Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SAGUTANG PAPEL / ANSWER SHEET

ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL MARKAHAN/


SENIOR HIGH SCHOOL LINGGO:
ASIGNATURA: Filipino sa Piling Larang UNANG MARKAHAN
GURO: G. CHRISTIAN MARK A. AYALA SEPT.12-16, 2022
PANGALAN NG MAG-AARAL: STRAND/PANGKAT:
Paalala: Maaaring gumamit ng ekstrang papel para sa inyong sagot. Subalit siguraduhing nakadikit ito sa sagutang
papel na ibinigay ng inyong guro.

GAWAING PASULAT (Written Tasks) Linggo 2 MARKA: _________

SUBUKIN
Gawain 1:. Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay nagtataglay ng
katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.

_______ 1. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isangsulatin o akda.


_______ 2. Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.
_______ 3. Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwangginagamit sa pagsulat ng mgaakademikong papel tulad ng tesis,
papelna siyentipiko at teknikal, lektyur at mgareport.
______ 4. Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng Rasyunali / Introduksyon,
metodolohiya, saklaw at delimitasyon.
______ 5. Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat ito ay nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

BALIKAN
Gawain 2: Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN. Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong
na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito, isulat ang buong pangungusap sa bawat kaisipan. ( Ang pangunahing kaisipan ay ang
punong ideya na makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang pantulong naman na kaisipan ay ang sumusuporta sa
Punong ideya)

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na


maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa
mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome
(MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang
bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa
mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa
mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang
mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa
pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa
paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay
sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-
tl.aspx

SURIIN
Gawain 3 Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa binasang paksa, sagutin ang mga katanungan ukol dito.

1. Ano ang kahulugan ng lagom?


2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom?
3. Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?
4. Sa paggawa ng isang pananaliksik, bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang Abstrak?
5. Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa pagsulat nito?

ISAISIP
Gawain 4: Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN: Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang pangungusap na magbubuod
sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang pangunahing kaisipan.

1
GAWAING PAGGANAP 1(Performance Task) MARKA: ___________

ISAGAWA

Gawain 6:Panuto: PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang elemento nito gamit
ang matrix.

Abstrak
Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang identidad ay isang nabuong kilusang naglalayon ng
indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating bansa. Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga
mananaliksik ng lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng
mga espesialista mula sa kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na mabisa at angkop ang siyentipikong
pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay galing sa katutubong karanasan ng komunidad na sinisiyasat. Sa
pamamaraang ito ay higit na matatamo ang malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at pagkatao, sa kanyang
kaugalian at mga elementong nagpapalakad ng kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng bagong kaisipang ito ang
indihenisasyon sa kasalukuyang pagsisikap tungo sa pambansang kaunlaran

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

Rasyunal Metodolohiya

Resulta Kongklusyon

PAGNINILAY
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal, o portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt.
Naunawaan ko na ________________________________________________________________________________________

Nabatid ko na _____________________________________________________________________________

PETSA NG PAGSUMITE: ________________________

LAGDA NG MAG-AARAL: _______________________ LAGDA NG MAGULANG: ______________________________

Komento ng Guro: PETSA NG PAGWAWASTO: ___________________________________

PETSA: LAGDA NG MAG-AARAL/ MAGULANG: ____________________


2

You might also like