Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGBABASBAS SA MGA GURO

Maaaring ganapin ito tuwing Pagbubukas ng Taong Panuruan o kaya


ay sa mga panahong nauugnay sa pagdiriwang ng pagiging guro.
Panginoong Hesukristo, ikaw ang Pinakadakilang Guro.
Ipinagpapasalamat namin ang patuloy Mong pag-gabay
sa amin sa mga landasing aming tinatahak sa bawat araw,
sa halimbawa ng iyong pagsasakripisyo.
Ipinapanalangin namin ngayon ang mga guro. Kalugdan
mo, O Panginoon, ang kanilang pagpapagal na ibahagi
ang kaalaman sa bawat mag-aaral. Pagkalooban mo sila
ng malusog na pangangatawan, panatag na kaisipan, at ng
diwa ng ng kapakumbabaan. Pagpalain mo sila sa
kanilang pagtuturo, upang aming matunghayan ang mga
bagay sa mahirap na pagkakaton, bilang kagandahan ng
sangnilikha. Nawa’y ang kanilang pagpapagal ay maging
patuloy na hakbangin tungo sa pagkatuklas, pagkatuto, at
lalo’t higit ay kasunuran sa Iyong Banal na Kalooban.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan Mo, kasama ng


Espiritu Santo, nabubuhay at naghahari, magpasawalang
hanggan. Amen
Wiwisikan ng Pari ang mga Guro ng Banal na Tubig.
PANALANGIN NG BAYAN

Tinuruan tayo ng Panginoong Hesukristo na manalangin. Manalangin tayo


sa Amang nasa langit na mayroong ganap na pananalig sa kanya.
AMA, DINGGIN MO ANG IYONG BAYAN
1. Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y magpahayag ng malalim na
pananalig sa pagdating ng Kaharian ng pag-ibig, katarungan, at
kapayapaan ng Ama. Manalangin tayo sa Panginoon.
2. Sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, nawa’y patuloy tayong
nagdarasal at hindi magpadaig sa anumang tukso. Manalangin tayo
sa Panginoon.

3. Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na makakain sa araw-araw na


pangangailangan at magkaroon ng dakilang puso upang patawarin
ang ating mga kaaway. Manalangin tayo sa Panginoon.

4. Para sa ating Unibersidad, lalo’t higit sa mga guro, upang maibahagi


nila ang kaalaman nang may kahinahunan at pagkalinga sa mga
mag-aaral. Manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga maysakit at ang mga nakararanas ng paghihirap sa buhay


nawa’y matulungan ng kanilang kapwa sa pagpapasan ng kanilang
krus. Manalangin tayo sa Panginoon.

6. Ang mga yumao nawa’y makita ang Panginoon nang harapan sa


kanyang walang hanggang tahanan sa paraiso. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa


aming mga panalangin. Tulungan ninyo kaming manalig palagi sa iyong
pagmamahal at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

You might also like