Ang Kahirapan Sa Pilipinas - SOSLIT

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Kahirapan sa Pilipinas

Sanaysay ni Eloiza L. Pacheco

Ang kahirapan ay isang isyu o suliranin na kinakaharap ng ating bansa at ito ay


hindi na bago sa ating mga Pilipino. Masasabi nating hindi lang ang kahirapan ang pinaka
malalang problema sa ating lipunan, nariyan ang korapsyon, pagbebenta ng mga droga,
pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon, pag nanakaw, mga polusyon at marami
pang iba, ngunit hindi bat ang kahirapan din ang syang pangunahing dahilan kung bakit
nariyan ang mga problemang aking nabanggit? Ang kahirapan ang isa sa mga problema
sa lipunan na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon magpasahanggang
ngayon. Nang dahil sa kahirapan, maraming mga bata ang hindi nabibigyan ng
pagkakataon na makapag aral, paano na ang mga kataga ni Dr. Jose Rizal na “Ang
kabataan ang pag asa ng bayan” kung marami ang hindi nakakapag aral dulot ng
kahirapan.
Nang dahil rin sa kahirapan, marami ang nalulong sa masamang bisyo at
nakakagawa ng krimen gaya ng pagnanakaw, ito marahil ay dala na rin ng kakapusan sa
pera at ng kahirapan sa buhay. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na
opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang mga kaban o pondo ng ating bansa na para
sana sa ika-uunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga
opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Paano tayo makararanas ng
isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga
lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Ang kahirapan ang nag hihila sa atin pababa, ang nagdudulot sa atin na gumawa
ng masama at sa araw-araw ay gutom ang pinapadama. Ngunit kung mas pakasusuriin
pa nating mabuti, nasa ating mga kamay ang kapalaran ng ating buhay at ang
kapangyarihan na baguhin ang hirap na pinag dadaanan, dahil tayo mismo ang susi
upang tayo’y magtagumpay. Hindi pa huli ang lahat, ang kahirapan ang gawing lakas
upang makalaya sa madilim na landas. Oo, mahirap ang maging mahirap ngunit kaya pa,
samahan mo lang ng sipag at diskarte ay magtatagumpay ka. Ako bilang isang kabataan,
ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng
magandang kinabukasan. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating
bayan, magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay pati na rin ang
inang bayan.

You might also like