Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan NG Wika
Kasaysayan NG Wika
Espanyol
- ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
Panahon ng Amerikano
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay
dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa
mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa
kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang
opisyal.
Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na
nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang
Komonwelt.
Panahon ng Amerikano
1935 - halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay
nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
Nagsagawa ang Kongreso ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng Wikang Pambaansa batay
sa umiiral na katutubong wika. (Seksyon 3, Artikulo XIV.. Pebrero 8, 1935)
Sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit
na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na
kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong
1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
Panahon ng Amerikano
Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas: Cebuano,
Pangasinan, Hiligaynon, Kapampangan, Samar, Leyte, Tagalog,
Bikol, at Ilokano.
Oktubre 27, 1936 - Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M.
Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang
paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng
isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa
layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang
wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Panahon ng Amerikano
Nobyembre 13, 1936 - Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang
Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.
Panahon ng Amerikano
Mga Kagawad:
.