Professional Documents
Culture Documents
PANITIKAN - Panimulang Pagtatalakay
PANITIKAN - Panimulang Pagtatalakay
PANITIKAN - Panimulang Pagtatalakay
● Noon, bago pa man maging disiplina ang panitikan, ito ay umiiral na bilang isang
natatanging kabuuan o body of works.
ARROGANTE (1983)
Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang
kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap.
WEBSTER (1947)
Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang - maliw.
PASALIN -DILA
Ito ay isinalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.
PASULAT
Ito ay nagsimula mula nang matutunan ng mga tao ang sistema ng pagsusulat. Lalo itong
yumaman nang maimbento ang imprenta dahil sa paglilimbag.
BATAY SA ANYO
TULYUAN/PROSA
Ito’y nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.
PATULA
Ito ay nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaring may sukat at
tugmaan o kaya’y malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma
NOBELA
Isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa
mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga
kabanata.
MAIKLING KWENTO
Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may isang kakintalan o impresyon.
DULA
MARIA CARPENA as “Miranda Mora”
In the original zarzuela (1904)
Isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Karaniwang nahahati ang isang dula sa
tatlo o higit pang yugto bagama’t marami rin ang mga dulang iisahing-yugto.
PABULA
Mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na
walang buhay na kumikilos at nagsasalita tila tunay na mga tao. Hubad sa katotohanan at
may layuning pumukaw sa isipan ng mga bata sa mga aral na makakahubog sa pag-uugali.
Halimbawa nito Ang Pagong at ang Matsing.
PARABULA
Mga kuwentong hinango sa Banal na Kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin din itong
mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay. Isa sa pinakapopular na halimbawa nito
ay ang Parabula ng Alibughang Anak.
ANKEKDOTA
Maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa. Maari ring
ito’y kasangkutan ng mga hayop o ng mga bata. Halimbawa nito ay Ang Gamu-gamo at ang
Munting Ilawan
SANAYSAY
Isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng isang may akda hinggil sa isang suliranin o
paksa.
TALAMBUHAY
Kasaysayan ng buhay ng isang tao.
● PANSARILI
Ang may -akda ay sumulat ng sariling talambuhay.
● PAIBA
Isinulat ng may -akda tungkol sa ibang tao.
BALITA
Paglalahad ng mga pang -araw - araw na pangyayari sa lipunan , pamahalaan , sa mga
lalawigan , sa ibayong dagat , maging sa industriya, kalakalanm agham , edukasyon ,
palakasan at pinilakang -tabing .
TALUMPATI
Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig . Ang talumpati ay nauuri
batay sa iba’t -ibang layunin . Ito ay maaring may layuning humikayat , magbigay -
impormasyon , magpaliwanag , mangatwiran , maglahad ng opinyon o paniniwala o
lumibang.
TULANG PASALAYSAY
Kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat, at tugma.
● EPIKO
Nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng isang
pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
Halimbawa nito ay Biag ni Lam-ang ng mga Iloco at Indarapatra at Sulayman ng mga
Muslim.
● AWIT AT KORIDO
Patulang salaysay na paawit kung basahin. Kinapapalooban ng romansa,
pakikipagsapalaran at mga supernatural na kaganapan. Ang awit ay may taludtod na
lalabindalawahing pantig tulad ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas. Ang korido
ay may wawaluhing pantig ang bawat taludtod tulad ng Ibong Adarna ni Jose dela
Cruz.
AWITING-BAYAN
Maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong ipinasa sa pamamagitan ng
bibig ng tao. Halimbawa nito ay Bahay Kubo.
SONETO
May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan na karaniwang naghahatid ng
aral. Halimbawa nito ang Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.
ELEHIYA
Nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
Halimbawa nito ay Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos
DALIT
Inaawit bulang pagpuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. May kaunting pilosopiya sa buhay.
Halimbawa nito Ang Dalit kay Maria.
PASTORAL
Tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Halimbawa nito ang Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.
ODA
Tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay. Halimbawa nito ang Ode to the Nightingale.
TULANG PATNIGAN
Laro o paligsahang patula na karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan. Ilan
sa mga halimbawa nito ay ang karagatan, duplo, ensilada, juego de prenda, balagtasan.
Una
Lubos na makikilala ang sarili bilang Pilipino at matatalos ang minanang yaman at talinong
taglay ng lahing pinagmulan
Pangalawa
Mabatid ang kadakilaan at karangalan ng mga sariling tradisyon at kultura, maging naging
impluwensya ng ibang bansa na naging kabihasnan sa kasalukuyan
Pangatlo
Higit mapapahalagahan ang kadakilaan ng kasaysayan, lalo na ang pagpapakasakit ng mga
ninuno upang makamit ang kalayaan na tinatamasa sa kasalukuyan.
Pang-apat
Mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga panitikan ng iba’t-ibang
rehiyon at matutunang ipagmalaki ang pagka-Pilipino
Panlima
Matukoy ang kalakasan at kahinaan ng lahi nang mapag-ibayo pa ang mabubuting katangian
bilang isang lipi at mapalakas ang kahinaan bilang bansa at maiwasto ang mga pagkakamali
bilang indibidwal at komunidad
Pang-anim
Mapangalagaan ang yamang pampanitikan na isa sa pinakamahalagang yamang panlipi
Pampito
Mahubog ang magiging anyo, hugis, nilalaman at katangian ng panitikan sa kasalukuyan na
magiging sanligan ng panitikan sa hinaharap.
Pangwalo
Malinang ang pagmamalasakit sa sariling kultura at maging ang malikhaing pag -iisip na mga
ilan sa mahahalagang pangangailangan upang umunlad ang bansa.