PANGHALIP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMER ENHANCEMENT PROGRAM 2022:

Pundamental na Kaalaman sa Filipino daan tungo sa Diwang


Nasyunalismo

PANGHALIP
Ang panghalip ay may malaking tungkulin sa gramatika. Ito ang katagang
panghalili sa pangngalan. Mahalaga ito upang hindi paulit-ulit ang paggamit sa
pangngalan sa pagsasalita maging sa pagsulat.
Mga halimbawa:

1. Si Risa ay isa sa mga aktibong mag-aaral na humihikayat sa kaniyang


kamag-aaral na sumali sa proyekto ng kanilang paaralan tungkol sa pagreresiklo ng
mga basura. Siya rin ay nagpatawag ng pagpupulong sa kanilang klase upang pag-
usapan ang kaniyang binabalak upang ito ay maging matagumpay.

2. Nagmamadaling iniabot ni Arman kay George ang liham upang hindi siya maabutan
ng ulan sa daan.

Uri ng Panghalip:
1. Panghalip na Panao — Ito ang tawag sa mga salitang panghalili sa pangngalan
ng tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: ako o kata, kita o tayo, kami, ikaw o
ko, kayo, siya o sila.
Mga halimbawa:
a) Siya ang aking kaibigan na hindi kailanman nang-liwan.
b) Sa kanila ko natutuhang magpakumbaba sa kabila ng kalupitan ng ibang tao
c) Ikaw na ang bahalang magpaunawa sa kanila sa kahalagahan ng pakikipag-
ugnayan at pakikiisa.
2. Panghalip na Pananong — Ito ang pamalit sa pangngalangitinatanong. Ilan sa
mga ito ay ang sumusunod: ano/ano-ano, sino/sino-sino, alin/alin-alin,
kanino/kani-kanino.
Mga Halimbawa:
a) Ano ang mabibili sa halagang dalwampung piso?
b) Sino-sino ang kasali sa SLSU Chorale?
3. Panghalip na Panaklaw - ito ang panghalili sa mga salitang nagpapakita ng
kaisahan bilang, dami, o kalahatan. Ito ang sumusunod: iba, lahat, tanan, madla,
pawa, bawat isa, anuman, alinman, sinuman, ilanman, kailanman, saanman,
gaanuman, magkanuman.
Mga Halimbawa:
a) Anuman ang sabihin nila, mananatili ang pagtitiwala ko sa iyo.
b) Lahat ay maambunan ng sampung libong ayuda.
4. Panghalip na Pamatlig - Ito ang mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng tao,
bagay, pook, gawa, o pangyayari. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: ito/ire,
nito/nire, ganito/ganire, dito/rito, heto/eto, iyan/niyan, diyan/riyan, hayan/ayan
Mga halimbawa:
Ganito ang tamang paraan ng pagpapaabot ng pasasalamat sa pangulo.
Ito ang impormasyon na makatutulong sa pagresolba ng kaso.
GAWAIN 1:
A. Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap at isulat sa patlang
ang uri nito.
_____________________1. Masayang naglalaro ang mga bata sa daan kanina
kasama ang bago nilang kaibigan.
_____________________2. Ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan mula sa
Mediterranean ay nagpapalawak sa ating kaalaman sa kultura ng mga taong
naninirahan doon.
_____________________3. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagbabago?
_____________________4. Saanman tayo dalhin ng ating mga paa, nakatitiyak
akong ito ay ikaliligaya ng ating mga puso.
_____________________5. Ang balang ay nagluluksa sa pagkamatay ng
diumanong isang mabuti at mabait na bata.

You might also like