Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

OUTPUT #6

Pangalan: Ajias, Ladymarch R. Iskor:


Pangkat: 10 – Los Baños Guro: Bb. Mischelle Mendoza

Pamagat ng akda: “ANG KWINTAS”


May-akda: Guy De Maupassant
Bilang ng pahina:
Uri ng Panitikan: Patula/Maikling kwento

1. Tauhan
 Protagonista
Matheldi Loisel - siya ay maganda sa pisikal at sosyal, at gusto niya ang mga
mamahaling bagay na tumugma sa kanyang sopistikadong kagandahan at panlasa.
G. Loisel - ang mapagmahal na asawa ni Matheldi, siya ay nagtatrabaho bilang
tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko.

2. Tagpuan
 LUGAR
- Ang bahay nina G. at Gng Matilde
- Palais Royal
- ayawan sa palasyo
 PANAHON
- Sa hapunan
- Isang gabi
- Mag-iikaapat na ng madaling araw
- Lunes ng gabi, Enero 18.
 ORAS
- Mag-iika-7:00 na ng umaga

3. Banghay
Panimula – isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang
kahalihalina,ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos
palad na angkan. Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap din na
pamumuhay na ang pinagkakaitaan ay tagasulat lamang sa isang instruksyon na
pampubliko.
Saglit na kasiglahan – nais ni Mathilde na magkaroon siya nang maayos na
alahas. Dahil walang pambili ay nanghiram ito sa kaibigan at nakahiram naman.
Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa masayang
masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na
nawawala ang kwentas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Madame
Forestier.
Kasukdulan – pinahiram sya ng kaibigan nyang si Madame Forestier ng isang
kwentas
Kakalasan – Upang hindi masira ang relasyon sa kaibigan ay pinalitan nila ang
kuwintas kahit mahal ang halaga nito.
Wakas – sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang landas ni Matheldi
at ni Madam Forestier ipinagtapat ni Matheldi na ang dahilan ng kanilang
paghihirap ay dahil sa nawalang kuwintas na hiniram niya, Ngunit ayon kay
Madam Forestier at peke lang ang alahas na ipinahiram niya dito at ito ay nasa
murang halaga lamang. Sampung taon silang naghirap ng dahil lamang pala sa
Pekeng kuwintas.

4. Kaisipan
- Ang tao ang nagtatakda ng sarili niyang tadhana kaya dapat na maging maingat
sa pagpili ng landas natatahakin. Matuto tayo na makuntento kung anon lang
ang meron tayo at magsumikapupang magkaroon tayo ng sariling gamit.
5. Suliranin
- Nagmula sa isang kuwintas na hiniram ni Matheldi sa kanyang kaibigan na
si Madam Forestier,dahil hindi siya masiyahan sa damit na isusuot niya kung
wala siyang magandang palamuti sa katawan. Naghirap si Matheldi at ang
kanyang asawa nang sinubukan nilang palitan ang nawalang kuwintas na
hiniram lamang nila. Naghirap sila sa loob ng 10 taon.

6. Paksang diwa
- Mayroong kagandahang taglay si Mathilde na hinahangaan ng marami.
Gayunman, ang magandang dalaga ay mahirap lamang. Nakapangasawa rin
siya ng isang lalaking kapos din at isang manunulat na maliit lamang ang
kita. Isang araw paguwi ng kanyang asawa sinabi ito na inimbitahan sila ng
kanyang amo. Ngunit nais ni Mathilde na magkaroon siya nang maayos na
alahas. Dahil walang pambili ay nanghiram ito sa kaibigan at nakahiram
naman. Nawala ni Mathilde ang kuwintas. Upang hindi masira ang relasyon
sa kaibigan ay pinalitan nila ang kuwintas kahit mahal ang halaga nito. Dahil
sa pagbili ng kuwintas na mataas ang halaga, nabaon sa utang ang mag-
asawa. Dahil maliit lamang ang kita ni G. Loisel ay inabot sila ng sampung
taon sa pagbabayad ng utang.

You might also like