Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Magandang Araw!

Panginoon, maraming salamat po sa panibagong


araw na ito na Iyong ipinagkaloob. Maraming
salamat po sa paggabay sa amin at sa mahal naming
sa buhay.Samahan Mo po kami sa buong maghapon
nang magampanan po naming ng maayos ang aming
mga tungkulin. Panginoon, hinihingi po naming ang
iyong patnubay sa araw na ito sa aming pag-aaral.
Gabayan Mo po kami upang malinang po ang aming
isipan at maunawaan ang aming aralin.Ang lahat po
ng ito ay aming idinadalangin sa ngalan po ni Hesus.
Amen.
Pangwakas na Gawain
Suring Basa,
Critique at
Simposyum
Buod ng Munting Prinsipe
Sa simula ng akda, bumagsak ang eroplano ng isang
piloto sa Disyerto ng Sahara. Habang pinag-iisipan
niya kung paano ito aayusin at kung saan siya
makakahanap ng makakain at maiinom, dumating
naman ang munting prinsipe. Nagpaguhit ito sa
kanya ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit ay
nagustuhan na ito ng munting prinsipe.
Buod ng Munting Prinsipe
Habang inaayos ang eroplano, nagkwento ang
prinsipe tungkol sa mga lugar na napuntahan at
natutuhan niya. Nabanggit niya rin ang pagmamahal
niya sa rosas at kung bakit siya umalis sa kanyang
planeta. Nakakilala ang prinsipe ng isang
alamid.Nang maamo na niya ito, nalaman niya ang
tunay na mahalagang bagay sa ating buhay.
Naghanap ng balon ang piloto at
Buod ng Munting Prinsipe
ang munting prinsipe. Nang makakita sila nito,
mahahalata sa pananalita ng prinsipe ang
pananabik na makabalik sa planeta nila upang
makita ang rosas. Nakipagusap siya sa ahas para
siya ay maibalik na sa kanyang planeta. At sa wakas,
dumating na rin ang araw kung kailan nakabalik ang
munting prinsipe sa kanyang daigdig dahil sa
pagtuklaw ng ahas sa kanya.
Buod ng Munting Prinsipe
Ikinalungkot ng piloto ang pag alis ng munting
prinsipe. Sa pagdaan ng panahon, ang pangungulila
ng piloto ay napupunan sa pagtingin niya sa mga
bituin sa langit kung saan naaalala niya ang kanyang
munting prinsipeng kaibigan.
Panonood at pakikinig ng isang akdang pampanitikan, “Ang Munting Prinsipe”
ANG MUNTING PRINSIPE | MELC FILIPINO 10 | NOBELA | ISANG
PAGKUKUWENTO NI BINIBINING ESTRELLA - YouTube
Alam mo ba kung ano ang suring basa,simposyum
at critique?

* Pagsusuri sa akdang Mediterranean.

* Pagbibigay ng mga ideya ukol sa isang paksa.

* Pag-iisa-isa ng mga elemento ng akdang


pampanitikan.
Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuring pampanitikang
naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa
akda.
Pormat sa Pagsulat ng Suring-basa
I.Panimula
Uri ng panitikan- Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat,
sa himig o damdaming taglay nito.
Bansang pinagmulan – pagkilala sa bansa kung saan naisulat
ang akda.
Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa
pagkasuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-
uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung
bakit sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat,
manuligsa, magprotesta, atbp
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda Mga Tauhan/Karakter sa
akda
Tagpuan/Panahon Balangkas ng mga Pangyayari
Kulturang Masasalamin sa akda – uri ng pamumuhay,
paniniwala, kaugalian o kultura sa akda
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda
Estilo ng Pagkasulat ng Akda
IV. Buod - Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang
istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang
detalye ang bigyang-tuon.
Simposyum
Ang simposyum ay nag-ugat sa salitang Griyego na
sympinein na nangangahulugang sama-samang pag-inom.
Mahihiwatigang ang pagsasalo-salong ito ay sinasabayan ng
mga talakayan at pagpapalitan ng mga opinyon kaugnay ng
mga kasalukuyang pangyayari. Sa kasalukuyan ito ay nanga-
ngahulugang isang pagtitipon kung saan may malayang
talakayan o palitan ng mga kaisipan.
Ito ay may isang modereytor na:
a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
Critique
Ang paghihimay-himay sa iba’t ibang elemento at
bahagi ng isang akda upangmakita kung ang bawat
isa’y nakatutulong maipaabot ang nais sabihin o
mensahe ng akda. Ang kritiko ay marapat na
iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na
patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng
linggwistika, kasaysayan,sikolohiya, atbp

Link (https://aralinph.com/suring-basa/)
Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng isang suring basa na nagmula sa
alinmang akdang pampanitikang Mediterranean. Isulat sa
sagutang papel.
Rubrik sa pagsulat:
Anyo–Pagsunod sa uri ng ipinapasulat o hinihingi -
10puntos
Balarila–Wasto at angkop sa paggamit ng mga salita -
10puntos
Hikayat–Maayos ang daloy ng pangungusap/Lohikal -
15 puntos
Nilalaman–Malaman ang ideyang ibinahagi - 15puntos
Kabuuan: 50 puntos
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa
1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan
ang sinusuri.
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa
muna ng sinopsis o maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na
paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng
pagkakasulat.

You might also like