John Arcilla - Robredo-Pangilinan Rally Sa Pasay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

John Arcilla - Robredo-Pangilinan Rally sa Pasay

“Bayan Pumili Ka”


Korap o tapat?
Kurakot o Lingkod?
Umiiwas o Humaharap?
Sumusugod o Umaatras?
Masipag o Tamad?
Trapo o Tropa?
Bayan pumili ka.
Damang- dama ko ang ating pag-ibig para sa isa’t isa ngayong gabi, palakpakan natin ang
ating paninindigan. Ito ang tunay na pag-ibig sa bayan, dahil ayaw natin ng korapsyon, dahil
ayaw lahat natin ang ano mang uri ng inhustisya, dahil ang dalawang ito ang dahilan kung bakit
maraming naghihirap sa ating mga kababayan at naghihirap ang ating bansa. Nandito tayo, dahil
mahal natin ag Pilipinas. Hindi tayo mga yellowtards, hindi tayo mga pinklawan, hindi tayo mga
bayaran, at lalong-lalong hindi tayo komunista. Lahat ng kulay ay nandito. Asul, dilaw, pula,
berde, rosas, at kayumanggi, tayo ang sambayanang Pilipino. Mahal natin ang ating bayan,
iniibig natin ang ating bandila at may takot tayo sa Diyos. Bukod sa kaarawan ni Leni Robredo,
bakit tayo nandito? Hindi natin sinasamba si Leni Robredo, hindi po namin sinasamba si Leni
Robredo. Siya po ay aming sinasamahan, sapagkat sinasamahan niya ang sambayanang Pilipino.
Hindi natin sinasanto o sinasanta si Leni Robredo. Hindi po namin sinasanto o sinasanta
si Leni Robredo siya po ay aming sinisinta, dahil iniibig niya ang ating bayan. Dahil siya ay
totoong tao, sumasakay ng bus umaangkas sa motorsiklo. Si Leni Robredo po ay hindi natatakot
na bantayan ang kaniyang paninindigan at mga pangako dahil kilala niya ang kaniyang sarili at
alam niya kung ano ang kayng gawin para sa ating lahat, hindi po siya natatakot na punahin.
Nais po niyang tawagan ang kaniyang atensyon, sapagkat alam niya ang pagpuna ay
pagmamahal sa bayan, ang pagpuna ay ating tungkulin bilang nagbabayad ng buwis. Ang
pagpuna sa gobyerno ay hindi pagrerebelde o hindi pagrereklamo. Ang pagpuna sa gobyerno ay
pagmamahal at bahagi ng ating karapatan bilang mamamayang Pilipino, at alam na alam po yon
ni Leni Robredo. Kaya’t, iyon po ang simula ng malusog na relasyon ng gobyerno at ng
mamamayan. Kung nagkakaintindihan ang pamahalaan at ang kaniyang taong bayan.
Nagdadaop-pakad, nagkakaunawaan sabay-sabay na magtutulungan upang umangat tayong
lahat. Upang masumpungan natin ang pagrosas ng bukas.
Tayo po, tayo pong lahat ang pinaka makapangyarihan, sa darating na eleksyon sa mayo.
tayo pong lahat ang pinaka makapangyarihan sapagkat tayo ang maglalagay ng taong
maglilingkod sa atin. Pero, hindi pa po tapos ang ating tungkulin bilang isang Pilipino.
Kailangan po natin siyang bantayan upang ang ating mga pangarap at kaniyang pangako ay
matupad, kaya wag natin siyang iiwanan na mag-isa sa upuan, kailangan natin si Kiko, kailangan
natin si Baguilat, Kailangan natin si Matula, Kailangan natin si Lacson, Kailangan natin Si Chel,
Kailangan natin si Hontiveros, Kailangan natin si De Lima, Kailangan natin si Trillanes. Marami
po akong kakilala, Marami akong mga kaibigan sabi nila iboboto ko si Leni bilang presidente,
pero ang gusto kong bise ito, ang gusto kong si senator ay ito. Ito gusto ko gusto ko, gusto ko.
Alam ko yan dahil gusto nating maramdaman ang ating kalayaan sa pagpili, ito na ang ting
pagkakataon, lagi na lang sila ang tama, lagi na lang ang boyfriend ko ang tama, lagi na lang ang
girlfriend ko ang tama, lagi na lang sila ang tama ito na ang pagkakataon ko, kaya ilalagay ko
ang sino ang gusto ko. Pero hindi po lahat ng gusto natin ay makakabuti sa atin. Dahil ang
eleksyon po ay tungkol sa ating bayan at hindi tungkol sa ating sarili. Radikal ang pagmamahal,
alam po ninyo ako ay isang anak, mahal ko po aking mgamagulang kaya nauunawan ko si
Bongbong bilang isang anak. Subalit, hindi kwalipikasyon sa pagkapresidente, ang nauunawaan
ko ang isang tao, gusto ko si sara kasi maganda ang kaniyang mukha, mukha siyang mabait.
Subalit, hindi kwalipikasyon sa pagkapangulo ang mukhang mabait. Kilala ko si isko subalit
hindi po kwalipikasyon sa pagka presdente ang kilala ko lang ang isang tao. Sapagkat, ang
tatlong pamantayan po na iyan ay maaari ko ring gamitin kay Leni Robredo. Siya ay namatayan
ng asawa, ako ay namatayan ng mahal sa buhay. Damang-dama ko at unawang-unawa ko ang
kaniyang damdamin. Siya ay mukhang approachable at mabait, siya ay kilala ko kinampanya ko
siya noong bise siya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ko siya pinili, pinili ko siya dahil sa
kaniyang ginawa, sa kaniyang mga nagawa at sa kaniyang mga gagawin pa. Siya lamang po ang
nakita kong kandidato na pumupunta sa lahat ng malalayong lugar na hindi pa napupuntahan ng
sino mang opisyal at natutulungan niya ang ang mga kababayan nating mahihirap, natutulungan
niya ang mga nasasalanta sa lahat ng bahagi ng pilipinas na hindi niya binabawasan ang kaban
ng bayan. Ni hindi niya kinukuha at nababawasan man lamang ang buwis ng bayan. Andami
niya nang natulungan, subalit ang pinanggagalingan ng pera at ng pondo ay mula sa mga iba’t
ibang organisasyon at iba’t ibang kumpanya na may tiwala sa kaniya. Sino pa ang gumawa
noon? Siya lamang po ang kilala ko, at nagagawa niya iyon dahil siya ay isang abogada, siya ay
isang ekonomista, siya ay isang guro. At hndi siya nakatira sa palasyo, nakatira lamang siya sa
isang two bedroom at nakikitira sa magulang ng kaniyang asawa. Isang totoong tao at iyon ang
mga dahilan kung bakit siya ang pinipili natin. At higit sa lahat ginagawa ito ni Leni Robredo,
hindi para sa kaniyang sarili, kung hindi para sa bayan. Lagi nating tinatanong bakit ba bayan na
lamang lagi ang mauuna bakit hindi ang aking pamilya, pag pinili mo ang bayan kasama na doon
ang inyong pamilya kasama na roon ang iyong sarili, sapagkat kapag bayan na natin ang
umunlad, uunlad tayong lahat. Kapa gang bayan natin ang bumagsak, babagsak tayong lahat.
Kaya tayo nandito, kaya tayo nandito sa panig na ito sapagkat alam natin na ito ang ating
tungkulin at gagawin natin ito araw-araw babantayan natin ito hindi tuwing eleksyon lamang
hahanap tayo lagi ng tao at papanig tayo sa tao na kakandidato para sa ating bayan, hindi ngayon
lamang para sa darating na panahon sapagkat ito ang tungkulin natin bilang Pilipino, tayong mga
Pilipino ay hindi perpekto at hindi mga santo, subalit alam natin kung papaano maging kagalang-
galang na Pilipino, tayong mga Pilipino ay hindi perpekto at hindi mga santo, pero alam natin
kung papaano tumindig nang may dangal, mabuhay tayong lahat, mabuhay tayong lahat,
mabuhay tayong lahat, mabuhay ang sambayanang Pilipino na pipili nang tama ngayong darating
na mayo mabuhay tayong lahat. Mabuhay tayong lahat. Maraming Maraming Salamat po, bayan
pumili ka.

You might also like