Module 3 Mapanagutang Paggamit NG Kalayaan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

MAPANAGUTANG

PAGGAMIT NG KALAYAAN
ANO ANG KALAYAAN?
“Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na
itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa
maaari niyang hantungan at itakda ang
paraan upang makamit ito.” - Sto. Thomas De
Aquino
Ang tao ang nagtatakda ng kanyang kilos
para sa kanyang sarili. Walang anumang
pwersa sa labas ng tao ang maaaring
magtakda nito para sa kanya.
2 ASPEKTO NG KALAYAAN
1. Kalayaan Mula Sa (Freedom From)
- Ito ay tumutukoy sa kalayaan mula sa sarili. Dapat mapalaya
ng tao ang kanyang sarili mula sa mga negatibong
katangian. Kailangang maging malaya ang tao mula sa
makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso, at
iba pang nagiging hadlang upang magawa niya ang
ikalawang uri ng kalayaan.

2. Kalayaan Para Sa (Freedom For)


- Ito ay tumutukoy sa kalayaan para sa kapwa. Inuuna ang
kapakanan ng iba bago ang sarili. Gagamitin niya ang
kaniyang kalayaan para tumugon sa hinihingi ng sitwasyon
at pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal sa kapwa.
ANO ANG TUNAY NA KALAYAAN?
Ang tunay na kalayaan ay hindi sariling
kalayaan na hiwalay sa sambayanan kundi isang
kalayaang kabahagi ang kanyang kapwa. Ang
tunay na kalayaan ay isang determinasyon na
gumawa ng mabuti na may kaakibat na
responsibilidad. Ito ay nangangahulugang
pagpapahalaga sa kapwa – ito ay maipapakita sa
pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa
kapwa.
Mga Pinagkunan:

Brain teasers from www.pinterest.com


https://images.app.goo.gl/dE9oM7y6Hq7htABS8
https://images.app.goo.gl/ofA5dq12uNBzqo3W8

You might also like