Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

TALUMPATI TUNGKOL SA PAGBOTO NG TAMA

Ngayong nalalapit na naman ang eleksiyon, muli na


namang haharap sa isang mahalagang desisyon ang
sambayanang Pilipino. Sa isang demokratikong lipunan,
ang halalan ay isang pamamaraan kung saan ang mga
mamamayan ay nabibigyan ng direktang pagkakataon na
makialam sa pamamalakad ng pamahalaan. Sa pagpili ng
mga opisyal ng gobyerno, masasalamin dito kung anong
klase ng pamahalaan at kung anong direksiyon ang nais
tahakin ng ating bansa.

Sa darating na Eleksyon, tayo ay mag-isip at maging


mulat upang hindi tayo magsisi sa bandang huli. Ang
EDSA II ay hindi dapat nangyari kung naging maingat tayo
sa pagpili ng karapat-dapat, matapat, malinis at
mapagkatiwalaang mamumuno ng bansa. Sana sa
pagkakataong ito ay madala na tayo sa mga matatamis
na pangako. Sana sa pagkakataong ito ay matuto tayong
tumingin sa substantibong aspeto ng bawat kandidato,
hindi iyong paghuhusga sa pisikal na anyo, popularidad,
kundi sa paghuhusga batay sa kakayahan, sa katapatan,
at kalinisan ng loob.
Ang pag-unlad ng ating kulturang pulitikal ay nasasalamin
sa klase ng mga kandidatong ating inihahalal maging sa
nasyonal o lokal na pamahalaan. Higit anuman, ang ating
pagkakamali sa pagboto ay hindi agarang maiwawasto sa
pagbubura ng pangalan sa balota dahil anumang
kamalian ay magbubunga ng masamang epekto sa ating
ekonomiya, sa reputasyon ng ating bansa at katayuan sa
internasyonal na komunidad. Idagdag pa rito ang agam-
agam at desperasyon ng ating mga kababayan at
kabataan sa pagsulong ng pagbabago sa ating lipunan at
bansa.
Kung kaya, nais kung ipahatid sa inyo ang aking pakiusap
na sana habang maaga ay simulan na natin ang pag-iisip
at pagtimbang sa mga kandidato upang sa gayon,
pagdating ng araw ng pagboto ay maging tama at wasto
ang ating desisyon.

You might also like