Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Responsableng Suhestiyon at
Pakikinig sa Opinyon
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Ancelma R. Columna


Co-Author - Content Editor : Marlon D. Paguio
Co-Author - Language Reviewer : Maria Fe B. Visda
Co-Author - Illustrator : Jeffrey R. Cordova
Co-Author - Layout Artist : Ancelma R. Columna

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Alma Q. Flores
Teacher District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
District SLM Content Editor : Marlon D. Paguio
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Responsableng Suhestiyon at
Pakikinig sa Opinyon!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao –


Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Responsableng Suhestiyon at Pakikinig sa Opinyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasa ng makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mong paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaanim na Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Responsableng Suhestiyon at
Pakikinig sa Opinyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
`1o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Nakapagbigay ka na ba nang iyong suhestiyon sa iyong kapwa?


Pinapakinggan mo ba ang opinyon ng iba sa panahon ng iyong pakikipag-usap?

Nakapaloob sa modyul na ito ang kahalagahan ng pagiging responsable sa


iyong kapwa. Matutulungan ka rito kung paano ka magkakaroon ng mas higit na
mabuting pakikipag-ugnayan sa iba. Magiging kasiya-siya ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito para sa iyong higit na ikatututo.

Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahan na naipamamalas mo


ang kakayahang:
* Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa
- 1.1 Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging responsable sa pagbibigay ng
suhestiyon sa kapwa

- 1.2 Nailalarawan ang kahalagahan ng pakikinig sa opinyon ng ibang tao

1
Subukin

Isulat ang salitang TAMA AKO kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa pagiging
responsable sa kapwa at MALI ITO naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
isang sagutang papel.

1. Masusing iniisip ni Andrea ang ibibigay niyang suhestiyon sa


kanilang pangkatang gawain para sa kanilang proyekto sa
asignaturang Araling Panlipunan.

2. Bilang lider ng grupo, nais ni Ben na ang suhestiyon niya lang ang
masusunod.

3. Magalang na pinakinggan ni Nita ang opinyon ng kaniyang kaibigan


kahit na kaiba ito sa kaniyang sariling opinyon.

4. Mabilis na nakatapos sa kanilang takdang aralin ang grupo ni Kian


dahil pinakinggan nilang lahat ang suhestiyon ng bawat isa.

5. Umiiwas si Nestor na magbigay ng kaniyang suhestiyon sa takot na


mapahiya lamang siya sa ibang tao.

2
Aralin Responsableng
1 Suhestiyon at Pakikinig
sa Opinyon

Mas makabubuti kung tayo ay magiging isang responsableng mamamayan.


Maaaring ito ay maging isang napakalaking tulong para sa lahat. Sa pagbibigay natin
ng suhestiyon, kinakailangan na isaalang-alang natin ang mga tao sa paligid natin
na maapektuhan ng ating ideya o suhestiyon. Isiping mabuti ang magiging resulta
nito.

Ikaw rin bilang mag-aaral sa ikaanim na baitang ay dapat isagawa ang mga
nabanggit sa itaas na talata. Ang kahalagahan ng mga ito ay matutuklasan mo sa
pagpapatuloy ng pag-aaral sa modyul na ito. Tara na at dagdagan ang iyong
kaalaman ukol dito.

3
Balikan

Marapat lamang na tuparin mo ang lahat ng iyong mga pangakong binitiwan.


Magbigay ka ngayon ng limang sitwasyon na nagpapakita ng pagtupad mo sa mga
pangakong ito. Isulat sa iyong sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

4
Mga Tala para saGuro
Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa ikaanim
na baitang upang malaman ang kahalagahan ng pagiging
responsable sa kapwa at matukoy ang kahalagahan ng pagiging
responsable sa pagbibigay ng suhestiyon sa kapwa gayundin ang
paglalarawan sa kahalagahan ng pakikinig sa opinyon ng iba.

Tuklasin

Halina at basahin mo ang tula na nasa ibaba.

Responsable Ako

Ni: Ancelma R. Columna

Ang ating kapwa, dapat pahalagahan

Sa lahat ng aspeto huwag kakalimutan

Maging responsable kahit kaninuman

Upang ating samahan maligayang tunay.

Kahalagahan ng pagiging responsable sa pagbibigay suhestiyon

Aking isasagawa para sa kabutihan mong tugon

Maging kapaki-pakinabang sa gawain ngayon

Sa tiyak mong kaligtasan ako ang proteksiyon.

5
Paano naman ilalarawan pakikinig sa ‘yong opinyon?

May kasamang pagpapahalaga bibigyan kita ng pagkakataon

Ako’y magiging magalang, matimpi at mahinahon

Habang isinasaysay mo sariling opinyon.

Sa lahat na nabanggit na kahalagahan

Siguradong pagkakasundo at pagkakaunawaan

Mapayapa at ligtas bawat isa sa kapwa, tayo nang maging responsable

Sa iyo ito magmumula.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Ano ang dapat nating gawin sa ating kapwa?
3. Paano tinukoy ang pagiging responsable sa pagbibigay ng suhestiyon?
4. Paano inilarawan ang pakikinig sa opinyon ng iba?
5. Anong aral ang napulot mo sa tulang iyong nabasa?

6
Suriin

Ang pagpapahalaga sa ating kapwa ay mahalagang salik na dapat bigyang pansin


upang mapanatili ang pagkakaroon ng makataong pakikisama at mapairal ang
pagmamalasakit sa bawat isa.
Narito ang ilan sa pagtukoy sa kahalagahan ng pagiging responsable sa pagbibigay
ng suhestiyon sa kapwa at ilang paglalarawan sa kahalagahan ng pakikinig sa
opinyon ng iba:
✓ Maging kapaki-pakinabang ang iyong suhestiyon
✓ Para sa ikabubuti ng iyong kapwa
✓ Pagkakaroon ng maayos na samahan
✓ Mapanatili ang pagkakaunawaan
✓ Mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa sa pagpapahayag ng kani-
kaniyang opinyon
✓ Maipakita ang paggalang sa opinyon ng iba
✓ Makapagtimpi sa kapwa at maging mahinahon sa pakikinig
✓ Magkaroon ng pantay na pagtingin sa karapatan ng ibang tao
✓ Maiwasan ang makasakit sa damdamin ng iyong kapwa
✓ Makatulong sa tiyak na gawain na nangangailangan ng iyong suhestiyon

7
Pagyamanin

Gawain 1

Piliin sa loob ng kahon ang letra na tumutukoy sa kahalagahan ng pagiging


responsable sa pagbibigay ng suhestiyon sa kapwa at naglalarawan ng kahalagahan
ng pakikinig sa opinyon ng iba. Isulat sa sagutang papel ang letra lamang ng iyong
sagot.

A. Napapanatili ang pagkakaunawaan sa bawat isa.

B. Naiiwasan ang makasakit sa damdamin ng iyong kapwa.

C. Naipapakita ang sariling galing lamang sa mga kasama.

D. Nakakapagtimpi sa kapwa at nagiging mahinahon sa pakikinig sa


opinyon ng iba.

E. Naipapakita ang paggalang sa iba.

F. Nagkakaroon ng maayos na samahan.

G. Nagkakaroon ng maraming kaibigan.

H. Nagiging kapaki-pakinabang ang iyong suhestiyon.

I. Nabibigyang pagkakataon ang iba na makapagpahayag ng kanilang


sariling opinyon.

J. Napapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

8
Gawain 2

Gumawa ng slogan tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng responsableng


suhestiyon o kaya naman ay tungkol sa kahalagahan ng pakikinig sa opinyon ng
iba. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

9
Gawain 3

Bumuo ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng


responsableng suhestiyon at kahalagahan ng pakikinig sa opinyon ng iba. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

Narito ang pamagat:

Responsableng Suhestiyon at Pakikinig sa Opinyon, Gawin Mo Na Ngayon!

10
Isaisip

Ano ang iyong natutuhan sa aralin na ito? Ipakita sa pamamagitan ng pagsagot sa


talahanayan? Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Natutuhan ko sa araling ito… Ang kahalagahan nito ay…

11
Isagawa

Gawain 1

Basahin mo ang nakasulat sa ibaba at maging gabay mo ito palagi upang maisagawa
mo ang tinalakay na kahalagahan ng aralin sa modyul na ito.

12
Gawain 2

Kumpletuhin mo ang mga pangungusap na nasa ibaba. Ibahagi mo ang iyong naging
sagot sa kahit sinong miyembro ng inyong pamilya o kahit maging sino na iyong
kasama sa inyong bahay.

Ang kahalagahan ng pagbibigay ng responsableng


suhestiyon sa ating kapwa na nais kong tukuyin at gawin
ay ang _________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

_______________________________________.

Ang kahalagahan ng pakikinig sa opinyon ng iba na nais


kong tukuyin at gawin ay ang
________________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________

________________________________________________________

_______________________________________.

13
Gawain 3

Kapanayamin mo ngayon ang isa sa mga miyembro ng iyong pamilya. Ipagawa mo


sa kaniya ang ginawa mo sa Gawain 2 at pag-aralan mo ang kaniyang mga naging
sagot.

14
Tayahin

Isa-isahin Mo.

A. Kahalagahan ng pagiging responsable sa pagbibigay ng suhestiyon:

1.

2.

3.

4.

5.

B. Kahalagahan ng pakikinig sa opinyon ng iba:

1.

2.

3.

4.

5.

15
Karagdagang Gawain

Tiyak kong sapat na ang iyong kaalaman sa ating aralin. Narito pa ang mga takdang
gawain upang higit na mapalawig mo pa ang iyong kaalaman ukol dito.

A. Tandaan at sagutin mo ang tanong sa huling bahagi ng acronym ng salitang


RESPONSABLE. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

RESPONSABLE Nga Ba Ako?

R- espetuhin ang iyong kapwa

E- hemplong tunay sa iyo magmumula

S- uhestiyon ng iba dapat mong pahalagahan

P- akikinig nang mabuti sa kanila’y ilaan

O- pinyon ng iba mahinahon mong pakinggan

N- angangailangang ito’y iyong pag-isipan

S- ikapin mong makinig, magkakaiba man

A- ko ay di mananakit ng ibang damdamin

B- awat isa ay mahalin upang ating makamtan

L- ubusang pamumuhay na tahimik at magkakapantay

E- h ang tanong ko na lang, RESPONSABLE KA BA NAMAN?

16
B. Basahin ang tula na nasa ibaba at subukan mong isaulo ito.

Sana All, Responsable!

Kabutihan ng bawat isa sa aking suhestiyon makikita,

Kapaki-pakinabang sa tiyak na gawain pa,

Akin ding pakikinggan, opinyon mong winiwika,

Sarili ay kalmado kahit magkakaiba pa.

Aking natutuhan kahalagahan ng suhestiyon at opinyon,

Ito’y aking isasabuhay upang maging halimbawang tunay,

Ikaw, ako, tayo, magkaisa dapat tayo,

Pagiging responsable sa kapwa nandiyan sa palad mo.

Panahon ng pandemya ngayon ay paano na?

Kung sa mga suhestiyon ay nagtatalo-talo pa,

Iba’t ibang opinyon kanino kukuha?

Kung ang bawat isa sa atin ay nanghuhusga.

Ngayong alam ko na mga kahalagahan,

Ito’y aking gabay sa pakikipag-ugnayan,

Pagmamahal sa kapwa at pagbibigay pang-unawa,

Kapwa ko Pilipino, maging responsable na tayo!

17
18
Isagawa
Tayahin Gawain 2
Isaisip
- depende sa - depende sa
- depende sa
sagot ng bata sagot ng bata
sagot ng bata
Gawain 3
- depende sa
sagot ng bata
Pagyamanin
Pagyamanin Pagyamanin
Gawain 1
Gawain 3 Gawain 2
A G
- Depende sa - Depende sa B H
sagot ng bata sagot ng bata D I
E J
F
Subukin
Tuklasin Balikan 1. TAMA AKO
2. MALI ITO
- Depende sa - Depende sa 3. TAMA AKO
sagot ng bata sagot ng bata 4. TAMA AKO
5. MALI ITO
Susi sa Pagwawasto
Rubrik sa Pagguhit ng Slogan
NAPAKA- MAHU- KATAM- KAILANGAN ISKOR
HUSAY SAY TAMAN NG
PAGSASANAY
Ang Bahagyan Medyo Walang
NILALAMAN mensahe g magulo ang mensaheng
ay naipakita mensahe. naipakita.
mabisang ang
naipakita. mensahe.
6 5 4 3
Napaka- Maganda Maganda Di maganda at
ganda at at ngunit di malabo ang
napakali- malinaw gaanong pagkakasulat
PAGKAMALIK- naw ng ang malinaw ng mga titik.
HAIN pagkakasu pagkakas ang
lat ng mga ulat ng pagkakasul
titik. mga titik. at ng mga
titik.
4 3 2 1

May Bahag- Kaunti lang Walang


malaking yang may ang kaugnayan sa
KAUGNAYAN SA kaugna- kaugna- kaugnayan paksa ang
TEMA yan sa yan sa ng slogan sa slogan.
paksa ang paksa ang paksa.
slogan. slogan.

6 5 4 3

Malinis na Malinis Di gaanong Marumi ang


KALINISAN AT malinis ang malinis ang pagkakabuo.
KAAYUSAN ang pagkaka- pagkaka-
pagkaka- buo. buo.
buo.

4 3 2 1
KABUUAN NG
ISKOR

19
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa MakabagongPanahon.
Quezon City: Vibal Group, Inc.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan- Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

21

You might also like