Kabataan Noon at Ngayon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Malaking bagay ang nagagawa ng impluwensiyang mayroon sa bawat henerasyon sa

pagkahubog ng mga kaugaliang pinahahalagahan ng mga tao, lalo at higit na ng mga kabataan.
Anumang salik mayroon sa henerasyon na iyon ay masasalamin sa mga gawi, pananalita at kahit sa
takbo ng pananaw ng mga taong makagigisnan ito. Samakatuwid, ang bawat henerasyon ay may
pagkakaiba; may kanya kanyang kahinaan at kalakasan, may mga tunay na ginto at ang iba naman ay
pilak.
Sinasabing ang kabataan noon at ngayon ay napakalaki na ng pagkakaiba mula sa kilos, ugali,
pananamit at iba pang mga bagay. Ito’y totoo nga ba? Tara’t ating suriin!

1. Kabataan noon: Noon, ang mga kabataan ay pursigidong unahin ang mga mas mahahalagang bagay
na dapat pagtuunan ng pansin at hindi pinagwawalang bahala.
Kabataan ngayon: Ngayon, mas gusto at inuuna pa ang pagliliwaliw at paglilibang sa mga bagay na
hindi naman mahalaga.
2. Kabataan noon: Dati, ang kabataan ay kusang nagmamano sa mga matatanda at magalang sa kapwa.
Kabataan ngayon: Ngayon, nilalagpasan nalang ang mga mas nakatatanda at ikinakahiya pa ang
pagmamano.
3. Kabataan noon: Pagdating naman sa pag-ibig, mas mahirap magpaligaw ang mga babae noon at
dumadaan pa sa butas ng karayom ang manliligaw
Kabataan ngayon: Samantalang ngayon, halos hindi na aabot ng isang buwan ang panliligaw.
4. Kabataan noon: Noon, ang pananamit ng mga kabataan ay simple lang walang arte.
Kabataan ngayon: Ngayon ay dahil sa impluwensiya ng media, nais ng mga bata ngayon na manamit sa
paraang makakasabay sila sa agos ng panahon na minsa’y halos makita na ang kanilang mga kaluluwa.
5. Kabataan noon: Palaging mga magulang o ang mas nakatatanda ang nagdedesisyon para sa mga
bata at sa kaayusan nito.
Kabataan ngayon: Dahil mas mulat na ang mga bata sa mundo, mas nagiging matalino ang mga itong
alamin kung ano ang kanilang ayaw at gusto. Mas nagkakaroon na sila ng boses sa mga bagay-bagay.
6. Kabataan noon: Kung dati, mga karaniwang laruan ang hawak ng mga kabataan.
Kabataan ngayon: Ngayon, ipad, iphone, cellphone (at minsan hindi lang isa), laptop, mp3, xbox,
playstation, wii at mga katulad nito ang hawak.
7. Kabataan noon: Ginugugol ang kanilang mga oras sa pagbabasa ng libro at pag-aaral.
Kabataan ngayon: Nagkalat na ang iba’t ibang social networks kaya naman napakaraming oras ang
ginugugol ng mga kabtaan sa pag-upo sa harap ng kanilang mga computer o laptop.

Ayon sa mga nakatatanda, mas magalang, masunurin at mas higit na mabait daw ang mga
kabataan noon di tulad ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa aming paghinuha, ang mga kabataan noon
kung ihahambing sa ngayon ay masasabing nabuhay sa mas simpleng mundo; malaya mula sa
impluwensiya ng kasalukuyang teknolohiya. Sila ay namulat sa mas payak na pinagkalilibangan. Ang
paglalaro o paglilibang ay pinagbubuhusan ng pisikal na pagganap at ang epekto nito ay mas dalisay na
kaligayahan na nagpapalalim ng personal na relasyon sa kapwa. Higit sa lahat ang kanilang pananaw
ukol sa pagsusumikap ay naka angkla sa ibayong pagbabanat ng buto, pagtitiis ng hirap, tagaktak ng
pawis at seryosong dedikasyon patungo sa kanilang ninanais na tagumpay.
Samantala, ang mga kabataan ngayon ay may sariling paraan ng pagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga bagay na may kabuluhan. Ibayong pagsisikap pa rin ang puhunan ng matamis na
tagumpay. Ngunit sa kumplikadong mundo na nakabalatkayo sa teknolohiyang ang alok ay mas
magaang pamumuhay, ang balik ay madaling pakikipag-ugnayan ngunit madalas ay paimbabaw
lamang. Sa ganitong aspeto matatagpuan ang hamon sa mga kabataang nasa henerasyong ito.

Kahit sa maraming bagay sila nagkakaiba, di parin talaga nawawala ang dugo ng pagiging
Pilipino. Ang kabataan, mapa noon man o ngayon ay nagsisilbi paring pag-asa ng bayan. Sa paglipas ng
panahon, ang bawat henerasyon ay tunay ngang may sari-sariling pagkakaiba ngunit ang kaibahang ito
ang maghahatid sa bawat isa ng mas kaaya-ayang paglago at makatutulong sa kaganapan ng pagiging
isang tunay na tao, isang tunay na Kabataang Pilipino!

You might also like