Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

1 Module 2 Pagsulat

2 Module 2 Pagsulat

COURSE D
Panimula

Ang modyul na ito ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya't kaisipan sa kapwa sa iba't ibang
kadahilanan. Maaaring nagsusulat tayo upang maiparating ang ating nararamdaman hinggil sa isang paksa
o ideya. Ang iba marahil ay nagsusulat upang libangin ang sarili at ang kapwa, upang magturo at magbahagi
ng kaalaman o makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion. Ang anumang dahilan ng
sumusulat ang nagtatakda sa kanyang direksyong tatahakin kapag hawakna ang lapis at papel o dili kaya'y
sa pagtipa sa mga letra sa kompyuter. Tulad ng pagsasalita, ito ay isang kasanayan. Hindi ito isang bagay
na basta natural na nakaka- pamihasnan. Ang paggawa, pag-uulit at pagsasanay ay sadyang kailangan
upang matagumpay itong maisagawa.

PRE-ASSESSMENT

Piliin sa Hanay B ang mga may kaugnayan sa mga salitang nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa unahan ng bawat bilang.

HANAY A HANAY B

_______1. Ekspresiv a. panlipunan


_______2. Pagsulat b. pag-oorganisa at pagsasaayos
_______3. Sosyal na Antas c. pagkatuto
_______4. Kognitiv d. malayang pagpapahayag
_______5. Komunidad ng diskurso e. pagpapalabas ng ideya
_______6. Paggawa ng Borador f. katanggap-tanggap ng komunidad
_______7. Brainstorming g. paglalakbay-isip
_______8. Pag-iistruktura h. fidbak at puna
_______9. Evalwasyon i. pagtatama ng ginawa
______10. Muling Pagtingin j. transisyon ng kaisipan
3 Module 2 Pagsulat

MODULE MAP

KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT
PAGSULAT

PROSESO NG PAGSULAT
MGA ANYO NG FOKUS NG
PAGSULAT
LAYUNIN NG PAGSULAT

Mga Kailangan sa Pagbuo ng


Sulatin
MGA URI NG PAGSULAT

Naglalaman ng mga paksang nais ipabatid sa mga mag-aaral; makikita ‘t malalaman ang kahalagahan,
proseso, layunin, mga uri at anyo ng pagsulat

Module Learning Outcomes

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:

1. maipaliliwanag kung ano ang kahulugan ng pagsulat


2. malalaman ang mga uri at proseso ng pagsulat
3. masusuri ang kahalagahan ng pagsusulat
4. mailalahad nang wasto ang mga anyo ng focus ng pagsulat.

CONTENT

ENGAGE Pagsubok sa pag-unawa

1. Ano ang pagsulat? Ipaliwanag


4 Module 2 Pagsulat

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________________________..

2. Ang pagsulat ba ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
____________________________________________.

EXPLORE Pagsusuri sa kakayahan ng mga mag-aaral

Paghihinuha sa batayang konsepto tungkol sa pagsulat

Kahulugan ng Pagsusulat

1. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang
ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha nang walang
interbensyon ng nagsasalita.
2. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang
kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang
mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang
ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
3. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang isipan.
4. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na
sulati; isang kasanayan.
5. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na
nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di natin kayang sabihin
6. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang
ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
7. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay ng
pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
8. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at isipan ng tao.
9. Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na
hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o
personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri
ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay
pinakamalapit sa interes mo.-Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o
kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan. Kahalagahan ng
5 Module 2 Pagsulat

Pagsulat Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat: a. Kahalagahang


Panterapyutika Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang
ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos
makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
10. Pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ediya ng tao ay isinasalin
sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang
kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.

Bakit inihahantulad ang pagsulat sa isang sining? Ipaliwanag ayon sa nakikita sa larawan.

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalaga ang pagsulat dahil kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng
mahigpit na kompetisyon sa ngayon , Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng
ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay
bahagi ng pananagumapay. Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham na aplikasyon,
paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa
pakiusap ng mga kliyente at marami pang iba.

Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa
iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto n gating kultura ay
napananatiling buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan natin
ang kasaysayan n gating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; at ang
mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.
6 Module 2 Pagsulat

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kahalagahan ng pagsulat.

1. Nagiging daan ang pagsulat upang ipahayag ang saloobin at damdamin.


2. Nagsisilbing komunikasyon sa kapwa ang pagsulat.
3. Nagagamit ito para sa lalong pagkatuto.
4. Ginagamit bilang isang paraan ng pagtataya sa naging pagsulong ng estudyante sa wika.
5. Nakatutulong ito sa paglinang ng lohikong pag-iisip at paglutas sa suliranin.

A. Bago Sumulat (Prewriting)

- Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan.

B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

- Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
- Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng estudyante.
7 Module 2 Pagsulat

C. Pagrebisa

- Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro,
kamag-aral, editor o mga nagsuri.
- Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto
at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan ng
babasa.
- Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at pinapalitan
ang dapat palitan.

D. Pag-eedit

- Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng
salita at mga mekaniks sa pagsulat.
- Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid
ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang
higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.

E. Paglalathala/Final Document

- Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa gawaing
ito ang mga sumusunod:

1. Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus


2. Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba
3. Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat
4. Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat.
8 Module 2 Pagsulat

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

Ang layunin ng pagsulat ay magpahayag ng mga guni-guni, makulay, matayutay, matalinghaga at


masimbolong mga pangyayari na batay sa mayamang imahinasyon ng may-akda.

1. Ekspresiv-

Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng matinding emosyon.


Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv. Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga bagay na nakikita,
naririnig o nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng nararamdaman at nasasaloob ng mga tao. May
malayang pamamaraan, hindi gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus
minmahalaga ang mailbas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao. Kinapapaloobang ito ng
sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligiid Hal.
Talaarawan, jornal, personal na liham, mga reaksyon at mapa o diagram.

2. Transaksyunal
Sa layuning ito ng pagsulat, nagbibigay ng interpretasyon, nangangatwiran, naghahatid ng
impormasyon, nagsusuri, nanghihikayat o dili kaya'y nakikipagpalitan ng mga ideya sa iba ang
manunulat.
Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal. Ginagawa ito kung nais magpaagbot ng
mensahe, balita o magpaliwanag, magpayo o makiusap. Gumagamit ito ng mas pormal at
kontroladong paraan sapagkat may istilo na dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa
target niyang mambabasa. Halimbawa: liham, memorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko,
ulat, report, poster o slogan at sanaysay

3. Malikhaing Pagsusulat.
Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at kapangyarihan sa register ng wika,
nagagawang ilarawan ng manunulat ang lipunang kanyang ginagalawan. May sapat na lakas ang
mga salita upang ipadama sa mga mambabasa ang panaromic na larawan ng buhay. Kabalikat din
ang mga maretorikang salitang gagamitin upang mabatak ang kuryosidad at inspirasyon ng
mambabasa.

MGA URI NG PAGSULAT

Teknikal na Pagsulat – isang uri ng Referensyal na Pagsulat – isang uri ng


tekstong ekspositori na nagbibigay ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng
impormasyon para sa komersyal o teknikal impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na
na layunin. Lumilikha ang manunulat ng maiharap ang impormasyon batay sa
dokumentasyon para sa teknolohiya. katotohanan
Jornalistik na Pagsulat – isang uri ng Akademikong Pagsulat – ito ay may
pagsulat ng balita. sinusunod na particular na kumbensyon.
9 Module 2 Pagsulat

Ito layunin nito ay maipakita ang resulta ng


pagsisiyasat o pananaliksik na ginwa.

Ang Mga Fokus ng Pagsulat

Ang sentro ng atensyon sa akto ng pagsulat ang tinatawag na fokus. Maikakategorya ito sa tatlo:
fokus sa manunulat, fokus sa mambabasa, at fokus sa paksa. Siyempre pa, kung nakatutok ang
atensyon ng pagsulat sa nagsusulat, fokus ito sa manunulat. Kung nakatutok ang atensyon ng pagsulat
sa bumabasa, fokus ito samambabasa. Kung sa tinatalakay namang sabjek o sa pinag-uusapang bagay
nakatutok ang pagsulat, fokus sa paksa.

Ang Mga Anyo ng Fokus ng Pagsulat

A. Ang Anyong Ekspresyon

Nagpapahayag ang tao para mailabas ang mga nasasaloob na konsepsyon at


emosyon sa layuning mapagaan ang loob sakaling pinag-uumapawan ng siya, kaya'y
nilulukuban ng lungkot, o tinutupok ng poot, kaya'y lumulutang sa kahungkagan, atb. may
kahalagahan itong panterepyutika dahil natutulungang maunawaan at makilala ng tao ang
kanyang sarili, tuloy, nabibigyan siya ng pagkakataong mapaunlad ang sariling katauhan at
lubos pang mapalalim ang karakter

B. Ang Anyong Refleksyon

- Pagsusulat itong nakatuon ang tingin sa isang salamin at dito pinakamamasdang mabuti
para suriin ang larawang nadudoble.
- obhektivo ang pananaw
- nilalaanan ang sarili ng distansya at inilalagay sa perspektibong malinaw na masukat ang
sariling pagkatao

C. Ang Anyong Direksyon o Panuto


Lahat ng gawain may proseso. Anu-ano ang mga kailangang materyal? Paano uumpisahan,
itutuloy, at tatapusin? Mga instruksyong panggabay sa paggawa, samakatuwid, ang direksyon
o panuto

D. Ang Anyong Panghihikayat


Binibigyang-diin sa panghihikayat na maganyak ang mambabasang gawin ang isang bagay.
10 Module 2 Pagsulat

E. Ang Anyong Paglalarawan o Deskripsyon

Madetalye ang anyong ito ng pagsulat. Layunin kasi nitong pukawin ang mga pandama para
antigin ang damdamin ng mambabasa, tuloy, makintal sa isipan ang malinaw na larawan ng
isang bagay o imahen ng isang tao o kaganapan ng isang pangyayari na sadyang kaiba sa
mga kauri.
F. Ang Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon

Layunin kasi ritong bigyang-paliwanag ang paksa, kaysa sa bigyang-panlunas, para makita at
mapakilalang mabuti ang partikular na bagay na tinatalakay sa pamamagitan ng mga
pruweba't patunay, sa gayon, malinawan at maintindihan nang walang pagpapasubali ang
pinagmamatuwirang posisyon o pahayag.

G. Ang Anyong Pagsusuri o Analisis

Isang pagtataya sa nilalaman ng akda ang pagsusuri. Sa anyong ito ng pagsulat, dalawang
importanteng gampanin ang kailangang isakatuparan: una, pagmamasid, at pangalawa,
H. Sintisis

Masyadong personal ang tula, hinango sa mga personal na karanasan ng persona ang mga
pangyayarıng inilahad. Tunay at awtentiko ang bawat damdaming nakapaloob sa bawat
taludtod kaya't buhay na buhay ang pagpapadama sa mga pangyayari.

Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit-ult at hindi linyar na kalikasan ng pagsulat. Ang mga
gawaing tulad ng brainstorming ay nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manunulat na masabi
ang nasa kanyang iskema.

1. Pagfofokus – pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkolsa paksa


2. Pag-iistraktura – pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideya sa
paraang tatanggapin ito ng mga mamababasa
3. Paggawa ng Burador – transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa tekstong para sa
mambabasa
4. Pagtataya o Evalwasyon – paggamit ng tseklist upang makuha ng fidbak at mga puna na
makatutulong upang maisaayos muli ang binuong burador
5. Muling Pagtingin – matiyak kung tamaang ginagawa. Layunin nitong makalikha ng makabuluhan at
mabisang pagsulat na makabuo sa kasanayan ng manunulat
11 Module 2 Pagsulat

Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin

1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman oimpormasyon sa paksang
sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa.
2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya nagsususlat. Malaki
ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang
sulatin ay nakabatay nang malaki sa layunin.
3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng isang manunulat na
may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili,
halimbawa, kapag nagsulat skiya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang
tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin
niya kung sino ang sinusulatan, ano ang maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-
unawa at anong uri ng wika ang angkop na gamitin.
4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa
pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.
5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang
pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng adbertisment na kaiba sa pagsulat.
6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba’t ibang kasanayan
sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang
madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang
makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon at
maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad; kailangang mayroon din siyang kakayahan sa
pagbibigay ng sariling pagpapasiya at iba pa.
7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ngg manunulat ang makabuo nang maayos na
talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang
mahusay na manunulat na lohikal na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang
magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop na pang-uugnay.
8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga –dapat isaalang-alang ang mga pagpapahalagang
pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa
pagsulat ang mga sumusunod:
a. Ano ang mahalaga sa paksa?
b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?\
c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat?
d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?
9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat
a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin
b. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat
c. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder naman kung tawagin
12 Module 2 Pagsulat

EXPLAIN PAGPAPALALIM NG PAG-IISIP

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba.

1. Paano nakatutulong ang Proseso ng pagsulat sa isang mag-aaral? Patunayan.


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________.

2. Ano ang pagkakaiba ng expressive writing at imaginative writing? Paliwanag.


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________-

3. Paano isinasagawa ang proseso ng pagsulat?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________.

4. Ang pagsulat ban g borador ay mabisang gawin bago ang pinal na pagsulat? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________________.

5. Sa dalawang layunin ng pagsulat, alin sa palagay mo ang mas epektibo? Bakit?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______________.

6. Anong uri ng pagsulat ayon sa layunin ang iyong nabasa? Bakit?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________.

7. Sa mga anyo ng focus ng pagsulat, alin ang napabilang sa focus ng manunulat?Bakit?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______.
13 Module 2 Pagsulat

8. Sa mga anyo ng focus ng pagsulat, alin ang mga napabilang sa focus ng mababasa? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

9. Sa mga anyo ng focus ng pagsulat, alin ang mga napabilang sa focus ng paksa? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

TOPIC SUMMARY

Tinatalakay sa modyul na ang mga sumusunod na paksa

• Pagsulat ay ang paghahatid ng mensahe ng awtor (opinyon man o mga kaalaman) sa mga
mambabaa sa tulong ng mga titik o simbolo at kalakip nito ang pagiging epektibo niya sa paghatid ng
mensahe.
• Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga
manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng
nabuong sulatin.
• Mga Layunin ng Pagsulat. Ang layunin ng pagsulat ay magpahayag ng mga guni-guni, makulay,
matayutay, matalinghaga at masimbolong mga pangyayari na batay sa mayamang imahinasyon ng
may-akda. Layunin nitong makaakit, mapaniwala at mapasang-ayon ang mambabasa batay sa ideya
na ipinahayag sa teksto.
• ang mga uri ng pagsulat ay ang mga sumusunod: 1. akademik 2. teknikal 3. jornalistik 4.
reperensyal 5. propesyonal 6. Malikhain
• Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin-

REFERENCES

Jose A. Arrogante et Al.(2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


National Book Store, Mandaluyong City

https://www.wordhippo.com/what-is/the-meaning-of/filipino-word-
fc8e1db179060ce6b4ea9e8dc3f462d9a0fb9522.html

https://www.pinoynewbie.com/pagsulat
14 Module 2 Pagsulat

You might also like