Shs-As-Fpl Week-2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SAGUTANG PAPEL / ANSWER SHEET

ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL MARKAHAN/


SENIOR HIGH SCHOOL LINGGO:
ASIGNATURA: Filipino sa Piling Larang UNANG MARKAHAN
GURO: G. CHRISTIAN MARK A. AYALA AGOSTO 29–
SEPTYEMBRE 2, 2022
PANGALAN NG MAG-AARAL: STRAND/PANGKAT:
Paalala: Maaaring gumamit ng ekstrang papel para sa inyong sagot. Subalit siguraduhing nakadikit ito sa sagutang
papel na ibinigay ng inyong guro.

GAWAING PASULAT (Written Tasks) Linggo 2 MARKA: _________

SUBUKIN
Gawain 1:. Panuto: PAGTUKOY SA GAMIT AT URI NG PAGSULAT: Tukuyin ang gamit at uri ng pagsulat sa mga katanungan.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

______1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na
matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng
mga mambabasa.
______2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo
at at masining na pamamaraan mula panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.
______3. Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman,
makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
_______4. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o
hindi gaanong nahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
_______5. Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mga kaalaman, kaisipan, damdamin.

B. Uri ng Pagsulat
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang tamang sagot.
1. Isa sa ipinagmamalaki ni Vernice bilang doktor ay ang kahusayan niya sa pagsulat ng medical report. Anong anyo ng
akademikong pagsulat mahusay si Vernice?
A. Teknikal na Pagsulat B. Malikhaing Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Reperensiyal na Pagsulat
2. Ibinigay na kasunduan ng guro para sa susunod na araw ng klase ang pagsulat ng tula. Anong anyo ng akademikong
pagsulat ang tula?
A. Teknikal na Pagsulat B. Malikhaing Pagsulat C. Reperensiyal na Pagsulat D. Propesyonal na Pagsulat
3. Alin sa mga sumusunod na sulatin ang may kinalaman sa pagsulat ng balita, editorial, lathalain at iba pa?
A. Teknikal na Pagsulat B. Malikhaing Pagsulat C. Dyornalistik na Pagsulat D. Propesyonal na Pagsulat
4. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na maaaring piksiyon, bunga ng malikot na imahinasyon o kathang – isip lamang ng
manunulat o di kaya naman ay hindi piksiyon na batay sa mga tunay na pangyayari.
A. Malikhaing Pagsulat B. Teknikal na Pagsulat C. Propesyonal na Pagsulat D. Reperensiyal na Pagsulat
5. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na may kaugnayan sa isang tiyak na propesyon o larangan.
A. Malikhaing Pagsulat B. Reperensiyal na Pagsulat C. Teknikal na Pagsulat D. Propesyonal na Pagsulat

BALIKAN
Gawain 2: Panuto: Basahin ang mga tekstong nakalahad sa ibaba. Suriin ang katangian at kalikasan ng mga ito at saka isulat
sa linya kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo. Maglahad ng isang pangungusap na magpapaliwanag sa iyong
isinagot.
__________ 1. Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga turistang nagmumula pa
sa iba’t ibang panig ng bansa at ng mundo. Itinuturing itong pinaka-aktibong bulkan sa bansa dahil sa humigit kumulang
limampung beses na pagsabog nito sa nagdaang apat na raang taon. Mapanira at kasindak-sindak ang mga naging pagsabog
nito subalit sa mga panahong panatag ang bulkan ay isang balani ang kagandahan nitong nakatunghay sa Kabikulan.
Paliwanag:
___________ 2. Ang bawat pagkaway niya ay tinutumbasan ng nakabibinging pagtili ngkanyang mga tagahanga. Walang
hindi naakit sa malalim niyang biloy naagad lumilitaw kapag ang kanyang maamong mukha ay binubukalan ngmatatamis na
ngiti. Sinasabi ng mga nakakikilala sa kanyang hindi lang siya basta gwapo sapagkat mabuti rin daw ang kanyang kalooban
opagkatao. Siya si Alden Richards, ay isang personalidad ng sikat na sikatna parehang binansagang “Aldub” na
kumukompleto sa pananghalian ng marami.

SURIIN
Gawain 3 pp: 17 – 19

1
Panuto: Basahing mabuti ang inilalahad na akda at sagutin ang mga katanungan ukol dito.

Taong 1943 nang isinulat ni Maestro Lucio San Pedro ang awiting “Sa Ugoy ng duyan” habang siya ay konduktor ng
Metropolitan Symphony Orchestra. Marami siyang nilikha sa Panahon ng Hapon na pawing nagkamit ng mga karangalan.
Unang Gantimpala sa March-Hymn National Contest. Unang Gantimpala, Laurel March. Una at Ikalawang Gantimpala sa
Labor Day March Contest. At Bilang paghahanda sa susunod na kompetisyon, naisip niyang gumawa ng isang obra na ang
tema ay magpapahalaga sa kaniyang sariling ina. Naalaala niya ang larawan ng kaniyang ina habang maingat nitong idinuyan
ang kaniyang nakababatang kapatid at inaawitan ng awiting bayan. Dagdag pa sa kaniyang inspirasyon ang buhos ng suporta
ng kaniyang ina sa kanilang magkakapatid at ang pagiging relihiyosa nito at mapagmahal. Natapos niya ang musika ng Sa
Ugoy ng Duyan. Kulang na lamang ng lyrics. Dinala niya ang Sa Ugoy ng Duyan sa New York nang siya ay maging scholar sa
Juilliard School. Natapos ang kaniyang scholarship noong taong 1947. Pauwi sa Pilipinas ay dumaan sa Honolulu, Hawaii ang
barkong kaniyang sinasakyan. Lulan din ng naturang barko si Mr. Levi Celerio na noon ay miyembro naman ng Philippine
Orchestra na katatapos lamang magtanghal sa Hongkong. Inimbitahan niya si Mr. Celerio sa kaniyang pad at tinugtog niya sa
piyano ang kaniyang piyesa. Ipinaliwanag niya kay Mr. Celerio ang mensahe ng kaniyang piyesa at sa loob ng labinlimang
minute ay nabuo at natapos ang lyrics ng Sa Ugoy ng Duyan. Isa ang Sa Ugoy ng Duyan sa mga pinakapopular na obra ni
Mestro Lucio D. San Pedro
Ligaya T. Rubin
“Ang Kapitbahay Kong Higante ng Sining”
Diliman Review, 2001 Vol. 49, nos. 1-2
Mga Tanong
1. Mapanuri ba ang akda? Bakit? Patunayan.
2. Sa anong panahon ng kasaysayan ng Pilipinas nabuo ang “Ugoy ng Duyan”? Patunayan.
3. Ano ang naging inspirasyon ni Lucio San Pedro sa paglikha ng isang obra maestra?
4. Paano nabuo ang awitin?
5. Tukuyin ang pangunahing kaisipan sa akdang binasa sa pamamagitan ng pagsulat nito sa isang buong pangungusap.

B. Basahin at suriing mabuti ang mga halimbawa ng uri ng pagsulat at isulat ang tamang sagot sa patlang.

2
GAWAING PAGGANAP 1(Performance Task) MARKA: ___________
PAGYAMANIN
Gawain 4: Panuto: PAGSUSUSULAT AYON SA LAYUNIN: Basahin ang panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat isa upang
makasulat ng mga halimbawang pamamaraan ng pagsulat ayon sa layunin.

1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board exam ay gawin mong mas mabisang ang paglalarawan sa
damdamin. Bumuo ka ng diyalogo ni Len na nagsasaad ng nararamdaman niya. Isulat ang diyalogo sa patlang.

2. Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang kanyang kaarawan. Ilarawan mo ang damdamin
ni Ken sa pamamagitan ng kanyang ginawa na nagpapakita ng labis na pagtatampo.

ISAGAWA

3
Panuto: PAGSULAT NG TEKSTO: Batay sa katangian at elemento ng teksto, sa itaas, sumulat ka isang tekstong impormatibo batay
sa larawan. Sundin ang wastong pamantayan ng pagsulat nito. Salungguhitan ang pangunahing ideya o paksang pangungusap,
Isulat ito sa bondpaper.

PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal, o portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt.
Naunawaan ko na ________________________________________________________________________________________

Nabatid ko na _____________________________________________________________________________

PETSA NG PAGSUMITE: ________________________

LAGDA NG MAG-AARAL: _______________________ LAGDA NG MAGULANG: ______________________________

Komento ng Guro: PETSA NG PAGWAWASTO: ___________________________________

PETSA: LAGDA NG MAG-AARAL/ MAGULANG: ____________________

You might also like