1st Quarterly-Exam in EPP 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Valley High Academy, Inc.

J.P. Rizal St. Manggahan Rodriguez, Rizal


Contact No. 0917 624 3689
fb page: https://www.facebook.com/officialvha/

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 6


Name_______________________________________ Date___________________

Grade and Section____________________________ Score__________________

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang tamang sagot at
isulat ang titik sa linya bago ang bawat numero.

____1. Bakit kailangan ng isang ulirang entrepreneur na magplano at


gumamit ng estratehiya sa pagbebenta ng mga produkto at pag-aalok
ng mga serbisyo?
A. Ito ay para tumugon sa mga hinihingi at pangangailangan ng mga mamimili.
B. Ito ay para sigurado ang kita sa mga produkto at serbisyo
C. Ito ay para laging handa sa mga produkto at serbisyong ibibigay.
____2. Paano nakatutulong ang mga promosyon sa pagbebenta ng mga
produkto at serbisyo?
A. Nagiging abala ang negosyante sa pagbebenta.
B. Nakapaghahambing ng mga produkto at serbisyo ang mga mamimili.
C. Nagiging maganda ang produkto at serbisyo.
____3. Bakit kailangang mag-ingat sa paggamit ng mga serbisyo online?
A. Ang paggamit nito ay napakamahal.
B. Ang paggamit nito ay nag-uugnay sa lahat ng tao sa buong mundo.
C. Ang paggamit nito ay ang pinakamabilis na komunikasyon.
____4. Paano nakatutulong ang Wikipedia?
A. Ito ay libre at mabilis ipadala.
B. Ito ay maaaring mag-ambag o maglathala ang sinuman.
C. Ito ay madaling magbago ng mga nilalaman
____5. Bakit mahalaga ang video conferencing?
A. Nagagamit ito sa murang halaga.
B. Nagagamit ito ng maraming industriya
C. Nagagawa nitong maipakita ang magka-usap.

B. Panuto: Tukuyin ang mga isinasaad sa bawat pahayag. Piliin ang iyong
sagot sa loob ng kahon. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa linya
bago ang bawat numero.

A. Mamimili F. Awareness stage K. Sales promotion


B. Entrepreneur G. Wiki
C. Produktong tumatagal H. Blog
D. Cost-based I. Serbisyo
E. Demand-oriented J. Microsoft PowerPoint

_____6. Ito ay mga bagay na matagalan at maraming beses na magagamit.


_____7. Ito ay pagbibigay ng diskuwento, pa-raffle at bonus o dagdag sa
produktong binili.
_____8. Ito ay website na maaaring pagkuhaan, pagbaguhin o pagpalitan ng
kaalaman.
_____9. Ito ay bumibili o gumagamit ng mga kalakal, produkto o serbisyo.
_____10. Ito ang pagtaas o pagdagdag sa kabuuang halaga ng paggawa ng
produkto o pagbibigay ng serbisyo.
_____11. Ito ay pagtaas ng presyo na epekto ng pagtaas ng demand o
pangangailangan sa produkto o serbisyo.
_____12. Ito ang pagpapaalam sa mga mamimili ng bagong produkto o
serbisyo.
_____13. Ito ay gumagamit ng serye ng mga slide na nagpapakita ng
impormasyon para sa pangmaramihang manonood.
_____14 Ito ay website kung saan maaaring magbahagi ng mga karanasan
sa buhay.
_____15. Ito ay gumagamit ng mga estratehiya, batas, at gabay na
tumutugon sa mga demand at pangangailangan ng mga mamimili at
nagbebenta.

C. Panuto:Tukuyin ang uri ng Wiki. Piliin ang titik ng sa hanay B na


kaugnay ng nasa hanay A. Isulat ang sagot sa linya bago ang bawat
numero.

A B
____16. Ito ay koleksyon ng mga libreng aklat at manwal na A. Wikivoyage
nakatuon para sa edukasyon at pananaliksik
____17. Ito ay database o kuhaan ng impormasyon ng iba B. Wikiversity
pang wiki.
____18. Ito ay kalipunan ng mga larawan, tunog, palabas at C. Wiktionary
iba pa.
D. Wikispecies
____19. Ito ay ambagan ng mga balita na walang kinikilingan
o mula sa neutral na perspektibo.
E. Wikisource
____20. Ito ay koleksiyon ng mga sipi o banggit ng mga
kilalang tao. F. Wikiquote
____21. Ito ay gabay sa paglalakbay sa iba’t ibang lugar o
bansa. G. Wikinews
____22. Ito ay ensiklopidya para lahat ng antas at uri ng
edukasyon. H. Wikimedia Commons
____23. Ito ay naglalaman ng kahulugan, etimolohiya,
pagbigkas, kasingkahulugan at kasalungat ng mga I. Wikidata
salita mula sa iba’t ibang wika.
____24. Ito ay sangguniang sumasakop sa mga uri at klase J. Wikibooks
ng hayop at iba pang anyo na buhay.
K. Wikipedia
____25. Ito ay aklatan ng mga lathalain o publikasyon tulad
ng libro. Nobela, sanaysay, dokumentong
pangksaysayan, tula, liham, talumpati at iba pa.
D. Panuto: Unawain ang mga pahayag. Isulat ang T sa linya kung tama
ang isanasaad ng mga pangungusap at M naman kung mali.
____26. Ang ulirang entrepreneur ay may kakayahang lumikha ng plano para
sa negosyo.
____27. Ang isang entrepreneur ay kailangan maging mayaman para
makapagnegosyo.
____28. Ang tamang pinanggalingan ng produkto ay kailangang marangal at
may integridad.
____29. Lahat ng produkto at serbisyo ay kailangang magtagal at matibay.
____30. Ang matalinong mamimili ay kailangan magtipid at maging
mapagmasid sa merkado.
____31. Ang Wikipedia ay isang website na nag-aambag ng mga balita.
____32. Ang blog ay nagbibigay ng mahahalagang balita tungkol sa mga
pangyayari tulad ng aksidente o kalamidad o mga pangyayari sa
bansa at sa pamahalaan.
____33. Ang youtube ay isang website kung saan maaaring makapanood ng
video.
____34. Ang high-definition teleconferencing ay ginagamit sa pagnenegosyo.
____35. Ang Microsoft PowerPoint ay ginagamit sa paggawa ng mga disenyo
ng mga produkto.

E. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng


PowerPoint Presentation. Lagyan ng 1-5 ang bawat hakbang. (36-40)
____ Iclick ang icon nito sa Start Menu o desktop. Iclick ang gustong slide
layout.
____ Baguhin ang estilo, kulay at laki ng teksto. Dagdagan ng nais na
disenyo.
____ I click ang Animations Tab at iclick ang napiling effect.
____ Iclick ang Click to add title at itype ang teksto.
____ Iclick ang Slide show tab para simulant ang presentasyon.

You might also like