Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PADAYON X

Ikatlong markahaN

PADAYONX
X

DESRAEL G. RACELIS
GURO SA FILIPINO X

1
PADAYON X

TEORYANG
PAMPANITIKAN
ARALIN 1

2
PADAYON X

1 MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

PANIMULA

Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na buhay. Mababatid ang


kalagayan at kasaysayan ng isang lugar sa siang partikular na era o
panahon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikang nasulat at
umusbong sa panahong ito. Sa maraming pagkakataon, Nakita ang lakas at
kapangyarihan ng panitikan sa pagiging daan nito upang mabago ang
lipunan.

DEPINISYON

TEORYA: Pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na


kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.

TEORYANG PAMPANITIKAN: Isang sistema ng mga kaisipan at


kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan,
kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong
panitikan na ating binabasa.

3
PADAYON X

PAGTALAKAY

REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng
may-akda sa kanyang ginagalawan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay. Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Ayon sa
mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat
maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad.

Sanaysay: TALAMBALAY ni Elyrah Salanga-Torralba

KLASISISMO
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

4
PADAYON X

ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.

Nobela: NOLI ME TANGERE Kabanata 7 ni Jose Rizal

HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino, talento atbp.

Sanaysay: SI ATE ELSA, SI ALING CARMEN, AT AKO LABAN SA MGA


NANGUNGUNANG BANSA SA MUNDO ni Juan Dimagiba

5
PADAYON X

FEMINISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay ipamayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

Sanaysay: SUSON-SUSONG SUSO ni Jing Panganiban Mendoza

EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence). Huling bahagi ng ikalawang dekada
ng nakaraang dantaon.

Maikling Kwento: WALANG PANGINOON ni Deogracias A. Rosario

6
PADAYON X

MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat
sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali.

Dula: MACBETH

SIKOLOHIKAL
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong
pag-uugali dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Teleserye: WILDFLOWER

7
PADAYON X

SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan
ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.

Maikling Kwento: IMPENG NEGRO ni ROGELIO G. SIKAT

MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay
may sariling kakayanan na umangat buhat sa pagdudurusang pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

Nobela: EL FILIBUSTERISMO Kabanata 4 ni Jose Rizal

8
PADAYON X

FORMALISMO/PORMALISTIKO
Ang pagbibigay pansin sa anyo ng panitikan. Ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Binibigyang-pansin ng manunuri
ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuuan ng akda.

Sanaysay: ISANG PINDOT SA KAMALAYAN ni Maria Bettina Clare N. Camacho

IMAHISMO
Layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag
sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga
imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.

Tula: ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN ni


9 Nathaniel Hawthorn
PADAYON X

PANGKATANG GAWAIN: TEORYANG PAMPANITIKAN

Panuto:

1. Pipili ng mga TEORYA mula sa natalakay at itatalaga ito sa bawat


kasapi ng pangkat.
2. Hahanap ng mga akdang pampanitikan (pambansa o pandaigdig) na
aangkop na mapipiling mga teorya. Ang mga sumusunod na akda ay
maaari niyong gamitin sa pagsusuri:
a. Maikling kuwento
b. Nobela
c. Dula
d. Mitolohiya
e. Sanaysay
f. Pelikula*
g. Serye*
h. Tula
i. Parabula
j. Pabula
3. Ang bawat teoryang napili ay maaaring kapalooban ng iba’t ibang anyo
ng akdang pampanitikan gaya ng naganap sa pagtalakay. Maaari din
namang isang akdang pampanitikan sa sampung teoryang napili.
4. Ilalagay ang senaryo o bahagi ng akdang nagpapapakita ng ebidensya
na ito ay naaangkop sa teorya.
5. Iipunin ng pinuno ng pangkat ang lahat ng masusuri at ilalagay sa short
bond paper. Nakasalalay din sa nakatalagang miyembro ang layout ng
output na ito.

10
PADAYON X

6. Walang itatalagang format pagdating sa font style ngunit ang font size
ay 14 pataas.
7. Mayroon dapat itong front page na may disenyo, pamagat, pangkat at
miyembro nito.
8. Isusulit ang output ng pinuno ng pangkat sa ikatlong linggo ng Marso
9. Isusulit ng mga miyembro ng pangkat ang kani-kanilang ginawang
pagsusuri at pananaliksik, sa ikatlong linggo ng Marso.
10. Kinakailangan ding maghanda ng isang powerpoint presentation
ang bawat grupo para sa magaganap na pagdepensa ng inyong
pagsusuri sa huling linggo rin ng Marso. (1 powerpoint = 1 pangkat).
11. Narito ang pamantayan ng inyong pangkatang gawain:
Nilalaman 40%
Pagdepensa 35%
Output 15%
Kooperasyon 10%
KABUUAN 100%

11
PADAYON X

AYOS NG MAGIGING OUTPUT:

TEORYA: FORMALISMO

SENARYO O BAHAGI MULA SA AKDANG NAPILI

(PAMAGAT NG AKDA)

PALIWANAG:

12

You might also like