Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 12: Si Placido Penitente

Introduksyon: (Kymm)

Isang magandang umaga/hapon/gabi – nasaan ka ma’y tunay ngang makabuluhan ang


araw. Ngunit ganito rin nga ba ang naramdaman ni Placido Penitente, isa sa mga karakter sa
obra maestra ni Dr. Jose Rizal na “El Filibusterismo”, nang napagdesisyunan niyang itigil ang
pag-aaral?

Patuloy natin siyang makikilala sa pagtalakay ko, Kymm Guadalupe, at ni Kerby


Mendoza ng Kabanata 12 (Ika-labindalawang Kabanata) ng “El Filibusterismo”.

Mahahalagang Pangyayari: (Kerby)

Simulan natin ito sa pagtukoy ng mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang ito.


Nag-umpisa ang kabanata kay Placido Penitente na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Malungkot ang kaniyang mukha dahil na ibig niyang tumigil sa pag-aaral. Nasa ikaapat na taon
na siya ng pag-aaral ngunit pinakiusapan na kahit batsiler en artes ay matapos niya. Dahil siya
pa naman ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio, naging palaisipan sa
mga kababayan ni Placido sa Tanawan ang hindi inaasahang pagtigil niya sa pag-aaral.

Sunod na pangyayari ay binati ni Juanito Pelaez si Placido. Nag-usap ang dalawa


tungkol sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani; nagharana raw sila ni Padre Camorra ng
magagandang babae.

Habang papasok na si Placido sa paaralan, inalalagda siya sa kasulatang tutol sa balak


na paaralan ni Makaraig. Walang oras at panahon si Placido upang basahin ang kasulatan
kaya’t tumanggi siyang lumagda. Ngunit dahil mapilit ang kausap nya, napalagda si Placido na
naging dahilan kung bakit siya nahuli sa klase.

Emosyon: (Kymm)

Nang nabasa ko ang kabanatang ito at ang kuwento ni Placido Penitente, nadismaya
ako lalong-lalo na sa sistema ng pag-aaral noon. Hanggang ngayon, problema pa rin ng ating
bansa ang edukasyon at tila ba walang pagbabago sa panahon nang isinulat ni Rizal ang “El
Filibusterismo”. Patunay ito na obra maestra nga talaga ang mga nobelang sinulat ni Dr. Jose
Rizal; binubuo ng mga pangyayari o isyu na hanggang ngayo’y kakita-kita pa rin sa mundo.
Ikaw, bilang isang mag-aaral tulad namin, sa tingin mo ba ay sapat ang ating kapangyarihan
upang mabago o mapabilis ang usad ng ating bansa, lalong-lalo na sa problema sa edukasyon?

Aral/Mensahe: (Kerby)

Nakasulat sa kabanatang ito ang ‘di kagandahang pagtrato ng guro ni Placido sakaniya.
Nakasaad sa huling parte ng kabanata na nabastusan ito kay Placido dahil nahuli siya sa klase,
at nasabing magbabayad raw ito sa kaniya. Sa ating buhay, marami tayong makakasamang
mga tao na tulad ng guro ni Placido – mapa-kaibigan, kapamilya, kaklase, at kung sino man sa
mundo. Iwasan nating mag-paapekto at mas mainam na ‘wag tularan ang ganiyang pagtrato sa
inyong mga sarili. Dapat ay matuto tayong tumindig at magsalita para sa ating sarili upang
maiwasan nating tratuhin tayo na parang isang laruan lamang.

Pag-uugnay sa Kasalukuyan: (Kymm)

Sa kasalukuyan, maiuugnay ko si Placido Penitente sa mga estudyanteng nais nang


tumigil sa pag-aaral dahil sa paraan ng pagtuturo ng isang partikular na guro o, sa
pangkalahatan, paaralan. Maaari itong maging halimbawa ng makasariling pag-iisip, ngunit sino
ba naman ang gugustuhing ipagpatuloy ang pag-aaral kung sa isang pagkakamali mo lamang
ay samot-sari na ang pagdidisiplina sa iyo nang pasigaw? Wala naman diba!

Maiuugnay ko naman si Tadeo sa kasalukuyang pangulo natin na si Pangulong


Ferdinand Marcos Jr. o mas kilala bilang “BongBong” Marcos. Siya ang “kasalukuyang Tadeo”
dahil pareho silang handang iwanan ang bayan para sa pansariling kagustuhan.

Sa pangyayari naman, maiuugnay ko ang pagkakaroon ng problema sa edukasyon


noon sa patuloy na pagdagdag ngayon ng mga batang hindi nakapag-aaral. Tulad nga sa
ginawa ni Placido Penitente na paghinto sa pag-aaral, ang mga gustong maging mag-aaral ay
tila walang pag-asa dahil wala namang nagbago – puno pa rin ng pagdududa…”sa buong
buhay ko, masasaksihan ko kaya ang makaupo sa loob ng silid-aralan at matuto?”

Pagwawakas: (Kerby)

Sa pagtatapos ng aming pagtalakay tungkol sa Kabanata 12 (Ika-labindalawang


Kabanata) ng “El Filibusterismo”, matagumpay nating naitukoy kung ano ang mahahalagang
pangyayari na nakapaloob sa kabanata, ang emosyon namin tungkol sa mga pangyayari, ang
aral at mensahe na gustong ibigay ng kabanatang ito sa mga mambabasa, at kung sino nga ba
si Placido Penitente sa kasalukuyan. Dahil rito, inaasahan ko, bilang kapwa estudyante, na
naunawaan ninyo ang aming paglalahad.

You might also like