Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Ang ating bansa ay sinakop ng mga amerikano noong taong 1898. Mula noong
pagsakop nila sa ating bansa maraming nagbago at isa na doon ang edukasyon. Ang Sistema
ng edukasyon ng Pilipinas noong panahon ng amerikano ay binago nila at ito ay ginawang
katulad ng kanilang sistema ng edukasyon. Ginamit nila ang wikang Ingles bilang pangunahing
wikang panturo. Tulad ng sinabi sa modyul na aking binasa, ang wikang ingles ay nagsilbing
isang makapal na pader na naghiwalay sa mga Pilipino mula sa kanilang nakaraan at nang
lumaon ay naghiwalay sa ilustrado at masa, kumbaga’y ang wikang ingles ay ang naging
sukatan ng pagiging matalino at edukado noong panahon ng mga amerikano. Sa pamamagitan
ng edukasyon mula sa mga amerikano, hindi lamang sa wikang Ingles natuto ang mga Pilipino
kundi pati sa bagong sistema ng pamumuhay. Sa pamamagitan ng edukasyonng amerikano
ang mga Pilipino ay naging bagong klaseng Amerikano. Unti-unti nang nalalason ang utak ng
mga Pilipino at lumukob na sa kanila ang buhay-amerikano. Ang Ang ating pagpili ng mga
bagay na binibili ay hinubog ng mga kalakal na gawa ng Amerikano na malayang pumapasok
sa ating bayan nang walang buwis. Dinakila ang ekonomiyang agrikultural sapagkat umaayon
ito sa kolonyal na ekonomiyang kanilang pinatatatag. Iniisip natin na mas maganda ang kalidad
ng mga produkto na mula sa Estados Unidos kahit na parehas lang naman ito ng sa iba pang
mga bansa. Ang mga bansang kanluranin ay inilarawan sa atin bilang mga bansa na ang mga
naninirahan doon ay mayroong mas kayang gawin kaysa sa atin. Ni minsan ay hindi natin na
isip na maaari din tayong maging indstriyalisado sapagkat pang-agrikultural lamang ang kaya
natin ayon sa mga itinuturo sa paaralan. Dahil sa edukasyong amerikano natanim sa isip ng
mga Pilipino na mas magaling at mas may kayang gawin ang mga amerikano kaysa sa atin.
II.
Sa kasalukuyang panahon, ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay katulad pa rin ng
sistema ng edukasyon ng Amerika na kung saan ay Ingles pa rin ang midyum ng pagtuturo.
Dahil sa sistemang iniwan sa atin ng Amerika ay hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala
ang kolonyal na pagiisip ng mga Pilipino. Iniisip pa din ng karamihan sa atin na mas angat at
matalino ang taong marunong at bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles. Ingles ang naging
wikang panturo at awtomatikong naging wika ng kaalaman.Hanggang ngayon, patuloy ang mga
eksperimento para matiyak kung higit na mahusay ang paggamit ng wikang katutubo. Sa
alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng katutubong wika sa edukasyon. Pero dito sa
ating bansa, ay masyadong mataas and tingin natin sa kolonyal na edukasyon na hindi
mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas maraming Pilipino ang tutol
kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang pananaw na hindi mabubuhay ang mga
Pilipino kung wala ang Amerika gayundin ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring
maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa pagiging bihasa sa paggamit ng Ingles.
Hanggang ngayon ay ingles pa rin ang gamit sa mga asignatura tulad ng agham at sipnayan.
Ipinakilala man ng dating pangulong Marcos ang bilinggwal na pagtuturo sa mga asignatura na
ito ay hindi pa rin maikakaila na hirap tayo na magakroon ng sistema ng edukasyon na
matatawag na atin dahil ang mga asignatura na ito ay ipinakilala sa atin sa ingles. Nitong
kamakailan lamang ay nagkaroon ng mungkahi ang CHED na tanggalin ang asignaturang
Filipino sa Kolehiyo. Ito ay isang epekto ng edukasyong amerikano dahil ang mungkahing ito
may mas prioridad ang Ingles sa halip na Filipino at Panitikan ang maging prioridad. Dahil sa
sistema ng edukasyon na mayroon tayo ngayon ay napipilitan tayo na isantabi ang ating wika at
kultura upang makasabay sa industriyalisasyon at globalisasyon na isa sa mga prioridad din ng
kanluraning mga bansa.
III.
Batay sa aking pagkakaunawa ang solusyon na aking naiisip sa lisyang edukasyon ng
mga Pilipino ay ang pag gamit ng sarili nating wika upang maituro ang mga asignatura na
itinuturo sa ating mga paaralan. Dahil sa impluwensiya sa atin ng mga amerikano, naging
mababa ang tingin natin sa ating wika, iniisip natin na mas edukado ang mga taong bihasa sa
ingles kaysa sa mga taong bihasa sa ating wika. Kung wikang Filipino ang magiging
pangunahing wika na gagamitin sa pagtuturo ay mas lalo nitong mapepreserba ang kultura at
wikang Filipino. Maganda din ito para sa mga susunod na henerasyon dahil padami na nang
padami ang mga batang hindi marunong o kakaunti lamang ang kaalaman sa Filipino.
Halimbawa, maramning mga bata sa mga pribadong paaralan ang hirap makaintindi sa wikang
Filipino dahil Ingles ang wikang ginagamit sa mga asignatura sa paaralan at pat isa kanilang
mga tahanan ay Ingles pa rin ang wikang kanilang ginagamit. Kailangan din pagtuunan nang
pansin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga paaralan, dahil kahit na ang mga batang
Filipino ang wikang gamit sa bahay at paaralan ay hirap pa din sa ibang aspeto ng aasignatura
na ito, halimbawa na lamang ay ang wastong pag gamit ng mga salitang “nang” at “ng” ay hirap
ang mga magaaaral sa pagkakaiba ng mga ito. Maraming kailangang gawin upang
masolusyunan ang lisyang edukasyon ng mga Pilipino, pero kung sisimulan ito sa mga maliliit
na hakbang tulad ng aking mga nabanggit at sisimulan ito sa lalong madaling panahon ay
maaari pang mabago o maging mas maka-Filipino ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.

You might also like