Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mira Angeila J.

Capito 9-Narra

Musikang Hatid ay Pag-asa


Kilala ang Eastern Samar National Comprehensive High school bilang tahanan ng mga kampyon dahil sa
mga parangal na natatanggap nito sa iba’t-ibang mga larangan at kompetisyon. Isa sa mga ipinagmamalaki ng
paaralan ay ang ESNCHS marching band na humakot na rin ng maraming awards. Ika-7 ng Septyembre 2018
ng mapanalunan nila ang 1st Provincial Interschool Marching Band Competition, kalakip nito ang tumataginting
na 40, 000 cash.
Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang taglay na talento. May ibang nagtatagumpay sa larangang
pang-akademiko, isports, pamamahayag, musika at iba pa. Sa paaralan, malaya mong maibabahagi ang iyong
mga kakayahan. Dito tinutulungan ang mga mag-aaral na hubugin ang kanilang mga natatagong talento na
maaring makatulong sa kanilang kinabukasan. Sa ESNCHS ay mayroong mga organisasyong naglalayong
tulungan ang mga kabataan na maibahagi ang kani-kanilang mga talento. Isa na rito ang marching band kung
saan maraming kabataan ang nahuhumaling na sumali.
Masaya, nakaaaliw, magarbo at makulay, ganyan kung ilarawan ng mga tagapanood ang marching band ng
ESNCHS. Makikita sa paghahanda ng banda ang kanilang dedikasyon at pagmamahal sa kanilang ginagawa
kaya naman nagbubunga ito ng maganda. Ayon sa mga dating miyembro nito, sa una ay nakakakaba ngunit
kalaunan din ay nasanay na kami sa mga patakaran na ipinapatupad ng mga tagapangasiwa nito. Itinuturing
din ng mga miyembro ang kanilang kasamahan bilang pangalawang pamilya. Dito nabuo ang maraming
pagkakaibigan at malalim na samahan kung kaya’t hindi na nila masyadong inaalintana ang pagod sa bawat
pagsasanay dahil alam nilang nariyan sila para sa isa’t-isa. “Sulit ang hirap at pagod sa pagsasanay lalo na kung
hawak na naming ang tropeyo” banggit ng isang miyembro ng banda.
Para sa banda ng ESNCHS mahalagang matuto ang bawat miyembro ng tamang pamumuno, pagiging
disiplinado, respeto sa mga kasapi lalo na sa lider, pakikinig, pakikibahagi at marami pang mga katangiang
taglay ng isang mabuting miyembro. Sa pagsali sa mga ganitong gawain ay natutulungan ang bawat mag-aaral
na iangat ang kanilang tiwala sa sarili. Mahalaga ito hindi lamang sa paghubog ng talento kundi maging sa
pagkatao ng mga miyembro. Mula sa pakikisalamuha sa mga tao, pagsunod sa mga utos, pagiging disiplinado,
pagpapahalaga sa paggawa, at pagtitiyaga, natututo silang maging mabuting miyembro. Bawat kasapi ng
banda ay naglalayong maghatid ng pag-asa sa mga tao sa pamamagitan ng mga musikang kanilang nalilikha.
Libo-libong mga mag-aaral ang natigil sa pag-aaral dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine
noong Marso 17, 2020. Dahil, dito matagal-tagal ding nakakulong ang mga kabataan sa kani-kanilang mga
tahanan. Wala tayong magawa kundi alalahanin ang mga masasayang kaganapan noon gaya ng mga parada at
kompetisyon. Alam nating lahat na nakakamiss mag-abang sa mga parada sa kanto tuwing piyesta. Marami na
rin ang mga napanalunan ng ESNCHS marching band sa mga band competition kaya lagi itong inaabangan ng
mga manonood. Sa muling pagbabalik ng in-person classes unti-unti ng nabubuhayan ang banda. Sa
kasalukuyan ay muli silang nagrerecruit ng mga mag-aaral na nagnanais na sumali. Marami ang nasasabik sa
muling pagbabalik ng ESNCHS marching band at matunghayang muli ang kanilang mga pagtatanghal.

Sa kabuuan, ang pagiging miyembro ng banda ay nangangailangan ng matinding pasensya, pagtitiyaga,


pagmamahal sa ginagawa at sakripisyo. Marami ang pagsubok na pagdaraanan ng mga kasapi nito ngunit ang
reaksiyon ng mga tao partikular ang mga ngiti na nakaguhit sa kanilang mga mukha ay sapat nang pampawi sa
hirap na kanilang pinagdaanan. Patuloy na naghahanda ang ESNCHS marching band para sa mga kompetisyon
at kaganapang kanilang lalahukan sa hinaharap. Buong puso namang handang sumuporta ang mga taong
nakapaligid sa kanila bilang pasasalamat sa pag-asang hatid ng kanilang musika.

You might also like