Gawain 7 Magbasa Tayo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Magbasa tayo!

Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay tungkol sa Pista ng Poong Nazareno.


Pagkatapos, suriin ang mga sumusunod na pahayag na hinango mula dito. Isulat kung
ito ay katotohanan o opinyon.

“Pista ng Poong Nazareno”


Taon-taon, ginugunita sa Pilipinas ang pista ng Poong Nazareno tuwing
Enero 9 dahil milyon-milyong mga deboto ang naniniwala sa hiwagang dala ng
imaheng ito. Sa liit ng Maynila, kataka-takang inaabot ng 20 oras o higit pa ang
prusisyon nito (Traslacion), mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.
Katakot-takot ding problema at disgrasya ang inaabot ng mga deboto habang
sumasabay sa prusisyon. May mga inaatake ng high blood at sakit sa puso,
hinihimatay, nagkakasugat at mayroon ding namamatay dahil sa panatikong
debosyon.
Hindi man sinusuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines (CBCP) ang ganitong panatismo, binibigyan naman nila ito ng malalim na
pag-unawa sa Simbahang Katoliko. Hindi umano maiaalis sa mga Filipino ang
pananalig sa Diyos at pananampalataya ng mga deboto sa imahen ng Poong
Nazareno.
Ang Nazareno — sa kasamaang palad, ang imahen ng “Nuestro Padre Jesus
Nazareno,” na ipinuprusisyon taon-taon, ay hindi ang orihinal na estatwa. Ang orihinal
ay nawasak na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang maiwan ito sa
Intramuros.

__________1. Ang Pista ng Poong Nazareno ay ipinagdiriwang tuwing Enero 9.


__________2. Ang mga deboto ay naniniwala sa hiwagang dala ng imaheng ito.

__________3. Problema at disgrasya ang inaabot ng mga deboto habang sumasabay


sa prusisyon.

__________4. Hindi orihinal ang estatwa na ginagamit tuwing prusisyon nito taon
taon.

__________5. Hindi umano maiaalis sa mga Filipino ang pananalig sa Diyos at


pananampalataya ng mga deboto sa imahen ng Poong Nazareno.

You might also like