Professional Documents
Culture Documents
Posisyong Papel
Posisyong Papel
Isang hindi inaasahang pangyayari ang nararanasan natin ngayon. Lahat ay hindi handa sa
kung anong bagay o buhay ang mababago sa isang iglap. Hindi natin lubos maisip na ang
nakasanayang pag-tuturo noon ay mahirap nang maibalik pa, at ngayon ay hanggang sa online o
virtual na lamang upang makita, masaksihan ang bawat husay ng mga estudyante. Karamihan
ngayon ito ang ginagamit ang online platform na kung saan dito matututunan ang bawat asignatura
na nakabase sa baitang ng mag-aaral. Gamit ang teknolohiya tulad na lamang ng cellphone, tablets,
laptop/desktop, at isang koneskyon sa internet, ay makakapag-aral ang estudyante at
makakapagturo na ang mga guro. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang online platform ay
malawak, at dahil dito madaming iba’t- ibang klaseng plataporma ang pwedeng gamitin, gaya na
lamang ng google meet, microsoft teams, zoom, edmodo, etc. Sa mga nabanggit na mga online
platforms, ang aming ginagamit ay google meet.