sa halip na sumagot ay
pinatamaan niya ng mahika ang mga dark at napatay niya ito pero bigla siyang nahimatay. Dali-dali silang
pumunta sa clinic upang magamot si Krystal.
“Mabuti na lang at maayos na ang kalagayan ni Krystal”, sabi ni John pagkalabas ng doktor
“oo nga eh. Pero hindi ako makapaniwala na siya ang prinsesa. Di’ba may palatandaan ang prinsesa sa
braso niya?”, tanong ni Maria at Natalia
“oo nasa braso nya paro-paro yun , tara tingnan natin”, sabi ni Matthew
“Himala ata at nagsalita ka”, sabi ni Marco at tumawa ang lahat. Matapos ang tawaan ay pinuntahan nila
si Krystal at tiningnan ang braso nito. Nagulat sila ng makita ang paro-parong sinasabi ni Matthew,
magsasalita na sana si Maria ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanilang mga magulang
kasama sina reyna Kylie at haring Kyle na parehong umiiyak. Hawak-hawak ni Reyna Kylie ang kwintas
nitong umiilaw at bigla siyang humagulhol ng makita niya si Krystal na nakahiga. Nilapitan niya ito at
niyakap.
“o mahal ko kong anak kay tagl din anting hindi nagkita”, sabi ng reyna kay Krystal. Bigla namang
nagisig si Krystal na parang naguguluhan.
“Nasan ako?”, tanong niya sa kanyang mga kaibigan
“Nasa clinic ka Krystal. Bakit di mo man lang sinabi sa amin na ikaw pala ang nawawalang prinsesa?’’,
nagtatampong sabi nina Natalia, Kim at Earthiana
“Patawad sa inyo’’,malunkot nasabi ni Krystal at mahahalata mo ang pagkagulat ng kanyang mga
kaibigan
“Wow! Magpaparty na ba ako”, tanong nina Cristian at John
“Bakit?”, sabay-sabay na tanong ng laha ng nasa kwarto sa kanila.
“tatlong salita eh yung sinabi niya’’, sagot ng dalawa at nagtawanan naman ang lahat. Bigla namang
nagliwanag ang buong katawan ni Krystal. Ilang minuto din ang pangyayaring iyon na ikinabigla ng lahat.
Matapos mawala ng liwanag ay nakita nilang lahat ang mga gods and goddesses.
“Ang mga gods and goddesses’’, manghang tanong ng lahat. Nabigla naman sila ng biglang magsalita
ang mga ito
“Patawad sa pag-abala namin sa inyo. Ngunit sa labas ay nagkakagulo na, sumugod ang mga Dark. Siya
na ba ang prinsesa?’’,tanong ng isang babae.Nabigla naman ang lahat sa sinabi niya
“Oo siya nga”, matapos iyong sabihin ni reyna Kylie ay lumapit ag mga gods and goddesses sa kanya at
itinapat ang amay nila kay Krystal. Nakita ng lahat na bumubulong ito.Nang mawala na ang liwanag at ang
tanging nakita na lang nila ay ang labas ng academy na sira-sira at maraming duguan, ngunit sila ay masaya
kahit papaano dahil walang namatay na kahit isa sa mga Light Magicians. At napatay nila ang mga darks na
gustong-gustong kuhanin ang kanilang mundo. Bigla namang lumindol sa paligid mabuti na lamang at
handa ang mga royals na agad pinahinto ang lindol kung hindi ay lalala pa ito.
“Malapit na nga pala ang pasko”, sabi ng royals ng sabay-sabay
“Hindi po malapit dahil ngayon na po ang pasko’’,sabay-sabay na sabi naman ng mga estudyante. Na
ikinabigla ng royals.Dahil sa narinig ay napaisip si Krystal....
“MERRY CHRISTMAS EVERYONE. Salamat sa pagaban at pagtatangol nyo sa mundo natin ng hindi
kami kasama.’’, sabi ni Krystal dahilan para magsigawan ang lahat
“Bakit’’, sigaw din ng mga hari at reyna
“ngayon lang po nagsalita ng ganoong ahaba ang anak nyo”,sigaw ni Matthew na narinig ng lahat at muli
silang nagsigawan dahil ngayon lang din siya nagsalita ng ganoong kahaba.
“Muli Maligayang Pasko sa inyong lahat”,sabay na pahayag ni Matthew at Krystal
“Ayeieeeeeehhh”, Sabat ng lahat
“ We smell something Fishy”, Muling sabi ng lahat. At nagwalkout naman ang dalawa pero pareho lang
sila ng pupuntahan. Sa garden
“Dito ka rin pala pupunta”, sabi nilang dalawa at tumawa
“haha oo eh. Uhmm may sasabihin sana ako”, saby na naman sila
“ikaw na mauna”,sabi ulit nila at muling tumawa
“hindi Matthew ikaw na mauna”, sabi mi Krystal
“uhmmm Krystal.. Matagal tagal din kitang hinintay ikaw kasi ang itinakda sa akin. Uhmmmm K-rystal
Ma---ha---l ki---ta”,sabi ni Mathew at biglang tumayo.lalakad na sana siya paalis ng magsalita si Krystal.
“Ganon din nman ako eh. Sa simula palang ikaw na ang nilalaman ng puso ko. I Love You Too Matthew”,
sabi ni Krystal at napatingin naman ito sa kanya.
“tala ga mahal mo din ako?”, tanong ni Matthew
“OO, bakit?”, sagot ni Krystal
“wala lang I Love You Too soon to be mrs. Ni Matthew”, Natatawang sabi ni Matthew kay Krystal saka niya
ito hinalikan.
“ I love You too Mr. Ko”, sabi ni Krystal.
At nagtawanan at nagkwentuhan na lamang sila sa buong gabi ng Pasko......................

Wakas............................
Maligayang Pasko
Isinulat ni:
Jenny L. Magsino

You might also like