MTB PT Grade 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

MOTHER TONGUE 1

Pangalan: _____________________________ Iskor: ________

Baitang: _____________________________ Petsa: ________

I. PANUTO: Makinig mabuti sa kwentong babasahin ng guro. Isulat

ang titik ng tamang sagot.

Masayang pumunta sa sapa si Maya. Kasama si Papa at si


Mama. Sasama rin sina Ate at Kuya. May dala silang lata.
Manghuhuli sila ng palaka. Ayun ang mga palaka. Kokak! Kokak!
ang sabi ni Papa Palaka. Kokak! Kokak! ang sabi ni Mama Palaka.
Kaygandang pakinggan ang mga huni nila.

______1. Sino ang pumunta sa sapa?

A. Maya B. Lira C. Aya D. Ana

______2. Bakit sila may dalang lata?

A. Mag-iipon ng tubig C. Manghuhuli ng palaka

B. Maggagawa ng laruan D. Maglalaro ng tumbang preso

______3. Ano ang huni ang kanilang narinig sa sapa?

A. Meeh! Meeh! C. Kokak! Kokak!

B. Sssh! Sssh! D. Unga! Unga

______4. Sa kwentong iyong napakinggan, alin dito ang magkasintunog?

A. Maya- sapa C. Ate- Kuya

B. huni- lata D. kokak- palaka


______5. Nais mo rin bang pumunta sa sapa kasama ang iyong pamilya?

Bakit?

A. Opo. Lulusog ako dito.

B. Opo. Masaya silang kasama.

C.Hindi po. Ayoko silang kasama.

D. Hindi po. Hindi maganda sa sapa.

II. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

______6. Nabangga ni Bea si Anika na may dala-dalang salamin. Nalaglag

ito at nabasag. Ano ang dapat niyang sabihin sa kanya?

A. Maraming salamat Anika. C. Walang anuman Anika.

B. Paumanhin Anika. D. Kumusta, Anika?

______7. Isang umaga nasalubong ni Girly ang kanyang kaibigan na si

Carmen. Ano ang sasabihin niya?

A. Magandang umaga Carmen. C. Magandang hapon Carmen.

B. Magandang tanghali Carmen. D. Magandang gabi Carmen.

______8. Isinasakay sa ang taong maysakit. Ito ang maririnig

pag dumarating ito.

A. Brum!brum ! B. wiii- wiii-wiii C. tsug-tsug D. pip-pip-pip

______9. Nasa bakuran ang nanay at naglilinis. Nagulantang siya sa

tunog na kanyang narinig, kriiing-kriing. Saan kaya galing ang tunog na

kanyang narinig?

A. ambulansya B. tambol C. telepono D. pito

______10. Alin sa mga titik ang kailangan upang mabuo ang ngalan ng

larawan? ___law

A. a B. e C. I D. o
______11. Ayusin ang mga titik na nasa kahon upang makabuo ng salitang

ngalan ng larawan? u n p o

A. puno B. ponu C. pnuo D. puon

______12. Mahilig sa magagandang bag si Ericka. Sa anong tunog

nagsisimula ang salitang bag?

A. /a/ B. / b/ C. / c/ D. / d/

______13. Alin sa mga sumusunod ang tamang ngalan ng larawan?

A. dahon B. kahon C. sabon D. mamon

______14. Alin sa pares ng mga salita ang HINDI magkasintunog?

A. labi-tutubi B. tinapay-gulay C. alon-baha D. lobo-logo

______15. Bumili ng bagong damit si Marta para sa kanyang kaibigang

may sakit. Alin sa mga salita sa pangungusap ang magkasintunog?

A. damit-sakit B. bumili-kaibigan

C. damit-Marta D. bumuli-damit

______16. Aling titik ang katumbas ng malaking titik sa kahon? A


A. o B. e C. a D. u

______17. Alin dito ang tamang pares ng malaki at maliit na titik?

A. Bb B. Rb C. Pb D. Db

______18. Nagdarasal ang magkakapatid tuwing umaga. Alin sa mga

salita sa pangungusap ang binubuo ng tatlong pantig?

A. nagdarasal B. umaga C. tuwing D. magkakapatid

______19. Alin sa mga ito ang may wastong baybay?

A. mat-am-is B. ma-tam-is C. ma-ta-mis D. ma-ta-mi-s

______20. Nagtungo sa lalawigan ang aking magulang. Ilang pantig

mayroon sa salitang lalawigan?

A. isa B. dalawa C. tatlo D. apat


______21. Marami silang alagang kabayo sa kanilang bukid. Ang salitang

may salungguhit ay ngalan ng______.

A. lugar B. bagay C. hayop D. pangyayari

______22. Namasyal ang mag-anak ni G. Reyes sa Cavite. Alin ang ngalan

ng lugar?

A. namasyal B. G. Reyes C. Cavite D. mag-anak

______23. Masipag mag-aral si Nena. Alin ang pangngalang pantangi?

A. masipag B. Nena C. mag-aral D. si

______24. Tingnan ang larawan. Gumawa ng bagong salita gamit ang mga

titik na nasa kahon? a t a s

A. taas B. sata C. tasa d. saat

______25. Alin sa mga salita ang nasa larawan?


Alin

A. bahay B. kahoy C. kasoy D. sabon

______26. Piliin ang pantig na mabubuo sa pagsasama ng dalawang titik

na nasa kahon. i+s

A. sa B. es C. is D. si

______27. Alin sa mga sumusunod ang tamang unang titik ng pangalan ng

larawan?

A. c B. k C. S D. M

______28. Ano ang unang tunog sa salitang kabayo?

A. /c/ B. /k/ C. /b/ D. /m/

______29. Ayusin ang mga salita na nasa kahon upang makabuo ng

pangungusap.
Ana Si mataba ay

A. mataba Si Ana ay. C. Si Ana ay mataba.

B. ay mataba Si Ana. D. Ana si mataba ay.

______30. Piliin ang pantig upang mabuo ang larawan. man___nas

A. sa B. se C. si D. so

ralibrea

You might also like