Professional Documents
Culture Documents
Pedro Booklet 2
Pedro Booklet 2
Ang Pagsisisi
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at taong totoo, gumawa at sumakop sa akin,
pinagsisisihan kong lubos ang mga pagkakasala ko sa Iyo. Ikaw ang Diyos ko, Panginoon ko at
Ama ko na iniibig kong higit sa lahat. Gabayan mo ako habang ako’y nagsusumikap na hindi
na muling magkasala sa Iyo. Bigyan mo ako ng lakas ng loob at kapakumbabaan upang ako’y
makadulog sa Iyong Awa sa Sakramento ng Kumpisal. Patawarin Mo ako sa aking mga
kasalanan at pagkukulang, Ikaw na nagpakasakit at namatay sa Krus dahil sa akin. Amen.
Panalangin ng Pagtanggap
O pinakamamahal naming pintakasi, San Pedro Calungsod, kami ay nalulugod at
nagpupuri sa pagdalaw mong ito sa aming tahanan na iyong minarapat na maging pugad ng
iyong pag-ibig sa loob ng ilang araw na ipamamalagi mo sa aming piling. Igawad mo sa amin,
minamahal na pintakasi ng mga kabataang Pilipino, ang iyong pagkalinga. Basbasan mo
kaming lahat sa tahanang ito at huwag mong itulot na kami ay makagawa ng anumang
ikalulumbay mo. Tulungan mo kami upang aming higit na makilala, mahalin at
mapaglingkuran ang Diyos. Ingatan at ipamagitan mo kaming lagi kay Hesus na aming
pinaghahandugan ng aming puso at kaluluwa, ng lahat ng aming lakas at kakayahan, ng aming
buong buhay at pagkatao, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng
langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon
nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa
karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula at
paririto't maghuhukom sa mga nabubuhay at namamatay na tao. Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo, Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal; Sa
kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, At sa buhay
na walang hanggan. Amen.
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo, mapasaamin ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa Langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. Patawarin Mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. Huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at magpasawalanghanggan. Amen
Lahat: Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong aming
Panginoon.
Panalangin
O Diyos, na ang bugtong na anak Mo ay siyang ipinagkamit naming ng kagalinga’t
kabuhayang walang hanggan, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilay namin
nitong mga misteryo ng Kabanal-banalang Rosaryo ng Kamahal-mahalang Birheng Maria, ay
hindi lamang matularan namin ang magagaling na halimbawang nalalarawan doon, kundi
naman makamtan naming ang mga kagalingang ipinangako sa amin, alang-alang kay
Hesukristong Anak Mo. Amen.
Upang tulad mo, matutunan din naming ibigin ang Diyos at ana aming kapwa*
Upang tulad mo, matutunan din namin at maipaglaban ang mga katotohanan ng Simbahang
Katolika*
Upang tulad mo, kami rin ay magsikap na isabuhay ang pananampalatayang aming tinanggap sa
Binyag*
Upang tulad mo, kami rin ay maging masigasig sa aming pagbabahagi ng ating
pananampalataya sa aming kapwa*
Upang tulad mo, kami rin ay maging handang maghandog ng aming buhay at kakayahan sa
paglilingkod sa Simbahan*
Upang tulad mo, mapagtagumpayan din namin ang pagkahilig sa mga bagay na makamundo at
maging handang magbahagi sa aming kapwa*
Upang tulad mo, kari rin ay maging mapagbata sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay alang-
alang sa pag-ibig sa Diyos*
Upang tulad mo, kami rin ay palaging manalangin upang hindi madaig ng tukso*
Upang tulad mo, amin ding mapanatili ang aming mga puso at katawan na malinis at maging
mga karapat-dapat na templo ng Espiritu Santo*
Upang tulad mo, kami rin ay makapagsisi sa aming mga kasalanan at palaging tumanggap sa
Sakramento ng kumpisal*
Upang tulad mo, matutunan din naming patawarin ang mga taong nakasakit sa amin*
Upang, tulad mo, kami rin ay maging tapat at mapagmahal sa aming mga kaibigan*
Upang tulad mo, kami rin ay magtaglay ng masidhing debosyon kay Maria, ang aming Ina*
Upang tulad mo, ibigin din namin at sambahin si Hesukristo sa Santissimo Sacramento*
Lahat: Upang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristong aming Panginoon.
Amen.
Panalangin ng Pamamaalam
Minamahal na San Pedro Calungsod, dumating na ang sandali ng iyong paglisan sa
aming tahanan na naging tahanan mo rin sa loob ng ilang araw na pananatili mo sa aming piling.
Hindi kayang banggitin ng aming mga labi ang kaligayahang nag-uumapaw sa aming mga puso.
Dulot ng iyong pagmamahal, minarapat mong makiisa sa amin kahit sumandali lamang.
Salamat, San Pedro Calungsod, salamat. Magbalik kang muli sa aming piling. Dito ay hihintayin
ka naming muli ng buong pananabik.Sa iyong paglisan, baunin mo ang aming pamamahal at ang
aming puso. Huwag mong ipahintulot na makalimot kami sa iyo o mawalay sa iyong
pagkalinga ngayon at magpakailanman. Amen
San Jose,
Ipanalangin mo kami.